Chapter 19

9.3K 394 204
                                    

Aaron

"News said next week na raw ang Acquaintance niyo, son?" I was about to take a bite when Mom interrupted with a question.

We're seated at the dining table, having dinner. It's already eight thirty, and Kakashi, Kieran, Landon, and I are still here, lingering. Hindi nga ako sigurado kung makakauwi pa kami sa El U tonight.

Ibinaba ko ang kutsara at saka walang ganang tumango at sumagot kay Mom, "Yeah, Friday."

I glanced at Kakashi, who was mindlessly finishing his plate. Parang may sarili ngang mundo, eh. Pagkatatanungin lang siya ni Mom ay doon lang sasagot. Ewan ko ba rito - kapag aawayin naman ako ay andaming nasasabi.

"Tss, bubuyog," I muttered, furrowing my brows as I watched the laid-back Kakashi. Bigla namang umangat ang tingin niya at nagtama ang mga mata namin. Walang reaksyon itong nakipagtitigan sa akin, bago nagtaas ng isang kilay, nagtatanong.

Nag-iwas ako ng tingin saka inilibot ang mga mata sa buong dining table. Lahat sila, including Dezza, ay nakatangin sa akin nang may pagkalito sa mukha.

Shit, napalakas yata.

I cleared my throat and awkwardly glanced at Dezza, who was sitting right next to me. I reached for her spoon and fed her a bite. Pumalakpak naman siya pagkatapos niyang matikman ang pagkain, tuwang-tuwa.

"May date ka na ba para sa Acquaintance, Kieran, iho?" tanong ni Mom out of nowhere.

Bago pa makasagot si Kieran ay sumabat na ako, "Mom, it's an Acquaintance Party, not a Prom." I shoved a spoonful of food into my mouth after.

"Optional lang naman po, Tita Celyne," sagot naman ni Landon.

"Huwag ka nga diyan, Ron!" biglang bulalas ni Kieran saka humalakhak.

My brows knitted in confusion as I looked at him. "What?"

"Third year mo na sa El U. Sa mga taon na 'yon, nagdala ka ng date sa Acquaintance. Ngayon ka pa talaga nagsalita, ah," aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin, at lumipat naman iyon kay Kakashi nang marinig ko ang bahagyang pagtawa niya. I pushed my plate away and crossed my arms over my chest.

Nakakawalang ganang kasama 'tong mga 'to.

"Tss, si Audrey and... that one girl from Nursing Dep lang naman ang naaya ko," pagdepensa ko, just in case Mom got the wrong idea.

Pero totoo naman 'yong sinasabi ko, saka kilala naman ni Mom si Audrey.

"Calista," sabat ni Landon.

"Y-yeah," sagot ko saka napalunok. "That one."

"Calista?" tanong bigla ni Kakashi. Napatingin kami nina Kieran at Landon sa kanya. "Calista Silang?" tanong niya.

"Siya nga, Lev," sagot ni Kieran.

Kakashi nodded slowly, then muttered, "Ah..."

"Why?" tanong ko bigla, leaning in closer to the table. "You know her?"

Tahimik muna siyang ngumuya ng pagkain bago sumagot, "Kasama ko sa The Sci Sleuths."

Nagkibit balikat siya at wala naman nang nagsalita pagkatapos niya. He continued eating, and so did Kieran and Landon. I just focused on helping my little sister finish her meal. May hawak-hawak pa rin kasing laruan hanggang sa pagkain, eh.

"Levi," tawag ni Mom kay Kakashi.

"Po?"

"May isusuot ka na ba para sa Acquaintance Party niyo, dear?" tanong ni Mom, nakangiti.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now