Chapter 24

10.3K 456 391
                                    

Levi

"Kailan ba unang game niyo?" malakas na tanong ni Abby kay Kieran, tinatapatan ang ingay ng pagkanta ni Xavier, isa sa mga kasamahan nila sa basketball, sa videoke.

"Next week," sagot ni Kieran.

"Oo nga, pero anong araw?" ulit ni Abby.

"Friday," sabat ni Landon bago pa makasagot si Kieran.

"Ayan! Buti pa si Landon, alam agad, eh," sabi ni Abby na may bahid ng pang-aasar, sabay tingin kay Kieran. "Do'n ka na nga, Kieran."

Nagtawanan sila, habang si Kieran ay kunwaring nagtampo, pabirong sumimangot, saka tumusok ng isa pang piraso ng liempo.

Walang sabi-sabi, niyakap siya ni Landon mula sa gilid, tapos tinapik-tapik pa ang ulo. "Tahan na, baby boy. I'm here, okay?"

"Gago!" Marahan siyang siniko ni Kieran, sabay malalim na simangot. "Bitiwan mo nga ako!"

Sumiklab ulit ang tawanan sa pagitan nila.

I just poked at my food, half listening, half zoning out.

Ang iba sa mga kasamahan nina Kieran ay sumasayaw at nakikisabay sa kanta ni Xavier na hindi ko alam ang title.

Si Abby, nakikisabay rin sa trip ng grupo, akap-akap ang tuhod na nakataas sa silya niya. Parang nasa bahay lang, eh.

"Biro lang, bro," sabi ni Abby kay Kieran, nakangiti pa rin. "Nasanay lang ako sa pagkaprangka ng bestfriend ko," dagdag niya, sabay nguso sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.

I rolled my eyes at her, saka ibinaling ang tingin ko kay Calista na nakaupo sa tabi ko, nang bigla siyang magsalita.

"I was looking for you noong Acquaintance Party. Where were you?" bulong niya, nakatingin sa akin. "Hindi na kasi kita nakita after you invited me for a dance."

Pagkabato niya ng mga salitang iyon ay agad na napunta ang mga mata ko sa lalaking nakaupo sa tapat ng silya ko.

Nakahalukipkip siya habang tinatapunan ng masamang tingin ang baso ng cocktail sa tapat niya.

Anong walang kabuluhan na naman kaya ang tumatakbo sa isip nito?

Lahat na lang talaga inaaway. Eh, mukhang wala namang ginagawa 'yung cocktail.

Siraulo.

Saka, kung ayaw niya akong pansinin, edi walang pansinan. Lakas talaga ng trip nito kahit kailan. Andami pang pinaggagagawa nung Acquaintance, tapos 'pag nasuntok, magmamaktol.

Binalik ko ang tingin ko kay Calista para sagutin ang tanong niya. "May inasikaso lang," sagot ko.

"Hmm," aniya, tumango siya pero mukhang hindi kumbinsido. Lumingon siya kay Xavier, na katatapos lang sa pagkanta, at tinawag ito. "Pssstt! Guy! Pwede bang mahiram yung songbook?"

Tumango si Xavier at inabot ang libro kay Calista. "Eto."

"Thank you!"

"Ba't wala sina Harold at Zane?" tanong ni Calista sa akin, tinutukoy ang iba naming kasama sa The Sci Sleuths.

"Inimbitahan ko sila; hindi sila dumating," sagot ko at kumagat muli sa barbeque.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now