Chapter 39: Unfinished Words
Ayara
"Tara na, Elias! Bilis!" nagmamadaling tawag ko sa kaniya nang matanaw ko na siyang pabalik sa puwesto kung saan niya ako iniwan kanina. "We really need to go back now!"
Biglang naglaho ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Confusion immediately crossed his face as he slowed down in front of me. "Bakit? May nangyari ba?"
Mabilis akong umiling. "Wala naman," I assured him as I forced myself to stay calm. "Kailangan lang talaga natin bumalik. I forgot to tell Anais about something important."
"Ngayon na agad?" nag-aalala niyang tanong habang sinusuri ang mukha ko. "Ganoon ba kaimportante iyon?"
"Oo."
"Mas importante pa kaysa sa pagsolo ko sa iyo ngayon?" diretsahan niyang tanong, walang pag-aalinlangan.
Parehong nanlaki nang bahagya ang aming mga mata. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Mukhang kahit siya mismo ay hindi rin niya inaasahan na masasabi niya iyon nang ganoon kadali.
Napalunok ako nang wala sa oras.
In the first place, wala naman akong ideya kung anong point ng pagyaya niya sa akin dito ngayon sa sunflower maze at kung ang reason niya lang pala ay para masolo ako, mula sa mga narinig ko kanina, sa tingin ko mas importante pa rin ang kaibigan ko. Nangingibabaw ang pag-aalala ko sa kaniya.
Hindi na lang ako sumagot.
Napakamot siya ng batok bago marahang napabuntong-hininga. "Wala pang ilang minuto noong iniwan natin sila, ah. Saka, sandali lang din naman tayo," he explained, looking at me with pleading eyes that almost made me feel guilty for wanting to leave. "Hindi ba puwedeng mamaya mo na lang sabihin?"
Natauhan ako. Masisisi ko ba iyong sarili ko na concern ako sa kaibigan ko kaya kailangan ko agad siyang puntahan? Kaso unfair nga naman ito para kay Elias. Ayaw ko rin naman sabihin sa kaniya 'yong mga narinig ko.
I breathed heavily. Lumagpas ang paningin ko sa likuran niya. Sa hindi kalayuan, I saw Arturo's firgure walking back. Good thing, hindi niya kami nakita rito.
I still couldn't forget the phone call I had accidentally overheard earlier.
Anais was planning to confess tonight. And after hearing what I heard, I knew she would only end up hurt. I didn't know if I could just stand there and watch it happen. Lalo na't may nalalaman ako tungkol kay Arturo. Clearly, hindi pa niya naipakikilala ang girlfriend niya kay Anais.
Umaasa ang kaibigan ko, iniisip niya na may chance siya habang si Arturo naman ay hindi man lang namamalayan na lalo niya lang siya pinapaasa.
I looked up at the sky at bahagyang napakurap-kurap. I convinced myself. There was probably still enough time to stop her before everything happened. For now, pagbibigyan ko muna itong si Elias.
When my gaze finally returned to him, gumapang ang paningin ko sa bagay na nasa mga kamay niya. Sa sobrang aligaga ko, ngayon ko lang iyon napansin. May hawak siyang isang sunflower. Elias noticed where I was looking and awkwardly held it out toward me. "Para sa iyo," he offered, carefully placing the flower in my hands.
"Thank you," I said automatically as I stared at the flower silently. May kumurot sa konsensiya ko. Ang daya ko nga naman para yayain siyang bumalik. Nag-effort siyang pumasok sa sunflower maze kahit sobrang tirik ang araw, at halata rin ang pagod dahil bakas sa damit niya ang pawis.
Pero teka, para saan ba ito?
Tila narinig niya ang tanong sa isipan ko.
"At . . ." his voice softened. "Pasensiya pala."
BINABASA MO ANG
what if we happened
Romance"If I had confessed my feelings to him, would there have been a possibility for us?" - Seren - Date Started: June 25, 2024 Date Finished:
