Chapter 4

9.7K 356 135
                                    

Levi

Fired.

Nakakatangina talaga 'yong Supremong 'yon. Gusto ata ng isa pang black eye, e. Nahanap pa talaga ako kung saang lupalop ng mundo para lang magawa akong siraan. Nasisante pa.

Kulang nalang at tanggalin din ako sa El U para talagang wasak na wasak na ako sa paningin niya. Hayaan niya't sabik din akong wasakin 'yang pinagmamalaki niyang pagmumukha.

"Levi!" rinig kong pagtawag sa akin ni Samuel. Agad naman akong napalingon sa kaniya mula sa pagkakaupo ko rito sa motor.

"Ito oh." Nag-abot ito ng isang kahon ng Beans & Brew pastries nang makarating sa akin, saka bahagyang ngumiti. "Isabay mo na, saka sorry nga pala sa nangyari kanina."

"Tss, 'di mo kasalanan 'yon," saad ko saka humithit sa sigarilyo, bago isinabit ang plastik ng pastries sa hand clutch ng motor. "Salamat dito, Sam."

Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Samuel. Mabuti siyang tao, maalaga, saka gentleman. Para ng kuya ang tingin ko sa kaniya, at ganoon rin naman siya sa akin. Magkapatid ang turingan namin sa isa't isa.

Iyon nga lang, nasisante ako ngayong gabi nang dahil lang umandar ang psychotic disorder ng isang impaktong 'yon.

Hindi bale't ikatlong buwan ko palang naman dito. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit madali akong nasisante, baguhan pa lang kasi. Wala pang close relationship sa Manager. In fact, kay Sam lang naman talaga ako malapit sa buong staffs ng cafe.

"Kaya mo bang pumunta bukas, Sam?" tanong ko.

"Syempre, bakit naman hindi?"

Umiling ako, saka na umangkas sa motor at sinindihan ang makina. Hinayaan ko muna itong umugong sa gitna ng tahimik na gabi, saka lumingon pabalik kay Sam na nakatayo pa rin sa pwesto nito.

"Thank you, Sam. Alam mo na 'yan," ani ko at ngumiti.

"Oo, oo. Ingat sa byahe," sagot nito saka tinapik ang balikat ko.

Tinanguan ko ito saka huling humithit sa sigarilyo bago hinulog iyon sa sahig at tinapakan. Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga kasabay ng puting usok mula sa hithit saka ko sinuot ang helmet bago na pinaandar ang motor pabalik sa El U.

Nasabi ko na kay Samuel na siya ang papupuntahin ko sa meeting bukas bilang guardian. Wala naman si Mama rito para um-attend, aba't malay ko bang masasangkot pala ako sa kademonyohan ni Supremo. At, hindi ko rin inakalang kakailanganin pa pala ang presensya ng mga parents sa kolehiyo. Hindi naman na kami mga bata, 'no.

Kung alam ko lang ay hindi ko na sana tinaggap ang scholarship na inalok sa akin ng El U, at nag-stay nalang ako sa mga college universities sa probinsya.

Saka, hindi ko rin sana makikilala 'tong si Supremo.

Kakailanganin ko pa tuloy ngayon ang mag-apply ulit for a part-time job. Maganda na nga ang sustento na ibinibigay no'ng cafe, nawala pa.

Alas-nuwebe y medya na nang makarating ako sa dorm. Wala na rin akong iba pang ginawa at humalandusay na lamang sa kama hanggang sa makatulog.

Mabuti nalang at hindi naisipan ni Supremo ang mambabae ngayong gabi. Ang pag-tripan ako nga lang ang ginawang alternatibo.

~

"OMG! Ang gwapo ng Aaron ko!"

"Hays! Landon talaga, my Prince Charming."

"Buti nalang 'di na naka-shades si Aaron! His eyes are gorgeous, with black eye or not."

"They said magaling daw si Aaron. True ba?"

The Art Of UsWhere stories live. Discover now