Suot ko ang dark red na maxi dress na humahaplos sa bawat kurba ng aking katawan at two-inch heels. Nakalugay lang ang aking tuwid at bagsak na buhok. Natural na pula ang aking labi at pinkish ang aking pisngi, kaya hindi na ako nag-abala maglagay ng kahit anong make-up dahil mabilis akong mainitan.
Ito na ang pangatlong pagkakataon ko na pupunta sa bar. Dati, nung kasama ko pa si Winona, mahilig kasi siyang pumunta kapag nagkakayaan, at sinama niya ako isang beses noong birthday niya.
Sa unang beses ko pa lang yatang pumunta sa bar, hindi na agad maganda ang expression ko. I saw people out there, they like to make out anywhere. Which I hate about the people there, not the bar. So far, it's fun, but I just can't handle the wild environment.
Pagkatapos kong mag-ayos, agad akong lumabas at sumakay ng taxi para mabilis. It's already 5:57 pm at hinahanap na nila ako, at ilang beses nang nag-text si Tiana.
Matapos kong magbayad, nagpasalamat ako bago bumaba. Bumungad sa akin ang 'Frenzy Bar' na nakalagay sa taas ng building. Marami ang tao nang pumasok ang nakasabay ko. Mausok at may mga upos ng sigarilyo; kahit nasa labas pa lang, maririnig na ang malakas na tugtugan sa loob. May nadaanan pa akong naghahalikan at kulang na lang ay maghubad.
Nag-init ang pisngi ko at umiwas ng tingin bago mabilis na nagtungo sa entrance ng bar. Dalawang lalaki ang nasa gilid at hinayaan akong makapasok. I suddenly felt nervous about this idea of mine, like it’s the first time I’ve stepped into a place like this.
Naamoy ko agad ang matapang na alak pagpasok ko kaya napangiwi ako. Mainit at masikip ang loob dahil sa dami ng tao, lalo na sa dance floor, kaya hirap akong makipagsiksikan upang hanapin sila. Ilang beses pa akong nabangga, pero dahil sa sikip, wala na akong pakialam. Hanggang sa nakita ko sila, nakatalikod si Tiana sa banda ko habang may nakaakbay na lalaki kanya, ganun din kay Xiana at Daniel.
"Denise! Dito!" Sigaw ni Daniel at kumaway ng makita ako.
Napatingin sila sa akin, maging ang mga kasama nila. Maliit akong ngumiti at lumapit sa kanila. I suddenly felt uncomfortable nang pasadahan ako ng tingin ng lalaking kaakbay ni Xiana.
"Bilis, dito ka! Akala ko hindi ka na pupunta, eh," masayang hinigit ni Xiana ang braso ko paupo sa malambot na coach at iniabot sa akin ang isang baso ng tequila.
"Drink up! Have fun, Denise, you own your night," alok ni Xiana kaya napatingin ako sa baso at kinuha iyon. Napangisi si Tiana at tinaas ang baso, kaya sumunod ang iba at sabay na uminom. Napapikit pa ako nang malasahan ang alak na agad dumaloy sa lalamunan ko. Mahina akong napaubo dahil nalagok ko ang lahat. Shit!
Natawa sila sa reaksyon. Naging maingay ang aming table kaya napapatingin ang iba lalo na si Tiana at Daniel dahil madaldal ito.
"Do you want another one?" biglang alok ng isang lalaki na katabi ni Daniel, pero umiling ako.
"No, mag-jujuice na lang—"
"Juice?" Mahina itong natatawa na halatang naguguluhan sa sinabi ko.
"Inumin mo na, girl. Kaya nga tayo nandito para uminom, 'di ba?" sabat ni Daniel at umirap sa ere. Bahagya kong nakagat ang aking babang labi. I forgot.
"Don't mind them. Lasing na sila, just drink if you want," seryosong sabi ni Tiana at lumagok ng tequila bago nilapag sa table.
Pero umiling ako. Ayokong masabi sila kaya kinuha ko ang inaabot na alak ng lalaki kanina. Balak pa sanang pigilan ni Xiana ang kamay ko pero napamura siya ng makitang mabilis kong ininom ang alak ng walang pagaalinlangan.

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomanceSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...