Aaron
"Good afternoon, Ma'am and Sir. Have a seat."
Naupo ako't si Mom sa mga bakanteng silya sa tapat ng dean's desk, habang inokupa naman ang mga silya sa kasalungat na gilid nina Kakashi at ang isang crew na kasama niya kagabi sa Beans & Brew.
His older brother, perhaps? But, they don't look to be of the same blood. Maputi si Kakashi, medyo singkit din, saka hambog, mataas ang pride, at matindi; habang tan skinned naman ang isa. Baka kaibigan? Syota?
You know what? Pake ko sa kaniya.
Bumaling ako kay Kakashi. Maayos itong nakaupo habang nakahalukipkip. Mukhang hindi rin ito kinakabahan, at mas kalmado pa yata sa karagatan ang ekspresyon.
Mukhang naramdaman nito ang bigat ng titig ko dahil lumingon ito sa akin, saka nagtaas ng kilay. Nang hindi ko siya sinagot ay bigla itong umirap bago bumaling ulit sa dean.
"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy, ano? At baka mayroon pa po kayong kailangang gawin. But, there was an unfortunate incident involving our students, Aaron Escueta and Levi Tan. At the very least, aware naman po tayo doon, hindi po ba?" mahinhin na pagsisimula ni Dean Plaza.
Pinasadahan ako ni Mom ng nanlilisik na tingin, habang pilit ko naman itong nginitian.
"Simple lang po ang task natin today. Gusto ko lang pong marinig ang kuwento ng bawat panig, and we will try to draw solutions for it. Ok po ba?" usal nito, saka tumingin sa aming dalawa ni Kakashi.
"Let's begin with you, Mr. Aaron Escueta."
Gumuhit nang kusa ang ngisi sa aking labi, pero agad ko rin iyong tinapalan ng ngiti. Bumaling ako kay Kakashi.
"Actually, that scene was merely a casual incident between the both of us, right, Levi?" sagot ko habang nakatingin pa rin kay Kakashi.
Kumunot ang noo nito at may balak yatang sabihin, ngunit inunahan ko ito.
"We know each other before this issue. In fact, magkatabi nga po kami ng dorm at close kami." Nagtaas ako ng kilay. "Nagkakabiru-biruan at times, that's why nagkataon lang po sigurong na-capture ng camera sa maling angle. Actually, he's the one who gave me my recent black eye."
Nagkasalubong ang kilay nito.
This is the most reaction I've seen from him, and I'm quite... impressed with myself.
"Nagawa ko lang naman ho 'yo-"
"Nagawa niya lang naman po 'yon kasi lasing kami, and because I teased him so hard. Pikunin po kasi 'to 'pag lasing, and I'm aware of my fault. But, we're good now. Pagaling na rin naman na po 'tong pasa ko," pag-eexplain ko.
"Is that right, Mr. Tan?"
Oh god, I wish I could take a photo of this moment while it lasted.
Pulang pula ang tenga ni Kakashi, habang nakasandal sa upuan nito at nakahalukipkip pa rin. Parang bata.
Nanatili ang lahat ng tingin sa kaniya, nag-aantay sa kung anong isasagot nito. Pero, ang mga mata nito'y nakatutok lang sa mga palad niya.
"Seems like your claim isn't true, Mr. Escue-"
"Totoo ho 'yong sinasabi niya," paghati ni Kakashi sa balak sabihin ng dean.
Surprise etched itself onto my face. Mukhang effective nga talaga ang charm ko at nakumbinsi ko pati ang current biggest enemy kong makisakay sa plano ko.
Lumaki ang ngisi sa mga labi ko.
Pero, bumagsak din ito nang magtama ang mga mata namin at natanaw ko ang bahagyang ngisi sa labi ni Kakashi.