Chapter 18

30 1 0
                                    

"Maari mo ba akong tulungan, hija? Ilalagay ko lang sa shelves itong mga bagong libro. Hirap na rin akong magdala ng mabibigat na libro kaya—" pakiusap ng matandang librarian sa akin. Ngunit hindi na niya kailangang sabihin iyon dahil kusa na akong tutulong para sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya.
"Wala pong problema—"

"Tutulungan ko na rin po kayo." Isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa aming likuran. Bumungad si Mitch, nakangiti habang kinukuha ang ilan sa mga libro.

"Kung ganoon, sumunod kayo sa akin kung saan ilalagay ang mga libro," sabi ng librarian bago nauna sa amin.

"Ikaw si Denise, tama?" tanong ni Mitch habang naglalakad kami. Saglit akong tumingin sa kanya, umiling, at pinagpatuloy ang paglalakad nang tahimik.

"Bago ka lang dito, hindi ba? Siguro nahihirapan kang mag-adjust, lalo na at iba ang lugar na ito sa Centro. Ganoon din ako noong una," natatawang sabi niya.

"Pero kalaunan, nasanay na rin ako. Umupa rin ako ng apartment sa Rosales, tulad mo. Siguro mga dalawa o tatlong taon na ang nakalipas," dagdag niya habang tumatawa.

"Hindi naging maganda ang pananatili ko doon. Nakakatakot lang talaga. Ikaw? Hindi ka ba natatakot na manatili doon?" tanong niya sa akin, dahilan para mapatigil ako.

"Hindi. Kumportable naman ako roon," sagot ko nang direkta, dahilan para umiwas siya ng tingin.

Muli siyang tumawa, pero sa pagkakataong ito, parang may halong amusement.

"R-Really? Noong bumalik kasi ako, balak ko sanang upahan ulit 'yon, pero narinig kong may nauna na. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit. I... just missed my old apartment," sabi niya, bumababa ang boses kasabay ng pilit na tawa. Napansin ko rin ang mabilis niyang pagtatago ng kanyang kamay na tila nakayukom kanina.

"Pakilagay na lang dito, mga hija. Kahit hindi sunod-sunod dahil paayos ko na lang sa janitor," sabi ng librarian na may ngiti. Tumango ako at sinimulang ilagay ang mga dala kong libro sa shelves, gayundin si Mitch, pero hindi lahat ng libro ay kasya.

"Kailangan siguro natin ng hagdan. May espasyo pa kasi sa bandang taas," sabi niya habang tinuturo ang itaas ng shelves. Agad akong kumuha ng hagdan at itinapat iyon sa shelves.

"Ako na lang ang maglalagay. Apat lang naman sa akin, kumpara sa isa mo," alok niya. Hindi na ako tumanggi at hinawakan ko nang maigi ang gilid ng hagdan para alalayan siya.

"Isa na lang," narinig kong sabi niya habang pilit inaabot ang pinakamataas na parte.


Napansin kong nag-umpisang umalog ang hagdan. Naramdaman ko ang kaba at hinigpitan ang hawak dito.
"Nawawala ang balance ng hagdan, Mitch. Baka mahulog ka—"

"Sandali lang," sagot niya, halatang iritado.

Napakunot ang noo ko habang pinapanood siyang pilit inaabot ang libro. "Hindi mo pa rin maabot? Ako na ang gagawa—" kalmado kong sabi.

"Hindi. Kaya ko," madiin niyang sagot. Patuloy pa rin siya, kahit halata nang delikado na.

Hinawakan ko nang mas mahigpit ang hagdan at pati ang shelves dahil tila umuuga na ito.
"Mag-ingat ka, Mitch—"

"Omy—" biglang sigaw niya. Napakabilis ng mga pangyayari. Bumagsak ang shelves ng libro, dumagan ito sa akin, dahilan para mapapikit ako sa sakit. Napaluha ako habang naramdaman ang bigat na nakadagan sa aking braso.

Si Mitch naman ay tumilapon sa gilid. Mukhang walang malubhang natamo, pero halatang na-trauma siya at umiiyak nang husto.

Nakuha nito ang atensyon ng librarian na agad sumigaw, "Rescuers!"

"No—Mitch!" mabilis na lapit ng kaibigan niyang si Amanda habang umiiyak ito.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Amanda kay Mitch, pero halatang hindi siya mapakali.

Samantala, hindi ako makagalaw. Parang nanigas ang binti ko dahil sa bigat ng shelves. Dumating ang rescuers makalipas ang ilang minuto. Napansin kong gulat si Cassel nang makita ako.

"Unahin niyo si Mitch!" sigaw ni Amanda habang lumuluha.

Nag-aalangan ang rescuer kung sino ang unang tutulungan.
"Mananagot ka kapag may nangyari sa kanya!" galit na sigaw ni Amanda, dahilan para kumilos agad ang rescuer.


Kagat-labi akong sinubukang iangat ang nakadagan sa akin, pero sobrang bigat. Lumapit ang dalawang lalaki para tumulong, pero hindi rin nila ito nagawa. Pinaligiran kami ng mga estudyante, pero parang takot silang lumapit.

"GET OUT!" Isang malalim at nakakakilabot na boses ang umalingawngaw. Napatingin ako, kinikilabutan sa narinig.

Nakita ko si Drystan, ang mga mata niya ay puno ng galit. Halos maramdaman ko ang bigat ng tingin niya habang iniigting ang panga.

"D-Drystan," mahina at nanginginig na tawag ni Mitch.

Napalingon siya kay Mitch, pero iniiwas ko ang tingin ko. Mas masakit pa yata iyon kaysa sa kamay ko.

Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon