Pumantig ang tainga ko sa sinabi niya pero binalewala ko na lang. Siguro ay namali lang ako ng dinig. Tumingin ako sa kanya at itinuro ang isang malaking litrato.
"Who is she?" tanong ko, hindi maiwasang mapatingin doon. The woman in the picture is so beautiful. Dark ocean blue eyes and brown wavy hair. She looks like a goddess.
"My mother," sagot niya, kasabay ng paglalagay ng kamay sa kanyang bulsa.
Napangiti ako sa isip. Kaya pala. He got her eyes from his mother.
I can't help but be amazed by his dark features. Ang guwapo niya. Mula sa bagsak na itim niyang buhok, matangos na ilong, hanggang sa maskuladong katawan at mukha. Even his red lips are so damn attractive.
Iwinaksi ko ang tingin nang magtama ang aming mga mata
bago tumango. Tumikhim ako."Y-yung isang picture—papa mo?" Itinuro ko ang kasunod na litrato sa dingding.
"Hmm..." sagot niya nang walang interes.
Napatakip ako sa bibig nang makita 'yon. Guwapo rin. Kamukha niya pero mas soft version. Nakasuot ng General uniform sa isang litrato at business suit naman sa kabila.
Napanguso ako habang abala siya sa pagluluto. Nang tingnan ko ang mga litrato, napadako ang mata ko sa isang frame ng batang lalaki. Kumunot ang noo ko at kinuha ito.
Larawan ito ng bata, siguro mga tatlo o apat na taon pa lang. Napangiti ako. It's him. I chuckled softly habang nakatitig sa litrato. Cute version ni Drystan. Nakakunot pa rin ang noo kahit bata pa siya.
He looks mad but cute.
Binalik ko ang tingin sa kanya, pero ang nakikita ko ngayon ay kabaliktaran ng litrato. Nakatalikod siya habang abala sa pagluluto.
Kung bibigyan ako ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, I will find him and pinch his cheek because he's too cute noong bata pa siya.
Pero bakit pa kailangan bumalik kung puwede namang gumawa ng version niya? Natigilan ako sa iniisip ko at biglang namula. Bigla akong nahiya.
"What are you looking at?" Halos mapatalon ako nang magsalita siya sa likod.
Mabilis kong ibinaba ang picture pero tinago ko 'yon sa likod para hindi niya makita. Baka kung ano ang isipin niya.
"W-wala. It's just a picture," palusot ko pero halata sa kanya na hindi siya naniniwala.
"Then why are you blushing?" tanong niya, taas ang kilay.
Umiling ako. Bumuntong-hininga siya at lumapit. Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng pinaglalagyan ng frame kung saan ako nakasandal.
"I won't be mad, baby. Just give it to me," mahinahong sabi niya na parang bata ang kausap.
Nagulo ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Kusang umangat ang kamay ko para ibigay sa kanya ang frame.
He chuckled as he saw the picture. "It's my picture..."
Tumango ako. Kahit nahihiya, hindi ko mapigilang umamin.
"A baby version of me," bulong niya, tila namamangha. Mahina siyang tumawa.
"Soon, but not now."
"Ehem," Isang tikhim ang narinig ko kaya bahagya ko siyang itinulak. Agad akong umayos ng tayo, pilit na pinipigilan ang kaba sa dibdib ko. Pero tila wala siyang pakialam—nagawa pa niyang ngumiti sa akin, may paglalaro sa kanyang labi. Damn it, so handsome!

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomansaSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...