Levi
Maganda ang panibago kong part-time job. Maayos ang treatment sa workers, pati ang relasyon ng bawat isa. Naka-close ko na nga agad si Kuya Marcello kahit first duty ko pa lang ngayon. At ang pinakanakakatuwa pa sa pagtatrabaho rito ay malaki rin ang sahod - times two pa ata ng nakukuha ko sa Beans & Brew. Pero as expected naman 'yon, since malaki rin ang kita ng bar araw-araw. Mas napalayo nga lang sa El U, but it's fine as long as may pangbayad ako sa dorm.
Mas umiingay ang gabi sa paglipas ng oras. Mas nagiging busy na rin ang staffs sa pag-fend sa mga orders ng mga customers.
"1st order, table 26!" pagtawag ni Kuya Marcello.
Kinuha ko ang tray na iniabot sa akin ng isang co-worker - si Sydney, pakilala niya sa akin kanina - at saka na ako umarangkada sa labas ng back room para i-deliver ito sa table 26.
Sa back room ginagawa ang mga snacks at ang iba pang mga pagkain sa menu na kailangang iluto. Samantalang sa may bar counter naman mismo ang mga drinks, at si Kuya Marcello mismo ang gumagawa no'n.
Nandito sila Supremo at 'yong mga kasama niya sa basketball team. 'Di ko rin napigilang magulat kanina nang makita ko siya. Sa lahat lahat ba naman kasi ng lugar! Baka gumawa pa ulit ng eksena 'yon, sobrang buryong pa naman sa buhay.
Inaayon talaga kami ng tadhana, balak atang paputiin ang buhok ko bago pa 'ko makasabak sa IIIA.
Paano ba naman kasi ako hindi maiinis, e, iyong mayabang na ngisi at iyong magkasalubong niyang kilay ang palagi kong nakikita tuwing magkakasalubong kami. Laki ng galit sa'kin ng gago.
Inilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang hawak kong tray nang makarating ako sa table 26. Apat na babae ang nakaupo rito. Maiiksi pa ang shorts na suot, at kurbadang-kurbada rin ang katawan dahil sa mga hapit na damit.
Napaiwas ako ng tingin saka tumikhim.
Bar nga naman ito, ano pa bang inaasahan ko? Pero, hindi talaga iyon ang mga tipo ko. Masyadong liberal at exposed. However, fashion is a form of expression. E, kung gano'n nila gustong i-present ang sarili nila, why not?
Balak ko na sanang umalis ngunit biglang nagbitaw ng salita ang isa sa mga babae sa table.
"Hi! Ang cute mo!" Napakurap ako sa sinabi nito.
"Look! Pati 'yong eyes niya," ani pa ng isa. Hindi ito ang unang beses na may nag-point out sa mga mata ko. In some cases, ang Heterochromia ay pwedeng sanhi ng isang disease o injury, pero ang sabi sa akin ni Mama ay heridited daw ang sa'kin. Mayroon din daw kasing may gan'tong kondisyon sa side ng Lola ko.
Tumikhim ulit ako saka nagpilit ng ngiti. "Uhm, salamat?"
"Woah, mas cute siya 'pag na-smile," ani pa ng isa.
Medyo nahiya ako, pero nanatili ako sa puwesto.
"Ngayon lang kita nakita rito? New worker?" tanong ng unang tumawag sa akin.
"Uh, yes. Part-time job," maikling sagot ko.
"That's nice! I'm Gwen, by the way, and these are Holly, Demi, and Shiela. It's nice meeting you!" Nag-abante ng kamay si Gwen sa akin, habang kumaway naman ang iba.
"Levi," ani ko at saka nakipag-shake hands sa kaniya.
"Suits you well," saad nito. "Ilang taon ka na?"
"17," maikling ani ko.
Nanlaki ang mga mata nito, saka bahagyang namula. "Do you go to college? And, if you do, saang Uni?" ani ni Gwen.
Interview ba 'to? Gusto ko sanang magsungit kaso, baka itong first duty ko ay maging last duty ko na rin. Kung si Supremo, okay pa, total sobrang sungit din naman sa akin. Magsungitan kaming dalawa.