Aaron
"What happened?" tanong ko nang dumating sina Kieran at Landon sa El U basketball court.
Kanina pa ako mag-isang naglalaro ng basketball habang naghihintay sa pagdating nila. I refused to go with them when Audrey and Abby were called to the guidance office. Sumama rin kasi sila para makinig sa meeting, pati na rin si Kakashi.
Speaking of him, I don't know what's up with that guy. Sobrang concerned sa kaibigan pero sa sarili hindi. I remembered the way his face went from stoic to worried so instantly earlier. Samantalang ilang beses ko na ngang napag-initan 'yon pero nanatiling blanko ang mukha. Pero ngayong si Abby ang nadale, sobra naman sa pag-aalala.
"Ayon, suspended na naman," sagot ni Kieran habang umiiling pa.
Tumango naman ako saka dinribol ang bola. As expected, I guess? She deserved it, anyway.
"How long?" pag-usisa ko.
"One week lang naman," sagot ni Landon.
"How about Ka-I mean Abby?" tanong ko saka agad na napaiwas ng mata kahit wala naman akong iniiwasan. I'm starting to believe my mouth has its own mind. 'Cause I didn't think of that, I swear!
I dribbled the ball a few times before taking a shot at the ring. Then, boom! Three points from Escueta.
"She said she's fine. Tinulungan na ring bumalik ni Levi sa dorm niya," sagot ni Landon.
Oh. They must have been friends for a long time, perhaps childhood friends? Well, they act like it. I didn't think Kakashi could be a caring and invaluable friend; it really doesn't fit his all-so nonchalant character.
"Na-suspend din ba?" tanong ko.
"Hindi naman, bro. Pinaglaban kasi talaga ni Levi," saad ni Landon.
Tumango ulit ako saka humilata sa isang bench na katabi nina Kieran at Landon. Humiga ako sa mga braso ko saka diretsong tumingin sa ceiling ng court.
"Oo nga, kung nakita mo lang si Levi kanina, bro. Parang final defense na ng thesis ang atake, e," manghang sagot ni Kieran. "Nanlilisik pa mga mata! Wala tuloy nagawa si Mrs. Plaza kundi 'wag nalang i-suspend si Abby."
"Ang astig niya, bro," dagdag ni Landon habang tumatango-tango pa.
No shit. Dumadaldal nga 'pag galit. Kaya ang sarap galitin, e, saka lang nagkakareaksyon.
"Kanina ka pa rito?" tanong ni Kieran.
"Yeah," ani ko. "Hinihintay kayo."
Tumayo ako saka inabot ang bag sa malapit na bench. Kinuha ko mula roon ang relo saka tiningnan ang oras. Tinatanggal ko kasi iyon tuwing naglalaro. It's already past three in the afternoon. Halos dalawang oras din sila sa meeting.
"May classes pa ba kayo?" tanong ko sa dalawa.
"Wala na," ani ni Kieran habang umiling naman si Landon.
Maya-maya ay tatawagin na rin kami ni Coach para mag-practice ng basketball kaya't mabuting hintayin nalang namin sila dito.
I wore my black jersey this time. I have a ton of jerseys in my locker. Three years ba namang member ng team na taun-taong nagpapalit ng uniforms. Plus, I was a big part of the varsity team when I was in high school.
"May balak ba kayo mamayang gabi, bro?" tanong ni Kieran bago tumayo at nag-jogging papunta sa bola na nasa sahig.
"Wala, why?" tanong ni Landon.
Bumalik si Kieran sa tapat namin habang dini-dribol ang bola, bago pinaikot ito sa daliri niya. "Black Dog tayo mamaya."
"Okay," agarang sagot ko.