Chapter 12

35 2 0
                                    

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kisame. Pinilig ko ang aking ulo at bumangon mula sa kama. Kararating ko lang galing sa University at bagsak agad ang katawan ko sa pagod.

"Meow."

Napatingin ako sa paanan ko at nakita si Shopao. Napangiti ako at kinuha siya bago niyakap. Sumiksik pa siya lalo sa yakap ko at pumikit. Natawa ako. Hinalikan ko siya sa ulo gaya ng kadalasan. Pansin ko na medyo clingy itong pusa. Ramdam ko ang pag-vibrate ng katawan nito sa akin.

Tumayo ako habang yakap ang pusa at lumakad papunta sa kusina. Nagsalin ako ng tubig at ininom ito. Sumandal ako sa pasamano bago nilapag ang baso sa counter.

"At simula ng araw na 'yon, no one saw him again... hindi ko sinasabing nawala ang prince, pero ang kanyang pagkatao ay nagbago. He's not a prince anymore, Denise."

Napapikit ako at nakaramdam ng pagkahilo. Sobra na ang impormasyong nalaman ko.

Bakit sa nakalipas na taon, parang marami ang nangyari dito? Gusto kong alamin ang tunay na nangyari. Pero hindi naman ito ang tunay na pakay ko sa lugar na 'to. Right! Wala dapat akong pakialam sa kanila.

Specially to h-him.

Napanguso ako ng bahagya.

"Yeah, wala dapat!" I claimed.

Nag-ingay ang pusa na yakap ko kaya tumingin ako dito. Nakatingala siya sa akin at parang binabasa ang nasa isip ko. He purred. At tumalon mula sa pagkakayakap ko. Eh?

"Shopao, come here," utos ko pero nakatingin lang siya sa akin habang nakaupo sa sopa.

What is wrong with him?

I was about to hug him but he avoided me. I almost raised my brow at his attitude. Napanguso ako ng maalala. Galit yata siya dahil nakalimutan ko siyang pakainin nung nakaraan.

Lumapit ako sa kanya at pinasadahan ang daliri sa malambot niyang balahibo. At hindi na siya umiwas pero mabilis siyang tumakbo papunta sa veranda.

Kumunot ang noo ko. Nacurios ako kasi nung nakaraan, napapansin ko ang madalas niyang pagpunta doon, lalo na kapag galing ako sa University.

Humakbang ako palapit sa veranda at nakita ko ang pagtulay ng pusa ko papunta sa kabilang apartment. Kay Drystan.

Napaatras ako pabalik ng makita ang nakatayong anino sa veranda. Napasinghap ako dahil kahit anino lang ang nakikita ko, bakit ang gwapo pa rin ng anino?

Kumabog ang dibdib ko. Lumapit ang pusa sa kanya na agad niyang napansin. Mas lumakad pa si Drystan sa veranda para makita ko ang kabuoan niya. Nakasando siya ng puti.

Tumaas ang dulo ng labi niya ng makita ang pusa ko. At nilapat ang labi sa nuo nito. Namula ako ng mapansin na h--likan din niya ang pusa sa nuo kung saan ko h--likan kanina.

"Sweet," rinig kong bulong niya.

Napanguso ako sa sinabi niya bago umiwas ng tingin. Paano niya nasabi na matamis yung pusa ko?

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Kahit seryoso ang mukha niya, mukhang nag-eenjoy siya sa pagpasada ng mahaba niyang daliri sa malambot na balahibo ng pusa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng selos. Bakit parang sobra siyang comfortable kay Drystan?

Napaungot ako at tumalikod sa kanila. Bahala sila. Tutulog na ako. Tss. Ilang minuto ang lumipas at sinubukan kong matulog, pero gising pa rin ang diwa ko. Kaya naiinis akong bumangon at pumunta sa veranda.

Kinagat ko ang labi ko at binuksan nang malawak ang glass door kahit madilim pa ang gabi. Pansin ko ang red na ilaw na nagmumula sa apartment niya. Ang isang glass door niya ay bukas pa. Pero wala na siya sa veranda at panigurado akong nasa loob ang pusa ko.

Where's my cat?

Sinilip ko ang loob, pero hindi ko sila mahagilap. Naglapat ang ngipin ko. What if he did something bad to my cat? What if...

Tumikhim ako bago tatlong beses na kumatok sa pinto. Nakapaa lang ako, pero hindi ko inantala ang gaspang at lamig na aking inaaapakan. Hindi naman ako nilalamig dahil pajama at malaking damit ang suot ko.

Bahagya akong napaatras ng bumukas ang pinto. Muli akong tumikhim.

"Y-Yung pusa ko, kukunin ko na."

He sternly looked at me. Umiwas ako ng tingin at sinilip ang loob ng apartment, pero hindi mahagilap ng mata ang pusa. Tumaas ang kilay niya ng magbalik ang tingin ko sa kanya.

"Come in," walang emosyon niyang sabi. Rinig ko ang pagka-paus ng kanyang boses. Nilawakan niya ang bukas ng pinto, pero hindi ako pumasok.

"P-Pwede bang iabot na lang sa'kin yung pusa para makaalis na ako?" Pinigilan kong hindi mautal.

"If you really want to take your cat, get it yourself," hamon niyang sabi at sumandal sa pinto. Pinasadaan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I looked away. He licked his dry lips, making them even redder. I cursed him repeatedly in my mind.

"F-Fine," medyo inis kong sabi, pero hindi ko maiwasang kabahan.

Umangat ang dulo ng labi niya at umalis mula sa pagkakasandal. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya papasok.

Nagtataasan ang balahibo ko dahil bumabalik ang pakiramdam ko noong unang pasok ko dito. Agad kong nilibot ang aking tingin. Hindi na ito magulo at nasa ayos ang lahat ng gamit.

I looked at him as he leaned on his couch, observing me as if he's enjoying it, making it hard for me to avoid feeling uneasy under his gaze.

"A-Asan ang p-pusa?" Tanong ko, pero tumagal ang titig niya bago tinuro ang kwarto sa pinto. Agad ko siyang nilagpasan at mabilis kong tinungo ang kwarto.

Biglang napalitan ng inis ang pag-aalala ko ng makita itong nahiga sa malaking kama. And it seemed like he was enjoying the softness of where he was lying.

"Hindi naman halata na mas gusto mo dito, di ba?" Yamot na kausap ko sa pusa, pero tiningnan lang ako nito at nilagpasan. Umawang ang labi ko at napanguso. Tss.

Did he just ignore me?!

Napasimangot ako. This cat has an attitude!

I followed my cat to pick it up and take it home, but it quickly ran out of the room towards Drystan and even sat on his lap.

Natigilan ako nang makita na kapikit si Drystan habang nakasandal ang ulo sa uluhan ng couch. Halos matabunan na ang mata niya dahil sa buhok na nakaharang. Bahagyang nakatagilid ang kanyang ulo kaya nakikita ko ang matangos niyang ilong.

Napalunok ako ng lumipad ang aking tingin sa kanyang mapulang labi. Umiwas ako ng tingin. Lumapit ako ng bahagya sa couch. Madahan lang ang ginawang paglapit ko. I tried to reach Shopao, but it moved away from me, so I stared at it with widened eyes.

Gumalaw lang ang buntot nito habang nakatingin sa'kin. Argh! Never pa akong napikon sa pusa. Ngayon lang!

Dumansog pa ako ng konti. I cursed in my head and tried to support myself para hindi tuluyang bumagsak kay Drystan na nakapikit. Mabigat ang paghinga niya at nararamdaman ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan.

Kumunot ang noo ko dahil tila hindi normal 'yon. Sinubukan kong ilapit ang kamay ko sa nuo niya upang sipatin ito. Kaso nakalimutan kong ibalance ang sarili ko kaya bumagsak ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan.

Shit naman!

He groaned. Umawang ang tuyo niyang labi kaya nataranta ako. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng tainga ko.

"Oh my gosh! I'm sorry!" Mabilis kong sabi at sinubukan umalis sa ibabaw niya. But he gripped my waist. Minulat niya ang kanyang mata at mapungay itong nakatitig sa'kin. Tumaas-baba ang kanyang adams apple.

"Don't move," paos niyang bulong.


Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon