Chapter 17

10.7K 396 205
                                    

Aaron

Mabilis akong tumikhim habang nakatayo sa labas ng dorm ni Kakashi. Nakaayos na ako, na-text ko na rin sina Kieran at Landon na hintayin ako sa parking lot, kaya si Kakashi na lang ang kulang.

Sumulyap ako sa sarili at hinagod ang buhok gamit ang mga daliri. I wore a simple cream polo shirt, white slacks, and white shoes. Bitbit ko rin ang itim kong shades sa kanang kamay habang nakasukbit naman ang bag ko sa balikat.

I feel cool. Sa sobrang lakas siguro ng dating ko ay hindi na magdadalawang-isip si Kakashi na sumama sa akin.

Tss. Baka nga ma-crush-an pa ako no'n.

Napangisi ako sa naisip pero agad ding ibinalik ang isip sa ulirat dahil lumakas na naman ang tibok sa dibdib ko. I raised my fist in the air before knocking twice on the door.

But, I was merely greeted with silence. Walang sumagot.

Baka tinakasan ako no'n?

Itinaas ko ulit ang kamao at kumatok nang mas malakas kaysa sa una. Don't tell me he actually ditched me? I swear; I will hunt him down for the rest of life if he did.

"Teka lang! Hindi makahintay," I heard an annoyed grumble from the other side.

Bahagya naman akong napaatras dahil akala ko ay may biglang lalabas at susugod sa akin mula sa pinto.

Chill, Kakashi.

Gusto ko sanang barahin, kaso baka 'di na sumama. Tumayo na lang ako roon sa labas at hinintay siyang lumabas mula sa kuwarto.

Ipinadyak ko ang paa sa sahig at isinandal ang likod sa pader habang hinihintay siya. Sumulyap ako sa relo para tingnan ang oras. Ten minutes nga siyang late sa scheduled time ng departure namin, tapos siya pa may ganang magalit.

Maarte talaga.

Maya't maya ay bumukas na rin ang dorm ni Kakashi kaya't agad akong napatayo mula sa pagkakasandal ko sa pader. I stared at him for a minute long.

I noticed his hair was still damp. Mukhang kakatapos pa atang maligo at parang hindi pa nagsusuklay. He was wearing a yellow polo shirt, black sweatpants, and slippers, while his bag was slung over his shoulder.

Mukhang bubuyog na naman.

His back was turned to me as he locked his dorm. But when he finally faced me, I was once again captivated by the color of his eyes. Pero hindi rin 'yon nagtagal dahil agad din siyang nagkamot ng mata. Singkit na nga, lalo pang sisingkit sa ginagawa, e.

"Oh? Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" maarteng aniya saka nauna nang naglakad patungo sa kabilang dulo ng corridor papunta sa elevator. Agad naman akong sumunod.

Mali ata gising ng isang 'to.

"Did you even comb your hair?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

Snob, ah.

"You need to at least look presentable," I said as I trailed behind him. Nang makarating kami sa elevator, agad na pinindot ni Kakashi ang down button hanggang sa bumukas ang pinto.

"Bakit? Ipapaalam ba kita para ligawan sa nanay mo? Eh, pinilit mo lang naman akong sumama sa'yo," sagot niya habang papasok sa elevator. Sumunod naman ako.

"Don't be pilosopo," medyo iritang saad ko. "We had a deal. You're not going to make me the bad guy in this."

"Tss, oo na," aniya bago pinindot ang ground floor button. The elevator doors closed, leaving us in silence once again. Just like yesterday.

Humalukipkip lang ako at nanatili naman kaming tahimik na nakatayo sa gilid ng isa't isa. I glanced at him through my peripheral vision. He was just standing there, staring straight ahead.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now