"Behave, okay?" Paalala ko sa pusa ko, pero nakatingin lang ang bilugan nitong mga mata sa akin kaya natawa ako. Naglagay na ako pagkain dito para hindi magutom. I tapped his fluffy head before I closed the door of my apartment.
I looked at my wrist. It's already 12:30 pm.
Napatingin ako sa langit dahil mukhang may babagsak na malakas na ulan. Agad akong sumakay ng taxi bago pa maabutan ng ulan. I texted Winowa the location of our meeting, at napili ko ang lugar na madalas naming puntahan.
Habang nasa biyahe, napatingin ako sa gilid ng sasakyan nang mahagip ng mata ko ang pangalan ng village—Nashville Village. Ang pangalan ng village kung saan ako nangungupahan. This place is kinda far from the center. Hindi masyadong kilala at tago.
Maraming matatangkad na puno ang nakahilera sa kalsada, at walang makikitang mga bahay. Noong una, akala ko naliligaw ako. Not until marating ko ang dulo at bumungad sa akin ang lugar na sobrang kakaiba. Tahimik at kalmado, ngunit tila may nakatagong panganib.
DALAWANG oras ang lumipas at narating ko na ang centro—Del Vesta ang tawag dito. Bumaba ako sa taxi at naglakad papunta sa coffee shop. I wore my eyeglasses before I entered.
Lumapat ang tingin ko sa isang babae na nakasuot ng itim na dress. Her face was serious, but when she saw me, it changed into a bubbly one.
"Denise!" Masigla niyang sigaw, kaya napangiti ako.
I miss her.
Mabilis niya akong niyakap. Pagkaupo namin sa couch, agad siyang nagsalita tungkol sa nangyari sa kanya nitong nakaraang linggo hanggang sa ako naman ang tinanong niya.
"So, how are you?" tanong niya, nakanguso at halatang interesado sa mga nangyari sa buhay ko nitong nagdaang buwan.
"Ahm... fine," simpleng sagot ko sabay inom ng kape. Napa-singhap siya at nanliit ang mga mata sa akin.
"Eh? Impossible! Ilang araw na ang nagdaan, tapos 'fine' lang ang sagot mo? Come on, Denise! Never had a crush already or…?"
Napakunot ang noo ko.
"Yeah, crush! Like you meet a guy, then he's always on your mind, and you start to fantasize about him—"
I pursed my lips. I never—Danger is everywhere. Remember that.
Natigilan ako. Bakit biglang sumagi sa isip ko ang may ari ng malamig na boses na iyon. Napakurap ako.
"I n-never..." kagat-labing sabi ko.
"O...kay," ani niya, nanliliit ang mga mata na halatang hindi kumbinsido. Ibinagsak niya ang mga kamay sa mesa.
"Anyway, saan ka nga pala umuupa? Hindi mo man lang sinabi sa akin," nagtatampo niyang sabi.
Simula nang lumipat ako, hindi ko sinabi sa kanya dahil alam kong magpupumilit siyang sumama.
"Nashville Village."
Natigilan siya.
"Village what?!"
"Nashville Village."
"Wait... is that village part of North Centro?" Kuryoso niyang tanong. Saglit siyang natahimik na parang may iniisip.
Tumango ako. Yes, it’s part of North Centro.
"That village is far..." mahina niyang sabi, halos pabulong. Umangat ang tingin niya sa akin.
Tumango ako muli.

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomanceSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...