Chapter 2

11.1K 321 140
                                    

Aaron

"Magaling daw 'yon. Nang-aaway ng prof sa recitation," lahad ni Kieran.

Pagkatapos ng practice namin kanina ay nagpunta kami rito sa Black Dog, isang bar dito sa BGC. Naging tambayan na namin ito simula no'ng mapadpad kami rito pagkatapos naming matalo sa isang season ng UAAP three years ago. Maganda rin naman ang ambiance at higit sa lahat. Girls.

Hindi na nagreklamo sina Kieran at Landon nang ayain ko sila rito. Libre ko, e. Lalo na 'tong si Kieran, hindi nagpapalagpas 'yan. Kaya kahit pagod pa kami mula sa practice kanina ay tumuloy pa rin kami.

"Freshman 'ka mo?" tanong ko.

Kaya pala parang ngayon ko lang napansin 'yon sa campus kahit magkatabi kami ng dorm. Perhaps, it's because I generally didn't care about who is who at school. Pero 'tong si Kieran iba, e, alam lahat ng nangyayari sa school. Tsismoso.

"Bakit? 'Wag ka na pumalag, man. Ikaw naman may gawa ba't ka sinuntok, e. Palampasin mo na," ika ni Landon.

I huffed saka tinungga ang baso ng Vodka sa may counter.

Kung kaming dalawa ni Kieran ay kilala bilang basag-ulero, 'tong si Landon naman ginugusto kasi gentleman. Prince Charming kumbaga. Kaya maraming secret admirers niyan, kasi alam nilang wala silang chance. Hindi tulad ko na halos nai-kama na ata lahat ng magagandang babae sa Elmsworth. Guilty. But, I'm clean. I have never done it without protection.

"Kaya nga, bro, baka mapatay mo pa 'yon, e. Iba ka pa naman manuntok," dagdag ni Kieran.

Imbis na kampihan nila ako ay sila pa 'tong nanggigisa sa akin.

Hindi ko sila pinansin, bagkus tumingin ako sa relo. Magtatatlong oras na kami rito. Wala naman kaming ginawa kundi magkwentuhan ng kung ano-ano at mag-inuman, syempre.

"Hey, what's your name?"

Narinig ko ang isang matinis na boses sa likuran ko bago naramdaman ang paglihis ng kaniyang palad sa balikat ko.

Napasinghal ako at saka hinarap ito. "Hey," ika ko nang walang interes.

"What happened to your eye, cutie?" malanding usal nito.

"Basketball. You know how it is."

"Nag-babasketball ka?" tanong nito saka tumingin sa aking labi. "That's nice."

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking hita. "You wanna get off here?" usal nito saka binasa ang labi.

"Actually, me and my friends are going," sagot ko at inusog ang kamay nito palayo. "Maybe some other time."

Kinindatan ko ito saka tumayo para lumabas ng bar. Nakita kong namula ang pisngi nito sa hiya, ngunit nag-recover din at saka sumagot.

"Oh, sure."

Tuluyan na akong lumabas ng bar. Sinundan naman ako ng dalawa hanggang makatungtong kami sa parking lot.

Wala akong balak mag-uwi ng babae ngayon, saka pagod din ang katawan ko dahil sa practice kanina. Saka na lang, 'pag nabawi ko na mood ko.

"Hanep, a. Lesson learned na nga talaga," sabi ni Kieran habang papunta kami sa kotse ko.

"Tss, wala lang ako sa mood," sagot ko.

"That's good. Para makapagpokus ka rin sa training at team, hindi yung babae lagi ang inaatupag," sabi ni Landon. The Wisdom Man.

"Ayan na naman si bro. Try mo kaya. Masaya, promise," biro ni Kieran at saka in-alon ang kilay.

Nabalot kami sa katahimikan habang patuloy na naglalakad palapit sa kotse.

"Try mo sa'kin," pagbasag ni Kieran.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now