"Nagbalik ka," masaya nitong sabi at namula ang pisngi niya. Ngunit biglang itong matigilan nang mapatingin sa akin.
"You should call him 'Kuya', Alice. Not Drystan," sabat ng babaeng kulot at naiiling na lang.
"Whatever, Diane!" simangot ni Alice. Napasinghap si Diane sa sinabi nito at palihim na umirap.
"Stop it, kid. Nasa harap ka ng bisita ngayon. Behave yourself at once," sita ng lalaki na nakaitim. Tumingin sa akin ang babae.
"I'm Alice Romeo po. Who are you? Why are you with him?" kuryoso nitong tanong.
Napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko masabi kung ano ba ang relasyon namin. Ano nga ba?
"I'm Denise Laurent Xhion, and he's my…"
"I'm her suitor..." kalmadong sagot ni Drystan kaya nagpaangat ako ng tingin sa kanya. Uminit ang pisngi ko at hindi na nagsalita. Natahimik naman ang bata at hindi na muling nagtanong.
"That's new," ngisi ng isang lalaki.
Naupo kami sa mahabang lamesa habang nagkakayaan silang mag-inom. Parang reunion ito dahil halos lahat pala sila ay magkakakilala. Nalaman ko din na sila ay mga kaibigan ni Drystan noong bata pa siya.
"Hi! Ate. Diane Castillo po," masayang pakilala ng babaeng kulot katabi ko. Pansin ko na kanina pa siya tumitingin sa aking banda. Inabot ang kamay niyang nakalahad.
Ngumiti ako dito. Namula ang pisngi niya at nahihiyang tumingin sa akin.
"Totoo po bang nanliligaw si Kuya Drystan sa'yo?" tanong nito.
Napakibit-balikat na lang ako at tumango ng bahagya. Nahihiya siyang tumawa.
"Talaga po? Marami po kasing nagkakagusto kay Kuya dati pero wala siyang pinapansin na babae," nguso niya. My lips curled.
"Nakakapagtaka nga po dahil matapos ang ilang taon na hindi niya pagbisita sa mansion, mas kasama na siya. Unang tingin ko pa lang sa'yo, Ate… alam kong may relasyon kayo," dagdag pa nito at kinikilig na tumawa.
Umiling ako. "Hindi pa—"
"Ate, wag denial. The way you stare at him. It's different from the normal stare like people always do. You should express your feelings too. I mean—bakuran mo rin. Sinasabi ko sayo, Ate, dahil halos ng babae dito ay may gusto sa kanya.
Natigilan ako. "Really?"
Napanguso ito at tumango-tango. Kumagat siya ng lumpiyang gulay at sinawsaw sa suka. Bumaling ako kay Drystan. Umiinom siya ng alak ngayon. Medyo namumula na ang kanyang leeg dahil siguro tinatamaan na siya ng alak. Should I stop him?
Tumingin ako sa paligid. Some girls are looking at him like prey. Kumunot ang noo ko. Parang naghihintay lang sila ng tamang pagkakataon. Napaungot ako.
Tumaas ang presyon ko sa katawan. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis. At tumaas pa 'yon ng may lumapit na babae sa kanya. I tried to act normal because I don't want to show jealousy of mine.
Umiwas ako ng tingin.
“I told yah, Ate,” ulit ni Diane. She looked worried about me, but I remained calm as much as I could.
"Sir, may you dance with me? Please, just this time," mahina ngunit may pang-aakit na sabi ng babae at tinangka pa nitong hawakan ang braso ni Drystan.
Namumula na ang leeg at halata na ang kalasingan ni Drystan kaya tinake advantage naman ito ng babae.
Mas nainis pa ako nang sumipol ang kaibigan ni Drystan at tumitingin sa banda ko. Tila natutuwa pa ito kaya tinaasan ko ito ng kilay. I don't care if I look pissed now because in a minute, I will punch them all.
"Please, Sir," pamimilit ng babae at tuluyang himaplos ang kamay sa braso ni Drystan. Pero nakatingin lang si Drystan sa hawak niyang baso sa kalasingan. Pabalang kong nilapag ang baso na hawak ko sa lamesa.
Lumikha 'yon ng malakas na tunog kaya napabaling sa akin ang babae. Gulat pa ito pero seryoso ang aking mukha. Nagulat ba siya sa kalandian niya?
"Gusto mo isubsob ko yang mukha mo sa lamesa o iumpog ko yang makapal mong mukha sa semento na kinatatayuan mo ngayon?" pikon kong sabi.
Napalunok ang babae at napabitaw sa pagkakahawak. Napaatras ito at agad na umalis. Napairap ako. Natatawang tumingin sa akin ang mga kaibigan ni Drystan. Seryoso ang mukha ang binigay ko sa kanila.
“Relax, Denise,” ngisi ng isang lalaki. "Kung ako sa'yo, may tamang paraan na dapat pakita—"
Hindi ko na pinansin ang sinasabi niya, nakangisi lang ako sa mga kaibigan ni Drystan.
Hinawakan ko ang baso na hawak ni Drystan at nilapag ito sa lamesa. Hinawakan ko ang hem ng kanyang shirt at pulled him up.
“Get up, and let's go.”
Lasing siyang tumingin sa akin at namumungay ang mata. He nodded at me. Bahagyang namumula ang kanyang pisngi. His hair is messy. Sinubukan niyang tumayo kaya tinulungan ko siya.
“Do you need some help?” tanong ng isang lalaki. Umiling ako at hindi ito pinansin. I'm still pissed.
“Aalis na po kayo, Ate?” tanong ni Diane kaya tumango ako.
“Balik po kayo ah,” sabi niya kaya ngumiti ako ng tipid.
Medyo maayos pa naman ang lakad niya kaya nakarating kami ng maayos sa kotse. Nilapag ko siya sa backseat at napahilot sa ulo.
"Denise, Hija." Napalingon ako kay Nanay Hilda na nakasunod pala sa amin. She gave me a warm smile.
"Lasing na ba si Drystan?"
“Opo eh.”
“Ganon ba. Ipahahatid ko na kayo kay Ronaldo para makasiguro na ligtas kayo pauwi.” Napangiti ako. Agad akong nagpasalamat at nagpaalam.
Sumakay na ako sa backseat, katabi ni Drystan na nakapikit. Nakasandal siya sa balikat ko, habang ang kamay niya ay nasa aking waist. Ang init ng kamay niya. Pero hindi ko tinanggal 'yon. Umandar na ang sasakyan kaya naisipan kong i-play ang maliit na music box.
At ang kanta ay tumugtog ng "Honey my love so sweet" ng April Boys.
Tahimik ang byahe. Nakapikit lang ako habang pinapakinggan ang music. I gasped when a warm hand slowly caressed my tummy. I opened my eyes and looked at him.
"Drystan..." I whispered.
"Hmm..." he hummed but kept his eyes closed.
Nataranta ako dahil baka makita kami ng driver. Nakakahiya 'yon panigurado. I hissed and tried to remove his hand.
"Honey… my love so sweet," he murmured near my ear.
Nanindig ang balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagkanta niya. It's so deep but seductive at the same time. Napapikit ako.
"Please don't be mad at me, baby," he whispered.

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomanceSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...