Levi
Putcha, apaka siraulo talaga. Wala bang narinig ni isa sa mga sinabi ko 'to?
Nakakunot ang noo ko habang tinititigan siya. Nakapatong ang mga kamay niya sa headlights ng motor ko na para bang tatakasan ko siya anumang oras. Parang wala nga talagang plano ang gago na paalisin ako, eh.
"Ano bang hindi mo maintindihan sa ‘hindi ako bakla,’ Supremo?" saad ko, mapait ang tono.
"That's exactly why I want to court you, bab—Kakashi," he replied, his face dead serious. "I want to make you gay... for me. Only me."
Ramdam ko 'yung init na umakyat sa pisngi ko dahil sinabi ni Supremo. Gago, kung ano-ano na lang pinagsasabi, eh. Sober ba talaga 'to?
Nanatili ang mga mata namin sa isa't isa, pilit na nilalabanan 'yung mga tinginan niyang... nakakailang. Mukhang manyakis, ampota.
Umiling ako. "Imposible..." bulong ko.
"Why? You don't believe me?" he asked, still serious. Sa totoo lang, kinakabahan na rin ako tuwing ganyan siya tumitig. Hindi bagay sa kanya; pakiramdam ko tuloy ay nagkukunyari lang siya.
"Ako nga binakla mo, eh," he muttered under his breath. "Didn't even like dicks before… well... technically, I still don't. But for you, it's different... I guess — tss, you get what I mean."
Umiiwas ako ng tingin at mabilis kong sinuot ang helmet ko. Baka mahalata pa niya na namumula na ang mukha ko.
Naiilang ako, tang ina.
"Wait—hey! What are you doing?" narinig kong tanong niya nang magsimula akong pumuwesto sa motor ko.
"Aalis na ako," sagot ko, at muli ko siyang tinitigan.
"But you didn't answer my question," sabi niya, halatang iritado na. "Will you let me court yo—"
"Ayoko."
Diniinan niya ang pagkakahawak sa headlights ng motor ko, veins popping on his arms. Hinagod niya ang buhok niya gamit ang isang kamay.
"But why?" He said, almost pleading.
"Ayoko nga," sagot ko. Sagasaan ko na lang kaya 'to para wala na akong problema? Nakakahiya na, eh.
Inabot ko ang phone ko sa isang compartment ng motor at tiningnan ang oras.
Putek, limang minuto na lang, shift ko na. Tss, mali-late nga talaga ako dahil dito kay Supremo.
"What's the reason? I'll court you to show you I'm serious. You don't have to do anything, I promise. Ako lang ang kikilos," saad niya.
"Hindi naman ako babae para ligawan mo," sagot ko. "Parehas tayong may lawit, tol."
"Lawit?" tanong niya, kunot ang noo.
Napabuntong-hininga ako at pumadyak sa gear shifter para paandarin ang makina ng motor ko. "Basta. Alis na, may trabaho pa ako."
"Hindi ako aalis until you agree to let me court you," saad niya.
Naku, ang laking problema siguro 'to ni Tita Celyne. Napaka tigas ng ulo, eh.
"Alis. Sasagasaan talaga kita," singhal ko. Sinamaan ko siya ng tingin, pero parang walang talab sa kaniya.
"Fine, two months," usal niya, at bumuntong-hininga. "Give me two months to win your heart. If that time ends and you still hate me, and you still don't feel anything for me, then... I-I'll fucking quit," he said, his voice softening.
Hindi ako sumagot agad matapos ng tanong niya, bagkus tinitigan ko siya. Walang halong biro ata trip nito ngayon. Pero two months? Ang tagal no'n, eh. Saka anong gagawin niya sa loob ng dalawang buwan? Baka kumalat lang 'tong pinaggagagawa niya sa El U; ayaw ko ng issue.