Debt Payment Chapter 10

406 13 0
                                    

###### Chapter 10 You're mine now, Yoko.

Nilibot nang paningin ni Faye ang loob ng bahay nila Yoko. May 2nd floor ang bahay nila. Napadpad s'ya sa kusina dahil may naaninag s'ya na tao mula sa pinagkakatayuan n'ya.

Nang malapitan n'ya ay isa itong babae na nakatalikod, alam kaagad n'ya na hindi ito si Yoko. Alam n'ya ang wangis ng katawan nito slim na maganda ang hubog, parang labanos din ang kulay ng balat nito at kasing lambot ng bulak. Alam n'ya dahil nadama n'ya ang kinis at lambot ng balat nito nang sandaling naitulak n'ya ito.

" S'ya siguro si Freen, " Faye's thought. Kilala n'ya rin ito dahil may mga kuha silang magkasama ni Yoko sa larawan ng ipa-background check n'ya ito.

Nakasuot ito ng puting bathrobe, kita rin ni Faye na basa ang buhok nito kaya naman nagka-idea s'ya na mukhang nag-swimming ang mga ito.

" Hey, you, " sabi ni Faye sa nakatalikod na si Freen, habang busy sa pag-aayos ng pagkain upang dalhin kay Yoko.

Lumingon si Freen sa kanya, nagulat pa nga ito at muntik pang mabitiwan ang hawak.

" Ms. Faye! " gulat na sambit ni Freen, habang nanlalaki ang mga mata.

" Nasaan si Yoko ? " .

" S-si Yoko? "

" You heard what I said, didn't you? Where is Yoko? "

" N-nasa likod, sa swimming pool, " natatarantang sagot n'ya.

" Freen! Pasuyo naman! Pakikuha 'yong cellphone ko sa ibabaw ng lamesa, naiwanan ko yata d'yan! " sigaw ni Yoko, mula sa likod ng bahay habang nakahiga pa rin at ninanamnam ang init ng araw.

" Ah, s-sige, dadalhin ko d'yan! " nauutal na sagot ni Freen.

" Ito ba 'yong cellphone n'ya? " tanong ni Faye, sabay kuha ng cellphone sa ibabaw ng lamesa. Tumango lang naman s'ya bilang sagot.

Kasabay naman nito ang biglang pag-ring ng cellphone habang hawak ito ni Faye, the caller was a man.

Faye recognized the caller immediately because she did background check to Yoko. Ang picture ng caller ay si Max, boyfriend ni Yoko at ang pangalan na naka-registered dito ay ang tawagan nila bilang couple.

" Honey, tsk! Ang baduy, " inis na basa dito ni Faye, dahil dito bigla na lamang s'yang na-badtrip. Naglakad s'ya papunta sa likod ng bahay na hindi maipinta ang mukha. Pinatayan n'ya rin ng tawag si Max, naiinis kasi s'ya rito.

When she entered the back of the house, she saw the large swimming pool, clean and beautiful all around. There is also a small garden and in the middle of it there is a swing. So because of this, it is relaxing to rest.

Faye loves flowers, she also likes to go to the beach because she can relax when she breathes in fresh air that comes from the sea, and the flowers give her joy especially tulips and red roses. It makes her feel better.

When Faye turned to the side, she saw Yoko lying down, wearing a pink swimsuit. Lumapit s'ya ng dahan-dahan sa tapat nito habang nakahiga pa rin 'to.

Nakasuot si Yoko ng sunglasses, kaya naman naisip ni Faye na baka nakapikit ito kaya siguro hindi s'ya nakikita. Lumapit s'ya ng dahan-dahan sa tapat nito habang nakahiga pa rin si Yoko.

Nakailang lunok ng laway si Faye nang mapagmasdang mabuti ang kagandahan ng katawan ng babaeng nakahiga sa harapan n'ya. Masyado kasi itong expose sa harapan n'ya at kitang-kita n'ya ang kabuuan nito. Bigla s'yang napahawak sa dibdib n'ya at pilit pinapakalma ito dahil muli ay nagsisimula na namang magpaunahan sa lakas ng kabog nito.

" May sakit na yata ako sa puso, magpacheck-up na kaya ako? " Faye's thought.

" Freen , nakita mo ba 'yong cellphone ko? " tanong ni Yoko, kaya naman bigla s'yang natauhan.

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon