Chapter 18

9.1K 407 126
                                    

Levi

"Mommy Celyne!" sigaw ni Kieran nang makarating kami sa front door ng higanteng bahay at makita si Mrs. Escueta, ang nanay ni Supremo.

Nakasuot ito ng pink dress na abot hanggang ibaba ng binti, habang ang buhok naman nito'y nakahapit sa isang ponytail. Hindi halatang may edad na ito; mukha ngang ate lang ni Supremo.

"Naku, Kieran. You haven't changed a bit. Napakamasiyahin mo pa rin," sagot ni Mrs. Escueta habang may malaking ngiti na nakaguhit sa labi. Lumapit siya kay Kieran at saka ginulo ang buhok nito.

"Saka pogi pa rin po," pabirong sabi ni Kieran, na ikinatawa naman ni Mrs. Escueta.

What I can say so far is... gusto ko nang umuwi.

Ni wala pang limang minuto mula nang makarating kami rito sa bahay nina Supremo, pero naa-out of place na ako. Pa'no ba naman kasi, garahe pa lang kung saan kami nag-park kanina ay higante na; paano pa kaya ang loob ng bahay? Feeling ko tuloy ay sasabak ako sa masamang misyon kahit wala naman akong balak gawin.

Ba't ba kasi kailangang kasama ako? Babawi talaga ako sa babaerong 'to bukas na bukas.

"Good morning, Tita," kalmadong sabi naman ni Landon habang may maliit na ngiti.

"Good morning din, iho. Come in, pasok kayo," sagot ni Mrs. Escueta saka binuksan nang mas maluwag ang pinto.

Naunang pumasok sina Kieran at Landon. Mukhang hindi pa nga ako napapansin ni Mrs. Escueta dahil nasa likod ako ni Supremo. Pagkalaki-laki kasi kaya't hindi ako mahagip.

"Hello, Mom," saad ni Supremo at hindi na nag-abala pang ngumiti.

"Hi, Son," maikling sagot ni Mrs. Escueta nang may malaki pa ring ngiti. "Where is he?"

Tumikhim si Supremo saka umalis sa harap ko. Napansin kong mas lumaki ang ngiti ni Mrs. Escueta nang makita ako. But I was just... there-standing straight with my palms buried in my pockets.

"Oh my, hello, dear!" sabik na saad ni Mrs. Escueta saka humakbang papunta sa akin para yumakap.

Tila wala naman akong naisagot at tinanggap na lang ang higpit ng yakap niya. Lumibot ang mata ko para tingnan sina Kieran, Landon, at Supremo. Nakangiti lang ang mga ito, habang nakasimangot naman si Supremo.

Tss, laki talaga ng galit sa mundo.

Tumikhim ako bago sumagot, "Uh... hello po." Unang kumalas si Mrs. Escueta sa yakap saka nakipag-beso sa akin. Parang siya nga lang ang gumagalaw at nanatili lang akong nakatayo roon na parang istatwa.

"Nice to meet you again, Levi. It's Levi, right?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Opo. Nice to meet you rin po, Mrs. Escueta."

"Oh, no, don't bother. Call me Mommy Celyne, Mom, or Tita. You pick," aniya habang nakangiti sa akin.

"Mom," pagsuway ni Supremo na halatang halata ang pagkahiya sa mukha.

I smiled sheepishly. "Uh, sige ho, Tita na lang po."

"Sure, sure. Let's get inside," aniya saka hinila ako papasok.

As soon as I stepped inside, I was greeted by tiled floors, a chandelier, and the massive staircase leading to the second floor of the house. Sobrang yaman pala nitong si Supremo, e. Hindi na lang mag-hotel kung mambabae, sa dorm pa talaga.

Inanyayahan kami ni Tita na maupo sa living room. Naunang naglakad papunta sina Kieran at Landon papunta roon, si Tita naman ay dumiretso sa isang open entrance na sa tingin ko ay ang kusina.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now