Aaron
"So, bati na kayo, bro?"
For the millionth time today, I huffed at Kieran's repetitive antics. Diretso akong naglalakad sa corridor papunta sa cafeteria para sa tanghalian, habang ang dalawa naman ay sumusunod lang sa bawat gilid ko.
"Balita ko sabay daw kayong pumasok ni Levi, a?" tanong ulit ni Kieran.
"Nagkasabay kaming pumasok, not sabay kaming pumasok. Those two are entirely different things," sagot ko habang hindi ito pinapasadahan ng tingin.
Bahagya itong natahimik, pero nagsalita rin matapos ang ilang segundo, "Well... sayang! Imbitihan ko sana ulit umupo sa table natin."
"Tss," kunot noong ani ko. What did they see in him that made them so drawn? 'Cause all I see is... a 5-foot-11 flimsy boy with weird eyes, deadly audacity, stoic face, and... just a... boy.
"Magbati na kasi kayo! Mag-sorry ka na, bro," usal ni Landon.
"Oo nga! Ikaw naman nauna, e. Mag-sorry ka na!" dagdag pa ni Kieran.
"Tell that to him, 'wag sa akin," I answered, clearly showing my annoyance. "It's not him who had to endure a swollen eye for days."
"Ang taas ng pride, 'di ko maabot. Gagi!" sarkastikong ani ni Kieran habang tumatalon-talon pa at kung may anong inaabot sa hangin.
"You know what they say, the more you hate, the more you love," saad ni Landon habang ngingisi-ngisi pa. Natawa naman nang napakalakas si Kieran, at pati ang mga estudyante sa corridor ay nagsipaglingunan sa kaniya.
I didn't pay them any mind as we continued walking towards the cafeteria. Hilig lang talaga nilang pagtripan ako. And also, students here tend to make such things a big deal. While it can be entertaining for me at times, it also tends to be annoying.
Nang makarating kami sa cafeteria, agad kaming pumila. Sina Landon ang nag-suggest na simula ngayon ay pumila na kami tuwing o-order. I don't even fucking know what they're on. Was it because of Kakashi?
Well, I'm fully aware that our tactics were unfair, but it takes no time, really. Mauuna kami sa pila at pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na. We get our meals, and they get theirs after us. Tapos!
Pero, ngayon pa ata naisipan nina Landon at Kieran ang magbago. Isasama pa ako. Mabuti nalang talaga at maliit pa lang ang linya.
I picked lasagna, chicken poppers, a banana, and a bottle of Coke and Yakult for my lunch. Sawa na kasi ako sa usual meal ko, so kahit na hindi ako fan ng lasagna, papatusin ko na rin, para naman may bagong tinta 'tong taste buds ko.
Naupo kami nina Kieran at Landon sa usual table namin nang makuha na namin ang mga orders. Inilapag ko ang tray sa lamesa, at saka inabot agad ang Yakult para buksan ito.
Napansin kong pinagtitinginan pa rin ako nang mga students, saka magbubulungan pa. Hindi ko nalang pinansin ang mga ito. Gwapong-gwapo lang siguro sa akin.
Nilibot ko ang mata ko sa buong cafeteria to look for that one person. Wala pa ito sa usual table nila sa right corner ng cafeteria, at hindi ko rin ito tanaw sa pila. I shrugged, but later on huffed.
They want me to apologize to him? Tss. In their fucking dreams. I'm not that desperate. Besides, I love annoying him. Nakakalibang makakita ng reaksyon sa napakablanko niyang mukha. Whether it's his knitted brows, raised brows, puffed cheeks, amusingly scary death glare, or... his smile.
"Sino na naman hinahanap mo, boss?" nakangising ani ni Kieran habang inaalon-alon pa ang mga kilay.
"Uh," I started. "Nothing." Nilagok ko ang isang botilya ng Yakult saka nilapag iyon sa lamesa.