Chapter 13

8.9K 364 131
                                    

Levi

Brrringg!

My eyes shot open when I heard my alarm ringing from my phone on the bedside table. Bahagya akong nanatili sa kinahihigaan ko pero inabot din ito at pinindot ang snooze button nang unti-unti na akong narindi sa ingay.

I checked the time through my half-closed eyes. Shit! Alas-sais pa lang nang umaga. Nakalimutan ko atang i-set ang alarm sa alas-syete kagabi. Masyadong maaga ang gising ko.

Ipinikit ko ang mga mata at sinubukang hanapin ulit ang tulog pero mukhang gising na gising na ata ang kaluluwa ko na kahit anong pilit ko ay ayaw pa rin. Napasinghal ako at saka inangat ang sarili para umupo sa kama.

My first class doesn't start until eight, so I still have a lot of time to spend.

Binuksan ko ang nag-iisang bintana sa dorm, saka dumiretso ng banyo para mag-toothbrush at maghilamos ng mukha. Ganoon lang din naman ang routine ko. Napakasimple, pero kung minsan ay tinatamad pa rin ako.

Pagkatapos noon ay nagtipa ako ng message kay Abby para ayain itong mag-almusal. Pero mukhang tulog pa ata at hindi pa rin nagre-reply. Ibinaba ko ulit ang phone sa bedside table saka napagdesisyunang maligo nalang din.

Balak kong mag-almusal at tumambay nalang sa cafeteria hanggang sa lumipas ang oras at dumating ang alas-otso. Wala rin naman akong magagawa rito sa loob ng dorm.

Mabilis lang akong maligo kaya't wala pang kinse minutos ay tapos na ako, at may naka-sukbit ng tuwalya sa balakang ko. Habang basang-basa at tumutulo pa rin ang buhok ko'y dumiretso na ako sa cabinet para maghanap ng isusuot.

I opted for a simple black shirt na may malaking tatak ng bungo sa likod, dark rinse jeans, saka iyong sneakers na palagi kong ginagamit. Ang maganda talaga sa kolehiyo ay wala nang required uniform na kailangan mo laging isuot sa tuwing papasok ka. Although, may mga specific subjects talaga na kailangang magsuot for appropriation, tulad ko na isang Nursing student.

Isinukbit ko ang bag at saka kinuha ang phone bago binuksan ang pinto para lumabas. Ngunit, ang siyang paglabas ko ay ang siyang paglabas din ni Supremo mula sa dorm niya.

Nagtama ang tingin naming dalawa, pero iniwas ko rin ang tingin para i-lock ang dorm ko. Tahimik ang buong hallway, at ang tunog ng mga susi namin ang natatanging dinig.

Ibinulsa ko ang susi saka nagsimula nang maglakad palabas ng hallway at papunta sa elevator. Rinig ko rin ang mga yapak nito kaya alam kong nakasunod ito sa akin.

Tss. Mukhang magsasabay pa ata kami sa elevator.

Pinindot ko ang down button sa tabi ng elevator, at nang bumukas ito ay agad naman na akong pumasok saka sumunod si Supremo. Nagtama naman ulit ang mga tingin namin, bago ito tumayo sa kaliwa ko.

Napansin ko ang suot nito mula sa mirror wall ng elevator. Naka-grey drifit shirt ito na hapit na hapit pa sa katawan, black trousers, cream-colored sports shoes, at saka may pulang cap sa ulo nito na nakabaliktad pa. Nakapamulsa rin ito at halatang-halata ang kayabangan sa pagkakatayo.

Hambog talaga.

Sumara ang elevator at sabay kaming nag-abot ng kamay ni Supremo para pindutin ang ground floor button. Bigla naman kaming napalingon sa isa't isa.

"Uh...," ani nito bago binawi ang kamay saka tumikhim. "You go."

I mentally rolled my eyes, saka pinindot ang button pababa. Nabalot ulit sa katahimikan ang loob ng elevator, at ni isa sa amin ay hindi nagsalita. Pero, nabasag din iyon nang mag-ring ang phone ko sa bulsa.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now