Chapter 13

36 2 0
                                    

"Don't move," paos niyang bulong.

Natikom ang bibig ko at tumigil sa pagkilos. Nanghihina siyang lumunok at sinandal muli ang ulo sa couch. Ang mabigat niyang paghinga lang ang tanging naririnig sa sulok ng kwarto.

Hanggang ngayon ay nakapatong pa rin ang kanyang mainit na kamay sa bewang ko. Ang awkward ng posisyon namin kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Napalunok ako at nilapat ang aking kamay sa kanyang nuo.

Mahina akong napamura dahil sobra ang taas ng lagnat niya. Bumababa ang tingin ko sa labi niya. Tuyo ito at kita na ang pagkaputla. I can't believe he handled it on his own.

Agad kong nilibot ang tingin sa kwarto at hinanap ang aid kit. Hindi naman ito ang pakay ko pero hindi naman ako ganoon kasama para iwanan siya ng ganto ang lagay. I was slightly surprised when he rested his head on my shoulder. He wrapped his arms around my waist.

Napalunok ako.

"Let me do this for a while, kitten. I badly need your warmth," he hoarsely whispered.

Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako gumalaw man lang. I let him hug me. And it's torturous for me. My heart is beating so fast, like crazy.

Mariin kong kinagat ang aking labi at pumikit saglit.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Pigil na utal kong tanong. He just groaned in response while his head is on my shoulder. Bumuntong hininga ako.

Wala akong choice kung hindi ang painumin muna siya bago ako tuluyang umalis dito. Kinalas ko ang kamay niya sa bewang ko. Umangat ang tingin niya sa akin. Mapungay ang mata niya. Umiwas ako ng tingin. Bakit pakiramdam ko ay ang laki ng responsibilidad ko sa kanya?

"Kukuha lang ako ng gamot," mahina kong sabi at lumayo sa kanya. Sa pagtayo ko, parang biglang nanghina ang aking tuhod.

Ito na ang pagkakataon ko para makaalis ako at hindi na bumalik pa kung gugustuhin ko pero nagtatalo ang isip ko. Bumalik ang tingin sa kanya. He looks like a child who needs comfort. Napapikit ako at humakbang papunta sa pinto.

He's not your responsibility, Denise!

Pinihit ko ang door knob. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin. I look at him again. But I immediately look away. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa kanyang tingin. Hindi ko alam pero mabigat ang aking pakiramdam nang makalabas ako.

Pumasok ako sa apartment ko. Sobra ang bilis ng tibok ng aking dibdib. I'm so fucking confused right now! I can't control my feelings and my emotions when I'm with him.

Napahawak ako sa dibdib. Yung pakiramdam ng pagka-excite at kaba na sa kanya ko lang naramdaman.

Kinagat ko ang aking labi at mariin na pumikit. Hindi kaya ng konsensya ko ang iwan lang siya doon. Agad akong kumilos upang kunin ang natitirang gamot sa aking bag.

Lumakad akong muli sa tapat ng apartment at madahan itong binuksan. Nang makapasok, wala na siya sa couch kung saan nakaupo siya kanina. Nilibot ko ang aking tingin upang hanapin siya.

"Drystan—"

"You're back," isang malalim na boses ang narinig ko sa aking likod kasabay ang malakas na pagsarado ng pinto. Napaitlang ako sa gulat at lumingon sa kanya na nakasandal sa pinto.

He gave me a dangerous look. A sly grin slowly formed on his lips. He chuckled softly while leaning against the door. Humakbang siya palapit sa'kin kaya napaatras ako. Nagtaas-baba ang dibdib ko.

Fuck!

"I knew you would come back," ngisi niya. Napalunok ako ng pinantay niya ang aming tingin. Walang ekspresyon ang mababasa sa mga mata niya ngunit baliktad 'yon sa nakikita ko kanina.

"Are you here to take care of me?" Paos niyang tanong at nahihimigan ko pa ang mapaglarong niyang boses. Hindi niya binitawan ang tingin sa akin habang ako hindi rin magawang bitawan ang titig niya.

"Hmm..."

Umiwas ako ng tingin at marahang tumango. I can't find my words.

Pakiramdam ko at nag-iinit ang magkabilang pisngi ko ng bahagya niyang tawirin ang pagitan ng aming mukha at patakan ng mainit na halik ang aking pisngi. Napapikit ako saglit bago muling imulat ang mata.

My erratic heartbeat is making it hard to comprehend the situation. Nayukom ang kamay ko. Hindi na normal ang nararamdaman ko. Tumikhim ako at tumingin sa kanya.

"M-May dala akong gamot na dapat mong inumin para bumababa na ang lagnat mo. T-Tapos pupunasan kita para mabawasan ang init mo," ani ko sa kanya. Pero nakatitig lang siya.

"I don't drink medicine. Allergic ako," malalim niyang sabi na ikinaway ng labi ko. Umiwas siya ng tingin at tumaas-baba ang Adam's apple. May gano'n ba? But I don't think he's lying.

Napatingin ako sa kanya at wala na akong maisip. "Dadalhin na lang kita sa hospital para—"

"No need, kitten. Just stay here in my apartment and take care of me."

Natutop ako sa sinabi niya. Did I hear it wrong? Seryoso ang tingin niya at alam kong hindi siya nagbibiro.

"Do you want to settle your debt, right? Then sleep with me."




Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon