Chapter 3

10.4K 347 174
                                    

Aaron

"Charging foul, Escueta!"

Isang malakas na pito at sigaw ni Coach Salazar ang nagpatigil sa bawat kilos sa El U basketball court. Nagsimula itong maglakad papunta sa akin nang magkasalubong ang kilay. Ramdam ko ang bigat ng masid nito pati ng bawat estudyanteng nanonood sa amin.

"Fuck," napadaing ako at saka bumuntong-hininga.

I can't even blame him. Simula nang mag-umpisa ang practice ay sunod-sunod ang naging committed fouls ko. Walang nangyari sa araw na 'to kundi kamalasan. Badtrip!

Nang makarating si Coach sa harapan ko ay suminghal din ito para pakalmahin ang sarili.

"Anong problema, Escueta?" diretsahang tanong nito.

Nanatili akong tahimik, tumitingin sa sapatos ko.

Nang napagtanto niyang wala akong balak sumagot, nagsalita ulit siya. "Ayusin mo 'yan. Kailangan ka ng mga teammates mo. Kailangang pulido ang sistema ng laro niyo bago tayo sumabak sa UAAP ngayong season. Nagkakaintindihan ba, Escueta?"

Tumango ako. "Yes, Coach."

Tumango ito pabalik sa akin at saka tinapik ang balikat ko bago hinarap ang buong team. "Rest, everyone."

Napakamot ako ng batok saka naglakad sa bench kung saan nakalagay ang bag at tumbler ko.

I don't know what's up with me. Masyadong mainit ang ulo ko sa lahat ng bagay, at pati ang passion ko ay napapabayaan ko na. Simula talaga nang dumating 'yong Kakashi na iyon! Naging miserable na ang buhay ko.

Nasuntok, nagkaroon ng iskandalo sa internet, at saka napa-guidance pa. All in a span of what? Four days? Baka nga ang sunod na nito ay mas malalang kamalasan. Two weeks of suspension? Andaming pwedeng ma-miss na activities no'n. Iba pa 'yong magiging reaksyon ni Mom 'pag nalaman niyang nangbu-bully raw ako ng freshman. Fuck.

"Bawi, Cap," udyok ni Jacob, isang teammate, nang napadaan ito sa kinauupuan ko.

Nagpilit ako ng ngiti saka tumango. Kinuha ko ang tumbler at tinungga iyon.

"Anyare, boy?" usisa ni Kieran habang papalapit sa akin. Nakabuntot naman si Landon sa kaniya.

Hindi ko ito sinagot. Tumayo ako saka isinukbit ang bag sa balikat at binitbit naman ang tumbler sa kanang kamay.

"Sa'n punta?" tanong ni Landon.

"Shower lang." Naglakad na ako at hindi na hinantay pa ang sasabihin nila.

I'm just not in the mood to talk. Diretso ng dorm na ako pagkatapos maligo. I need to rest. I need my energy back. 'Di dapat ako naaapektuhan nang ganito.

Nang makarating ako sa lockers room ay nagtungo agad ako sa isa sa mga unoccupied shower stalls. Andito rin ang ibang teammates at nag-aayos din para umuwi at magpahinga. Napansin ata nilang wala ako sa mood kaya't wala nang naglakas-loob na magtanong sa akin.

I remembered that I still need to inform Mom about the meeting tomorrow. I-text ko nalang ba siya? Tawagan? I-video call? Si Mom lang naman kasi ang nasa bahay at available, pero nakakatakot din kasi mag-overreact 'yon. Habang si Dad naman ay nasa Singapore for a business trip. So...

I really have no choice did I?

Nagpunta na ako sa dormitory hall pagkatapos kong mag-shower. Nakasuot lang ako ng puting t-shirt at saka black shorts habang bitbit pa rin ang bag at tumbler.

Sumakay ako sa elevator at saka pinindot ang fourth floor. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya't kinuha ko ito.

Nag-text si Kieran sa group chat.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now