Aaron
"Ba't ang pait ng mukha nito?" tanong ni Kieran kay Landon habang sinesenyas ako. He then occupied his usual seat to my right.
We're currently in our first period, waiting for Mr. Samson, our professor for History and Theory class.
I thought I was late earlier since I overslept, stewing in my anger from last night. But, I should've known better. Mr. Samson is usually, if not always, late.
"Ewan ko nga riyan. Kanina ko pa tinatanong, ayaw naman magkuwento," sagot ni Landon.
"Pa-mysterious naman 'to, parang hindi natin kaibigan," dagdag ni Kieran.
"Baka dalawa na 'yang black eye niyan, kaya ayaw ipakita," pabirong sabi ni Landon, natawa pa ng kaunti.
"Or baka na-karma na 'to dahil sa pagiging babaero," sabat ni Kieran.
Nakuha pa talaga akong husgahan at mag-usap nang super casual habang nasa gitna ako. Parang 'di ko dinig, ah.
"Nasapak ka na naman ba, bro?" Kieran inquired.
Sobrang tsismoso talaga.
"Of course not," I said in a stern tone.
"Tingin nga." Bigla niyang hinablot ang shades ko.
I frowned and glared at him.
"It's not that swollen anymore," Landon interrupted. "After two weeks, mawawala na rin 'yan, huwag mo nang isipin."
I extended my hand to Kieran, giving him a sharp look.
"Give them back."
"Okay, okay. Relax, bro." He handed them over, trying to suppress his laughter.
I immediately put the shades back on. I didn't want any pictures of me with a black eye circulating online. This mark needs to disappear before I can go without the shades again. Until then, let them assume what they want. I'll keep up this facade for as long as I need to.
"Ano? Nakabawi ka na ba?" tanong ni Landon habang may kinakalikot sa bag.
Hindi ko nainda ang simangot na gumuhit sa mukha ko. Samantala, narinig ko namang humalakhak si Kieran sa tabi ko. Tss, nakakainis. Ba't ko ba naging kaibigan 'tong mga 'to?
"Hindi pa?" napalingon si Landon sa akin at nagtanong.
"Ang aga-aga pang umuwi kahapon, e, nasablay naman sa balak." Tuloy pa rin sa halakhak si Kieran sa kanan ko. It took all my might para hindi ko siya mabatukan sa mga oras na ito.
"What happened?" kuryosong tanong ni Landon at saka itinuon ang buong atensyon sa akin.
My blood boils every time the memory of him comes to mind. I sighed. Kalma, Aaron. Then, I turned to face Landon and started ranting about everything that happened last night.
"Akalain mo, bro, binigyan pa ako ng ice bag ta's pain killers saka padabog na isinara 'yong pinto. In my face. Could you imagine? That's beyond humiliating. Gusto kong gibahin ang pinto ng pesteng 'yon at saka paulanan ng suntok, e. Hindi niya ata alam kung sino ako. Ituro ko kaya nang matauhan."
Hindi na siguro maipinta ang ekspresyon ko sa kabila ng lahat ng mga sinabi ko. Si Kieran ay tatawa-tawa lang at si Landon nama'y magkahalong pagkalito at libang ang nakaguhit sa mukha.
"Sinabihan kang hipokrito, bro? I really need to meet this person so I can give him a tip," saad ni Kieran.
"Ang kapal mo naman kasi magreklamo, e, ginawa mo rin naman. Nakahanap ka na talaga ng katapat mo," dagdag pa niya.