Chapter 8

39 2 0
                                    


Malamig ang simoy ng hangin sa labas. Sobrang dilim din ng langit dahil may thunderstorm at heavy rain ayon sa balita. Mahigpit ang yakap ko sa unan. Takot ako sa thunderstorm dahil may trauma ako dito.

"Meow." Napalingon ako sa pusa nang tumabi ito sa akin. Humiga siya sa braso ko. Gumaan bigla ang pakiramdam ko nang maramdaman ang malambot niyang balahibo.

Pinikit ko ang mata ko. I hate this weather. Thunder.

Malakas ang hampas ng hangin sa glass door ng veranda. Kumukislap ang kidlat sa labas, at tumatama ang repleksyon nito sa kama ko. Alas-una na ng madaling araw, pero gising na gising pa rin ako. Hindi ako mapakali. Malamig pero parang mainit ang pakiramdam ko.

Bumangon ako mula sa kama at dumiretso sa kusina. Uminom ako ng malamig na tubig. Pumikit ako sandali, pero pagdilat ko, naroon na naman ang pusa, nakaupo sa couch at nakatitig sa akin.

Napangiti ako.

Ang cute ng pusang ito. Parang lagi niya akong binabantayan. Pakiramdam ko, hindi ako mag-isa kapag kasama siya.

Madilim.

Biglang namatay ang ilaw sa kwarto ko. Napabangon ako nang wala sa oras. Hindi ako sanay sa dilim, lalo na sa gabi.

Paulit-ulit kong pinindot ang switch pero wala talaga. Kinuha ko ang flashlight sa cabinet. Nakasunod naman ang pusa sa akin.

Napangiwi ako nang matamaan ko ang mini chair sa harap ko. Tumama kasi ang dulo ng daliri ko kaya napapikit ako sa sakit.

"Ouch!"

"Meow." Umikot-ikot ang pusa sa binti ko, parang dinadamayan ako. Cute niya talaga!

Kinalong ko siya, pero ilang sandali lang, may narinig akong growling sound na parang may nasasaktan, kasunod ang malakas na kalabog. Napaatras ako mula sa dingding.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Napalunok ako at halos matumba sa kinatatayuan ko. Sunod-sunod ang malalakas na tunog at parang may nabasag pa.

Nanlalamig ang mga kamay ko. Sa pag-atras ko, natabig ko ang baso sa lamesa. Gumawa ito ng malakas na ingay, at kumalat ang tubig sa sahig.

Natigilan ako nang bigla ring tumigil ang ingay mula sa kabilang apartment. Bumalot ang katahimikan sa paligid. Parang tumigil ang paghinga ko.


“Wrong move, Denise Laurent Xhion,” bulong ko sa sarili ko at kinagat ang ibabang labi.

Matagal na katahimikan.

Huminga ako nang malalim, nagdadalawang-isip kung bubuksan ang pinto. Pero hindi ko alam kung bakit parang may pumilit sa akin na lumabas.

Kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa kabilang apartment. Bigla kong naalala ang sinabi ng kaibigan ko tungkol dito.

Sigurado ka bang gusto mo diyan? May naririnig akong kwento na may multo daw sa apartment na ‘yan kapag gabi.”

Maliit at luma ang building na ito, pero maganda at maaliwalas naman sa loob. Pero sa oras na ito… nakakakilabot.

Tumigil ako sa harap ng pintuan ng katabing apartment. Buong buwan akong nakatira dito, pero ni minsan, hindi ko pa nakita ang kapitbahay ko.

Ang mga naririnig kong kalabog at ingay sa gabi ay hindi mawala sa isip ko.

Nanginginig ang mga kamay ko nang kumatok ako. Lumipas ang minuto pero walang sumagot. Napansin kong nakaawang nang bahagya ang pinto.

Dahan-dahan kong itinulak ito.

Bumigat ang paghinga ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tila may nag-uudyok na pumasok.

Tahimik sa loob. Ang ilaw ay kulay pula, na nagbigay ng eerie na pakiramdam. Naririnig ko lang ang mabigat kong paghinga.

Walang tao dito—

Naputol ang iniisip ko nang biglang sumara ang pinto. Napatalon ako sa kaba. Nanginig ang mga kamay ko nang marinig ko ang tunog ng kutsilyo.

Napatigil ako sa paghinga nang marinig ko ang tunog ng mga yapak. Papalapit. Pero wala akong makita.

Tumabon ako sa bibig ko at sumiksik sa gilid ng pinto. Nanginginig kong binuksan ang cellphone ko para tawagan si Winowa. Halos maiyak ako nang marinig ko ang yapak na papalapit na sa direksyon ko.

“Please, sagutin mo, Winowa,” sigaw ko sa isip ko.

Tumulo ang luha ko nang marinig kong huminto ang yapak. Tumigil din ang paghinga ko. Napapikit ako, nanginginig ang kamay sa pag-asang hindi ako makita.

Nakaramdam ako ng ginhawa nang marinig kong lumayo ang mga yapak. Pero nang lingunin ko ito… doon ko pinagsisihan.

Isang lalaking matangkad ang nakatayo sa harapan ko. May hawak siyang kutsilyo. Wala siyang suot na pang-itaas kaya kita ko ang tattoo niya sa braso. Kahit madilim, alam kong nakangisi siya.

Tumama ang ilaw mula sa pula at hindi ko naiwasang lunukin ang laway ko. Umiwas ako ng tingin dahil sa erotikong itsura niya.

“Another prey, huh,” sabi niya, puno ng bahid ng peligro sa boses niya.

Mas sumiksik ako sa gilid habang lumapit siya sa harapan ko. Inangat niya ang mukha ko gamit ang kutsilyo niya.

“What’s on my neighbor’s mind to step on my apartment, hmm?” halos ibulong niya sa tainga ko.

“Are you… are you going to k-kill me?” nauutal kong tanong habang mahigpit na hawak ang laylayan ng damit ko.

Natawa siya, at ang nakakatakot niyang tawa ay nag-echo sa buong apartment. Tumulo ang luha ko sa takot.

You better leave, or else…” Naglakbay ang tingin niya sa hita ko, at alam kong kahit madilim, kinakalaban niya ang sarili niyang pagtitimpi.

Damn you, Drystan.

“You better run, Denise… run before I change my mind.”

Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon