Chapter 14

41 2 0
                                    

Pilit kong iniiwas ang aking tingin sa kanya habang nakatitig siya sa akin. Nakakunot ang nuo niya at blanko ang mga mata. Bumababa ang kamay ko bago mahinang pinunasan ang bandang leeg niya.

Bahagya pang nanginginig ang kamay ko. Napalunok ako ng natamaan pa rin ang titig niya kaya naiiling ako. Umiwas ako ng tingin bago nagsalita.

"Y-Yung damit mo, p-pakitanggal," halos pabulong kong sabi.

Tumaas ang kilay niya ngunit may namuong maliit na ngisi sa kanyang labi. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang dulo ng kanyang sandong damit. Hindi niya inalis ang mata niya sa akin habang ginagawa iyon.

Tuluyang nahubad ang damit niya kaya umakto akong wala lang iyon, pero ang katawan ko ay hindi sang-ayon. Nang makita ko ang kanyang magandang katawan, katamtaman lang ito. Dumapo ang tingin ko sa kanyang balikat. May tattoo doon.

I cleared my throat at iniwas ang tingin. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Alas dose na ng umaga at hindi pa man lang ako nakakatulog. Mainit pa rin ang katawan niya at mukhang matatagalan pa ako dito.

Binaba ko ang kamay ng maramdaman ang pangangalay. Mahina kong minasahe ang braso ko.

I hissed.

"Come closer," paos na sabi niya ng makita ang ginawa ko. Hindi na ako nagprotesta at konting lumapit sa kanya dahil nasa gilid lang naman ako ng kama nakaupo.

Ano naman ba ang pauso nito—

Namalayan ko na lang na umangat ang katawan ko sa ibabaw niya at nakaupo na ako sa hita niya. Nakasandal siya sa headboard at hawak ang baywang ko. Parang nanigas ang katawan ko sa pagkabigla. Mas lalo pang naglapit ang katawan namin.

"Feel better? I'm not heartless para hayaan kang mangalay. Sit and relax and do your work. Just... don't move too much."

Bumuntong hininga ako at wala nang magawa. Ginawa ko ang sinabi niya pero hindi maiwasan maramdaman siya. Nahinto ako at napatingin sa kanya na salubong ang dalawang kilay.

"W-What? It's your fault! Ang hirap kayang gumalaw ng maayos," medyo inis kong sabi.

"I let you on my top but it doesn't mean that you can move even when we're not starting," umawang ang labi ko sa sinabi niya. At namula. Bakit iba ang nasa isip ko? Napalunok ako.

He licked his lips. Bumuntong hininga siya bago umupo at hinawakan ang baywang ko. Akala ko aalisin niya ako mula sa pagkakaupo sa kanyang hita. Pero hindi. Pinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko at idinikit ang mukha sa leeg. Hindi ako makagalaw.

Tumama ang malambot niyang buhok sa leeg ko kaya't nakiliti ako. Maging ang init niya ay mas naramdaman ko. Napapikit ako.

Bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi takot na may gawin siyang masama kundi ang maramdaman niya at marinig ang mabilis na tibok ng puso ko.

Na labis akong apektado kapag malapit siya.

"D-Drystan..." mahina ko siyang tinutulak pero mas lalong humigpit ang pagkakakapit niya. Hanggang sa bumigay ako.

"Please stay still, Denise. Let me hug you till I get better."

Natigilan ako sa sinabi niya. Paos ang kanyang boses. Ngunit mabigat ang paghinga niya. Ramdam ko iyon. And again, I let him.

Ilang minuto ganoon ang pwesto namin hanggang sa naramdaman ko ang pagbigat niya, hudyat na nakatulog na siya. I bit worried na baka mangalay siya dahil nakaupo ako sa lap niya habang yakap ako.

"Drystan..." mahina kong tawag pero tulog na yata talaga siya. Unti-unti kong inangat ang kamay ko upang hawakan ang buhok niya. Kumunit ang nuo ko at pinasada ko ang daliri ko doon. Malambot ito at masarap hawakan kaysa sa buhok ko. Kaya mahina ko itong hinila dahil sa gigil.

Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon