Chapter 9

46 2 0
                                    


"You better run, Denise... run before I change my mind."

Napalunok ako at tumingin sa pinto na nakasarado. Namamawis nang husto ang mga kamay ko. May mapaglarong ngisi pa rin sa labi niya, na parang alam ang iniisip ko.

I don’t know if he’s really playing because, in the first place, the door is already locked.

"Hmm... unless you want to pay me now, don’t you?" He breathily whispered in my ear, teasing me.

"Let me leave—"

"I’m asking you kung handa ka nang magbayad."

Natigilan ako nang bigla siyang magsalita ng Tagalog. May kakaibang accent sa boses niya na nagpagulat sa akin. Why does it sound so sexy?

He licked his red lips as if he was thinking of something. Agad akong umiwas ng tingin. Binitawan niya ang hawak na patalim at tumayo. Napansin ko ang flex ng kanyang braso, kung saan may tattoo ng ahas.

"Aren’t you comfortable on the floor?" malamig niyang tanong, dahilan para tumayo ang balahibo ko.

"W-what do you mean?" tanong ko nang may kaba.

"Or do you want to do it in my bed?" he smirked playfully, as if enjoying teasing me. Namula ako sa sinabi niya.

This man is a pervert!

"I'm not interested. You’re not my type," halos kagatin ko ang dila ko sa sinabing kasinungalingan.

Natawa siya nang mahina at kinagat ang kanyang labi. Mukhang hindi siya na-offend. Sa halip, nag-eenjoy pa siya.

Sinindihan niya ang isang stick ng sigarilyo sa harap ko. Maya-maya, naramdaman ko ang kamay niyang itinaas ang baba ko. Nagtagpo ang aming mga mata.

"Tell me, Denise. What are you doing on my hell place?" seryoso niyang tanong. Nanatili akong tikom ang bibig.

He never left my eyes.

"I r-really don’t know," bulong ko nang mahina.

"Careful, kitten." His mere voice sent shivers down my spine. Marahan niyang binaba ang laylayan ng nighties dress ko, at sumayad ang mainit niyang daliri sa balat ko. Para akong nakuryente.

Hindi ako makagalaw. My body didn’t protest against his touch, and I hated myself for that.

Mariin akong napapikit nang hinila niya ang tela sa balikat ko at idinampi ang kanyang labi. He slightly kissed my shoulder, making me curse in my mind.

'Damn you in the depths of hell, Drystan!' I wanted to shout, but my body was too weak.

"This hickey looks good on you."

PAGKARAAN ng araw na iyon, hindi ko na siya muling nakita. Parang isang linggo na ang nakalipas. Tahimik ang gabi. Walang senyales ng lalaking laging nakatayo sa railings ng second floor sa university.

Tumingin ako sa sapatos kong may konting putik mula sa kakalipas lang na ulan. Hapon na at pauwi na ako. Nagdesisyon akong maglakad pauwi sa apartment.

Habang naglalakad, bawat hakbang ay binibilang ko. Bigla akong napaisip sa mga alaala ng kabataan—panahong walang problema, walang responsibilidad, at puro saya lang.

Napatingin ako sa likod nang makarinig ng mahinang tunog. Kumunot ang noo ko dahil wala namang tao. Hanggang sa makita ko ang isang plastic bottle. Napabuntong-hininga ako sa pag-aakalang iyon lang iyon.

Lumakad ulit ako hanggang sa makalagpas sa madilim na eskinita. Wala namang nangyaring masama. Ngumiti ako, pero unti-unti itong nawala nang makita ko ang tatlong lalaki sa unahan.

Napalunok ako.

Mukha silang lasing, at alam kong masama ito. Nanginig ang mga kamay ko habang lumilinga, naghahanap ng taong maaaring dumaan. Pero wala ni isa.

'Danger is everywhere. Remember that.'

Bumalik sa isip ko ang salitang iyon.

Napailing ako. Why am I even thinking about him?

Bago pa nila ako makita, agad akong lumiko sa isang madilim na sulok. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang kanilang papalayong yabag.

Lumabas ako sa pinagtataguan at mabilis na umalis. Halos tumakbo na ako papunta sa apartment. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng gabi.

Natigilan ako nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Sa sobrang tahimik ng paligid, rinig na rinig ito.

"What are you doing here in the middle of the night?"

Agad akong napalingon sa nagsalita. Isang babaeng nakapantulog ang bumungad sa akin. Tumikhim siya nang makita niyang nakatitig ako.

"I think ikaw ‘yung bagong lipat na sinabi ng landlady. Denise, right?" casual niyang sabi. Pero nanatili akong tahimik.

"Mabuting pumasok ka na. Lumalalim na ang gabi," aniya. Bahagya pa siyang tumingin sa likod ko, kung saan narinig ang putok ng baril.

"I know you heard it too," sabi ko. Pero mahina siyang tumawa.

"Baka may sumabog lang na transformer. Madalas ‘yon mangyari dito," tamad niyang sagot habang inaayos ang kanyang buhok. Para bang normal lang ang narinig niya.

"Yung sunod-sunod na krimen sa lugar na ‘to... can you explain that to me?" Natigilan siya sa paglalakad at binigyan ako ng matalim na tingin.

"Those things are so complicated. Kung ako sa’yo, huwag mo nang alamin dahil mapapahamak ka lang," seryoso niyang sabi habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

"Baka nga hindi mo kayang protektahan ang sarili mo kapag nasa panganib ka. Just stay aside and let the authorities solve that problem," pabiro niyang dagdag na ikinaangat ng kilay ko.

"What do you mean by that?"

Wala akong sinayang na oras. I immediately used what my late grandfather taught me when I was a child, causing her to fall. Nagulat siya, at tila masakit ang pagkakabagsak niya sa sahig.

"Yeah, I am weak," sagot ko nang sarkastiko habang inaayos ang uniform ko. Lumagpas ako sa kanya, pero bigla akong napatingala nang makita ko ang isang lalaking nakatayo sa third floor ng apartment. May hawak siyang sigarilyo habang nakatingin sa direksyon ko.

His eyes were blank, but there was a smirk on his red lips.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong umiwas ng tingin.

Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon