That’s the reason why I left.
Napapikit ako habang naaalala iyon. Biglang sumagi sa isip ko ang dahilan kung bakit ako narito. Napatingin ako sa tabi ko at pinatong ang kamay ko sa noo niya. Mainit ito. Napabuntong-hininga ako nang maalala kong allergic siya sa gamot, kaya nagpasya akong kumuha ng tubig at towel.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya mula sa katawan ko. Tumayo ako at dumiretso sa pintuan, hindi iniinda ang sakit sa pagitan ng aking hita. Ngunit bago pa ako makalabas, bigla siyang nagsalita.
"Are you going to leave me?" Malamig ang boses niya, dahilan para mapahinto ako. Lumingon ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya, at kakaiba ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
I tried to smile, but his intense gaze made me swallow hard. "I-I won't, kukuha lang ako ng tubig," sabi ko nang mahina. Tumitig siya sa akin saglit bago tumango nang walang imik. Hinawakan ko ang doorknob ngunit ramdam ko pa rin ang bigat ng kanyang tingin.
Pagdating sa kusina, naglagay ako ng tubig sa maliit na basin at kumuha ng towel mula sa cabinet. Tumilhay ako para kunin iyon ngunit may nahulog na bagay. Napakunot ang noo ko at hinila ito.
Bahagya akong natigilan nang makita ang kutsilyo. May mga mantsa ng dugo ito, at parang luma na dahil may kalawang na rin sa ibang parte. Napaatras ako, ngunit hindi ko binitiwan ang kutsilyo.
Ang dugo sa kutsilyo ay tila matagal na, at sa halip na linisin ito, napailing ako. "Siguro sa pagluluto lang ito," sabi ko sa sarili ko, pilit na pinapakalma ang utak ko.
Tinapon ko ito sa basurahan at pinatungan ng papel upang hindi ko na makita. Ngunit dumapo ang tingin ko sa papel—isang medical record?
Kusang gumalaw ang kamay ko para damputin ito. Bagamat may punit na mga bahagi, nabasa ko ang salitang "Disorder." May sakit siya?
"Done?" Halos mapasigaw ako nang marinig ang malamig na boses niya mula sa likod. Patago kong itinago ang papel sa likod at hinarap siya na parang wala lang.
Ngunit may kakaiba sa kanya ngayon. Parang masyado siyang madilim. Ang aura niya ay sobrang bigat, at tila hindi na siya ang parehong tao kanina.
I smiled nervously. "T-Tapos na. Bakit ka bumangon agad? Diba may lagnat ka? Dapat—"
"I don't have a fever," malamig niyang putol sa sinasabi ko. Tumango ako, pilit na iwinaksi ang kaba. Gusto kong tanungin siya tungkol sa papel, pero parang hindi ko magawang magsalita.
Lumapit siya nang naka-pamulsa, saka niya inilagay ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga.
"Still gorgeous..." bulong niya na may lalim. Pilit kong ginawang normal ang ekspresyon ko, ngunit parang nabibingi ako sa tibok ng dibdib ko.
Nakatitig siya sa akin, na parang kinakabisado ang bawat detalye ng mukha ko. Ang paraan ng titig niya ay hindi lang seryoso—may kakaibang kilabot na dulot nito.
"It's been a long time..." He deeply murmured.
Napalunok ako nang yumuko siya at inamoy ang buhok ko. "D-Drystan," utal kong tawag sa kanya, pero tumawa siya nang malamig at nakakapanindig-balahibo.
"It's Daemon, not Drystan."
Tumigilid ang ulo niya at bahagyang lumapit sa akin. Gumuhit ang ngisi sa kanyang mapulang labi, dahilan para lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kumunot ang noo ko, pero hindi ko maalis ang kaba. Ang mga mata niya’y walang buhay, ngunit ang bawat kilos niya’y puno ng kontrol. Para bang siya ang may hawak ng lahat—maliban sa kanyang emosyon.

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomansaSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...