Chapter 19

38 1 0
                                    

Iniwas ko ang tingin sa kanila. Mabigat na yabag ang naramdaman ko sa sahig kasabay ng marahas na pag-angat ng shelves. Napasinghap ako nang dumampi ang malaking kamay sa aking tagiliran at namalayan ko na lang ang pag-angat ng aking katawan mula sa sahig.

Mahina akong napadaig dahil hindi ko magalaw ng maayos ang isang kamay at hita ko. Pinigilan ko na hindi humikbi. Nanghihina ang aking sistema.

"D-Drystan.." Napapikit ako nang marinig ang boses ni Mitch. Ramdam ko ang sakit at lungkot doon. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, hindi dahil sa kamay ko, kundi ang pakiramdam na ako ang may kasalanan kung bakit nasasaktan si Mitch ngayon.

Ayokong makasakit dahil hindi kaya ng konsensya ko, pero ngayon ay parang gusto kong maging selfish. Humigpit ang kapit ko sa damit ni Drystan. Ang sakit. Sobra.

"We're going." Malamig niyang sabi at binulong iyon sa aking tainga. Tinago niya ang ulo ko sa dibdib niya at tuluyang nilisan ang building.

Pinagtitinginan kami ng tao, pero wala siyang pakialam at pinagpatuloy lang ang paglalakad hanggang sa huminto kami sa kotse. Inilabas niya ito agad bago niya ako ibinaba, ng maingat. At sumunod siyang pumasok.

Bumuga siya ng hangin na parang pinipigil ang matinding emosyon. Hindi ako umimik dahil galit ang ekspresyon niya. Mabilis niyang pinaandar ang kotse papuntang hospital. Mahigpit ang kapit niya sa manibela, at makikita ang ugat sa kanyang kamay at braso. His jaw was firmed. Tanda na galit siya.

Nang makarating ay agad niya akong binuhat. Napalunok ako nang makita kung gaano ka-seryoso ang mukha niya. Lumapit ang dalawang nurse sa amin at hiniga ako sa kama.

"Check her hand, immediately." Utos niya. Mabilis na kumilos ang nurse at agad na tiningnan ang natamo ko. Nag-x-ray sila sa kamay ko. May nilagay silang gamot at bandage sa kamay ko kaya nabawasan ang sakit.

Habang abala ang nurse, hindi ko maiwasang mailang sa titig ni Drystan sa akin. His face was serious and intimidating. I don't know what is on his mind but I can't handle his stare.

"M-Maayos naman ang lagay ng kanyang kamay. Ngunit kailangan muna itong ipagpahinga. Aabutin iyon ng linggo at hindi dapat siya magbuhat ng mabibigat upang gumaling agad ang kanyang kamay." Mahinang sabi ng nurse at yumuko bago umalis.

Galit pa rin ang ekspresyon niya at madilim ang tingin. May kausap siya sa phone pero hindi ko maintindihan dahil iba ang language na sinasabi niya. Napayuko ako. Is he mad at me? Baka galit siya dahil hindi niya pinili si Mitch dahil wala siyang choice.

"P-Pwede mo naman siyang balikan. Ayos lang ako d-dito." Sinok kong sabi at umiwas ng tingin. I can't stop my tears from falling and sobbing.

"What are you saying?" Mariin niyang sabi at nakakunot ang nuo. Ginulo niya ang kanyang buhok at napamura ng maraming beses. He looked frustrated.

"Puntahan mo—"

He grabbed my jaw and kissed me, hungrily. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo at mariin akong hinalikan. He slipped his tongue into my mouth that I couldn't properly breathe.

"Damn it...." Mahina niyang mura at bumitaw ng halik nang marinig ang hikbi ko. Hindi niya nilayo ang kanyang mukha sa akin na halos maglapat pa din.

"Does my baby hands still hurt? Hmm.." Malambing niyang bulong sa tainga ko kaya nagtayuan ang balahibo ko. He traced his fingers on my jaw before he pushed it a little to face him.

Hinawakan niya ng mahinahon ang kamay ko at nilapat iyon sa kanyang labi. Seryoso ang mukha niya at mapanganib iyon. Those eyes. When I first saw him, it's like a nightmare.

Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon