Debt Payment Chapter 17

395 15 1
                                    

##### Chapter 17 I like Yho

Patuloy sa pagda-drive ni Lux patungo sa lugar na sinabi sa kanila ng lalaki bago nila ito patayin. Ngunit, hindi na mapakali si Faye dahil tila parang mali ang tinatahak nilang daan.

" Sigurado ka bang tama 'tong dinaraanan natin Lux? " tanong ni Faye habang nakatingin sa bintana. Masyado na kasing masukal at kagubatan na ang nakikita n'ya sa buong paligid.

" Ito ang ibigay na address no'ng lalaki Gov. , maski ako nagtataka na rin. "

" Kinakabahan ako Lux, baka ma-ambush tayo rito. "

" Sinabi ko naman sa 'yo na magsama tayo ng mga tauhan ko pero ayaw mo. "

" Inaasahan ko na kasing pwedeng set-up 'to. If what I'm thinking is true, we still have many innocent people to perish. "

" At ano, buhay naman natin ang manganganib. Hoy Faye, wala pa akong love life huh. Hindi pa ako pwedeng mamatay. I'm jealous because you already found the person you love while I'm still single, I guess the one for me won't come. "

" Darating din ang para sa 'yo, Lux. "

" So, totoong nakita mo na ang para sa 'yo? Si Yoko ba? " pang-aasar na sabi ni Lux. Si Faye naman ay sinimangutan lang s'ya, pagkatapos ay tumingin na ulit sa bintana.

" Ano nga Gov. , sabihin mo na sa 'kin. Parang hindi naman tayo matalik na magkaibigan n'yan. "

" Tigilan mo nga ako. "

" Faye, seryoso ako. Gusto mo na ba si Yoko? Kasi kung hindi, ako ang manliligaw sa kanya. Sige ka, type ko pa naman s'ya. "

" Tumigil ka nga, Yoko is mine only. " Dahil sa sagot ni Faye ay nanlaki ang mga mata ni Lux. Napangiti na lang ito, dahil masaya s'ya para sa kaibigan dahil natagpuan na nito ang taong para sa kanya.

" Lux, humanda ka. May sumusunod sa 'tin, maraming nakapalibot sa 'tin. " Biglang napaayos ng upo si Faye, dahil sa mga kaluskos na narinig sa kakahuyan.

Naging alerto silang dalawa habang dahan-dahang pinapatakbo ang sasakyan nila. Faye's car, driven by Lux, is bulletproof, but if there are so many bullets it's not strong enough, the car won't be able to handle it, so they have to be alert.

Kumuha sila nagtig-isang baril at nag-ready sa ano mang pwedeng mangyari.

" Ambush to Lux, yumuko ka! " sigaw ni Faye.

Lumabas ang mga armadong mga kalalakihan, iba't-ibang uri ng baril ang mga hawak nila habang pinapuputukan sila.

" Wala talaga silang balak na buhayin tayo, Gov. "

" Kailangan natin makalabas Lux, talagang mamamatay tayo pareho kapag hindi tayo makalabas dito. "

" Pa'no Gov. , napapalibutan nila tayo. "

" Bahala na, basta kailangan natin makalabas. Hindi tayo pwedeng mamatay ng ganito lang, lalaban tayo. "

They decided to go behind the car and Faye also took the teargas they were carrying. They were also wearing bulletproof vests so at least they had protection.

" Buksan mo na Lux, " sabi ni Faye, habang naka-ready ang mga teargas na hawak n'ya. Gagamitin n'ya ito para makalabas sila ng kotse.

Nagkatinginan muna sila ni Lux bago ito buksan, then Faye threw the two teargas she was holding.

Umusok ang buong paligid kaya naman nahinto saglit ang palitan ng mga putok ng baril, kaya naman nakakuha ng pagkakataon sina Lux at Faye para makahanap ng matataguan. Magkahiwalay silang nagtago sa malalaking puno sa gitna ng kakahuyan.

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon