Halos buong klase, tulala ako. Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin, pero hindi ko iyon pinansin, lalo na si Xiana at Daniel. Pareho silang tila hindi mapakali. Hindi na rin tumabi sa akin si Xiana. Nahuhuli ko siyang tumitingin sa direksyon ko pero agad ding iiwas ng tingin. Simula noong gabing iyon, umiiwas na sila sa akin. Hindi ko na inusisa kung bakit.
Nalaman kong booster ang nilagay sa inumin ko—isang gamot na nagpapataas ng init ng katawan.
“Dismiss…”
Agad akong tumayo at sinakbit ang bag ko. Nahuli ko si Xiana na sumulyap sa akin, pero balisa ang kilos niya. Kitang-kita ko ang maitim na ilalim ng kanyang mga mata, at parang may nababakas akong takot sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.
Napailing ako at naglakad palabas ng university. Mabigat ang mga hakbang ko nang maramdaman ko ang pamilyar na aura, parang may nakamasid sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Please not now.
"Denise..."
Napahinto ako. Malamig at mahina ang boses na narinig ko, pero ramdam ko ang bigat nito. Napalinga ako sa paligid, pero wala namang kakaiba. Tanging mga estudyanteng naglalakad lang ang nandoon. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at pilit pinakalma ang sarili.
Hallucinating again.
Napalunok ako at dahan-dahang iniangat ang tingin ko. I saw a familiar figure. Nakasandal siya sa pader, nakatitig sa akin na parang kanina pa ako pinapanood.
He lit a cigarette, took a slow drag, and exhaled the smoke into the air. His dark eyes pierced through me as if daring me to move.
“You think you can ignore me forever, huh?” he said, his voice low and taunting.
MARIIN kong kinagat ang labi ko at pilit inialis sa isip ko ang nangyari. Bumalik ang tingin ko sa hawak kong papel. Yukot na ito dahil sa higpit ng kapit ko.
Damn that man!
Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mukha niya. I hissed. He's the weirdest man I’ve ever met!
"Hindi ka pa ba uuwi, iha? Padilim na sa labas," ani ng librarian.
Napatingin ako sa labas at medyo madilim na nga. Sh!t, hindi ko namalayan ang oras.
"Pauwi na po," mabilis kong sabi at tumakbo palabas ng building.
Napamura ako habang tumatakbo papunta sa bus station pero naalala kong ubos na ang pera sa wallet ko.
Malas!
Wala akong nagawa kundi maglakad na lang. Buti na lang at hindi naman sobrang layo ng lalakarin ko. Nakasimangot akong naglakad papunta sa iskinita. Mahigpit ang kapit ko sa payong.
Madilim ang paligid, at pundido pa ang ilaw. Minsan pa, tumitingin ako sa paligid sa takot na baka may nakasunod sa akin. Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag nang tumahol ang aso.
Shit talaga!
Bumilis ang hakbang ko. Tinagilid ko ang mata para tingnan kung may nakasunod, pero nakahinga ako nang maluwag nang wala akong makita.
"Hmmp..." Natigilan ako sa narinig.
Napalunok ako at saglit na huminto. I looked back. Madilim lang ang nakikita ko. Did I just mishear? Tumalikod na ako at—
"Maawa ka sa—" narinig kong nagmamakaawang boses ng isang babae.
Bumagal ang paghinga ko. Natuod ako sa kinatatayuan nang makita ko ang anino ng isang lalaki at nasa harap nito ang babae na nakaluhod. Bakas sa mukha ng babae ang takot, dahil may hawak na patalim ang lalaki.

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomanceSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...