Chapter 25

31 1 0
                                    

I felt the soreness all over my body, especially between my legs. Sobrang sakit nun. Napalingon ako sa kanya sa aking bandang likod. Ang isa niyang kamay ay nasa aking baywang habang siya naman ay tulog na nakadapa. He is peacefully sleeping.

Ngayon ko lang siya nakitang sobrang payapa ng tulog. Ang pula niyang mga labi ay bahagyang nakabukas. Magulo ang kanyang buhok at… nakikita ang bakat ng kuko sa kanyang likod kaya bahagya akong napanguso.

Kahit sa konting galaw ay sumasakit ang katawan ko, sinubukan kong lumapit sa kanya. Inabot ko ang kanyang mukha ng mahinahon. Napakagat ako sa labi at tumitig sa kanyang mukha. Sa kahit anong side ng mukha, wala akong makitang kapintasan sa kanya.

Hinaplos ko ang mahahabang pilikmata niyang itim na itim. Ang bridge ng kanyang ilong. Bumababa ang tingin ko sa labi. Kahit ang labi niya, ang ganda. Ang swerte naman ng mapapangasawa niya. Paniguradong magiging maganda ang anak nila.

Parang may kung anong sakit ang bumalantay sa dibdib ko ng maisip iyon. I give to him myself. Pero wala namang kasiguraduhan kung siya ang magiging huli ko. Ngunit wala akong nararamdamang pagsisisi. Hinaplos ko ang aking daliri sa kanyang buhok.

Napalunok ako.

“Gusto kita… gustong-gusto,” bulong ko habang nakatitig sa kanya. Napapikit ako at napatabon ng mukha nang marealize ang lumabas sa bibig ko. Putik! Sinabi ko ba talaga 'yon?!

Bumalik ang tingin ko sa kanya sa kaba. Hindi naman siguro niya narinig yun dahil tulog pa siya. Nakapikit pa rin siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Napatingin ako sa labas na madilim pa. Inalis ko ang kumot sa katawan at lumakad sa banyo na paika-ika. Ilang beses akong nagmumura hanggang sa makaupo sa toilet. Napangiwi ako dahil sa sakit nun. Bumalik na ako sa kama ngunit tulog pa rin siya.

Bumuntong hininga ako at maingat na humiga paharap sa kanya. Bahagyang nakakunot ang nuo niya na tila hindi maganda ang panaginip. Hinawakan ko ang nuo niya at nagulat ako na nilalagnat siya. Hindi naman gaano kainit kaya hindi ko ito napansin siguro kanina. Tumaas ang kilay ko. Diba ako dapat 'yon?

“Hmm…” ungol niya at hinala ako palapit sa kanya. Natigilan ako at napaawang ang labi sa pagkabigla ng tumama ang kanya sa bandang puson ko. Ang tigas nun.

Sumiksik siya sa leeg ko na parang bata na nagtatampo pero nanatili siyang nakapikit. Mabilis niyang nasakop ang katawan ko dahil malaki siyang tao. He looks so comfy while hugging me.

“D-Drystan, ang init mo..” bulong ko kahit hindi naman masyado dahil nagrarambulan na naman ang dibdib ko. Masyado na siyang sobrang lapit. At ayokong masanay sa kanya dahil unti-unti na akong nalulunod sa init niya.

“Please let me hug you, baby…” Paos niyang bulong.

Napapikit na ako at hinayaan siyang yakapin pa akong ng mahigpit. Pinantay niya ang aming mukha ngunit sumiksik siya sa bandang pisngi ko at paulit-ulit yung pinapatakan ng maliit na halik. His simple way makes my heart slowly melt.

I want to tell him that I like him now—but I'm scared. Kahit sinabi niyang nililigawan niya ako, pero hindi pa rin mawawala ang takot dahil may nauna siyang nagustuhan. At hindi ako 'yon.

Ayokong magaya kay mommy.


Tahimik akong kumakain sa mesa kasama si Mommy na tahimik din ngunit malalim ang iniisip. Hindi namin kasama si Daddy dahil may meeting daw itong kailangan puntahan na biglaan. Limang oras na siyang wala at napapadalas na itong late umuwi.

Nasa gitna ako ng high school grades. At napapansin ko ang madalas nilang pagtatalo. Alam kong arranged marriage lang ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. At ako ang bunga.

Kapag nagtatalo sila, isa lang ang sinabi ni Mommy. Na nakikipagkita si Daddy sa nag-iisang ex nito, si Esmeralda Linsey. Why do I know her? Because her daughter is my classmate, Emery Linsey. A campus princess in my old school.

“You're late again,” mariin na bigkas ni Mommy kaya kahit hindi ako nag-angat ng tingin, alam ko kung sino ‘yon.

“I'm so busy with business. Don’t start this, Amerie,” mahinhon na sabi ni Daddy. I looked at him and kissed his cheek. He smiled at me gently. Ngunit hindi nakalagpas sa akin ang pabango sa damit ni Daddy. It’s not his perfume.

Kumirot ang dibdib ko bigla.

“You started this from the beginning. Hindi mo mapagkakaila na—”

“Not in front of Denise!”

Kumunot ang nuo ko. What are they talking about?

“What?! Are you ashamed that you couldn’t even tell your own daughter?!”

Naguguluhan ko silang tiningnan. Hinahanap ang sagot, pero nanghina ako nang makita ang pagpatak ng luha ni Mommy. She looks so sad and broken. Tila may gusto pa siyang sabihin ngunit nauuna ang bugso ng kanyang emosyon. I want to hug her, but she shook her head.

“Momm—”

“Go to your room, Denise.”

“But—”

“Now!”

Napalunok ako at tumango. Tahimik lang si Daddy at nakahawak ang kamay sa nuo. Gusto ko siyang tanungin, pero bigla akong natakot kung may malaman akong hindi maganda. Napalitan akong tumalikod at pumasok sa aking kwarto.

Napatabon ako sa tainga nang marinig ang sigaw sa labas. Siguro masasanay na lang ako, pero napupuno ng takot ang pangamba sa dibdib. I wish my grandpa was here. I miss him so much.

Nagpamulat ako ng mata nang marinig ang sigaw ni Daddy. Parang tumigil ang mundo ko dahil tila hindi maganda ang nangyari. Dali-dali akong pumunta doon at nakita si Mommy na nakahiga sa sahig, walang malay.

“Mommy...” mahina kong bulong.

Nakatitig lang ako dito at hindi makaalis ang tingin. May dumating na ambulance at nilagyan si Mommy ng oxygen. Habang si Daddy ay nataranta sa isang tabi. Takot at pangamba ang makikita sa kanya.

Nakaupo lang ako sa isang tabi at tulala. Hindi maproseso ng utak ko ang nangyari. I want to ask Daddy what happened but we are both unconscious.

“Time of death: 11:46 pm…"

10 days passed…


“They’re going to live here…” Umangat ang tingin ko kay Daddy. He looked so serious while reading the newspaper.

“What do you mean?” tanong ko. Naging matagal ang sagot niya kaya natawa ako ng mahina at hindi makapaniwala. Umusbong ang galit sa dibdib ko.

“That Esmeralda!” mariin kong sabi.

“Your voice, young lady!”

“What?! Sa tingin mo magiging masaya ako na titira yang babae na ‘yan, laging pinagseselosan ni Mommy! My mommy is dead and you just replace her like that!” Sigaw ko sa galit. Natawa ako ng pagak ng tumalim ang tingin niya.

“Watch your mouth—”

“Kahit kailangan ba… minahal mo si Mommy?” Tanong ko at tumuloy ang luha. Umiwas siya ng tingin.

Dadating sila bukas, kaya ayusin mo ang asal mo kapag kaharap sila. Don’t disappoint me, Denise. Act like a lady.” Tinalikuran niya ako. He never loved my mom. He’s so selfish. I hate him.

Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon