"He really can't kill you, huh. I thought you're his next victim," malamig niyang sabi.
Bahagya akong natigilan at napakunot ang noo nang marinig ang sinabi niya. A-Ano ang ibig niyang sabihin doon?
"V-Victim?" utal kong tanong.
Hindi siya sumagot ngunit gumuhit ang kakaibang ngiti sa kanyang labi-alam kong may masama siyang binabalak. Mahina siyang natawa, sabay tunog ng kanyang leeg bago ako titigan nang diretso.
"You really don't know him well, do you?" may panunuya niyang sabi, kaya mas lalo akong naguluhan. Wala akong masabi. Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking damit, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko.
Umiwas ako ng tingin. Kilala ko nga ba talaga si Drystan?
"I-I know him-" nahinto ako saglit, hindi matapos ang sasabihin. Bukod sa pangalan niya at sa pagkakakilanlan sa kanya ng iba, wala na akong alam. Wala na.
"You don't know him, kitten. From the day you stepped here, his identity has remained unknown. Let's say... he's keeping it," marahan niyang sabi.
Tinatago?
"H-Hindi ko maintindihan," naguguluhan kong sagot. Napalunok ako, ramdam ang tensyon sa kanyang titig.
"He's not what you think. He can play with people's lives as long as he wants. He's a psychopath. He doesn't feel guilt or empathy."
Tumigil bigla ang tibok ng puso ko sa narinig. Nangatal ang katawan ko, ngunit pilit sinasabi ng puso kong hindi iyon totoo.
"Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa'yo?" mahina ngunit puno ng galit kong tanong. Palihim kong kinuyom ang kamay ko. Para bang nawawala ang lakas ko.
"A psychopath is a good manipulator," malamig niyang tugon.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng dibdib ko, dala ng kaba. Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi niya. Malayong-malayo iyon sa Drystan na nakilala ko. Hindi niya magagawa ang mga iyon, dahil...
Nagtiim ang bagang niya.
"The answer is right in front of you, but you're trying to ignore everything because of what you see in him now and not his true self."
Umiling ako, pilit nilalabanan ang unti-unting paniniwala. Nararamdaman ko nang bibigay na ang mga luha ko.
"Ikaw na rin ang nagsabi na ikaw ang dark side niya, kaya bakit-" hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla niya akong pinutol.
"He killed people, Denise," ngisi niya.
Nanlabo ang paningin ko habang unti-unting dumaloy ang mga luha sa pisngi ko.
"He's not," giit ko, halos pabulong. Pilit kong umiiling, pilit na hindi pinaniniwalaan ang sinabi niya.
"He did it many times. The man that you love is a killer and... a psychopath."
"Stop!"
"You're in love with the... criminal," patuloy pa rin niya.
"I SAID STOP! ENOUGH!" sigaw ko nang pigil ngunit malakas. Napatigil siya sa aking ginawa.
Nanghina ako at bumagsak sa sahig. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiyak. Ang sakit sa dibdib ko, parang hindi ko kaya ang nalaman. Gusto ko siyang ipagtanggol, ngunit alam kong mas kilala niya ito kaysa sa akin. Alam kong mula pa sa simula, hindi ko talaga siya kilala.
"Hindi siya gano'n. Hindi niya kayang pumatay. Sinisiraan mo lang siya. Nakikita ko-hindi siya gano'n. Hindi niya..." Parang bigla akong nanghina at patulog sa pag-iling.
Nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan lang ako.
"Please... bring him back. Bring him back..." paulit-ulit kong bulong, habang hindi ko namalayan ang sarili na umiyak. Parang hindi ko na makontrol ang sarili ko.
Ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko siyang yakapin, ngunit hindi ang katauhang nasa harap ko ngayon. Gusto ko si Drystan.
"Please... bring him back now," paos kong sabi habang naghahabol ng hininga.
Lumuhod siya sa harapan ko at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang malamig na kamay. Seryoso ang kanyang walang buhay na mga mata, ngunit may halong pag-aalaga ang kilos niya.
"I will, but don't let him see your tears because he hates it..." kalmado niyang sabi, halos may pag-iingat, dahilan para mapatitig ako sa kanya. Binaba niya ang kanyang kamay matapos punasan ang aking luha.
Unti-unting naging kalmado na ang sistema ko ngunit palaisipan sa akin ang kanyang sinabi. Hurt himself? Bakit gagawin 'yon ni Drystan sa kanyang sarili?
Huminga ako nang malalim at hinarap siya. Even though my legs were somewhat weak and trembling, I tried to stand up. Madaming katanungan ang pumasok sa aking isip at gusto ko iyong sagot mula sa katauhan ni Daemon.
I slowly realized that even though he is another personality and his aura is giving a dark energy, there is a side of him that should not be feared. I shouldn't be afraid of him.
"C-Can you tell me more about him?" Marahan kong tanong.
He tilted his head-one thing he always does if I catch his attention. Small details about him that I already know now. Napalunok ako at umiwas ng tingin.
"A-Ano ang nangyari sa simula... paano naging dalawa ang personality niya at nalikha ka niya?" Parang may bumara sa aking lalamunan nang sabihin ko iyon. Nahirapan akong banggitin iyon.
"Because of trauma."
Pumantig ang tainga ko sa kanyang sinabi. Kumuyom ang kamay ko.
"He used to be an innocent and kind young boy. But the people around him changed him. A different change, where he worships his own devil. Until he suddenly wanted to escape from everything." Tumigil siya saglit at natawa. Tinitingnan niya ako at nagsalita.
"Then he made me. Drystan made me. Isn't that amazing?" Patuloy niya at ngumiti, pero walang emosyon.
"But... I don't have feelings." Nawala ang kanyang ngiti. "He made me for a reason, kitten. To escape the pain of his reality, he made me. To not feel anything but numb for everything."
"W-What kind of t-trauma?" Nanginginig kong tanong at humigpit ang kapit sa aking damit.
"Physical and emotional abuse."
Namanhid ang katawan ko sa kanyang sinabi. Naninikip ang dibdib ko sa aking nalaman. Kinagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin. Ang sakit sa dibdib na malaman 'yon.
Napatabon ako sa mukha at naiyak. Ang malaman na gumawa si Drystan ng isang katauhan para mapigilan ang sakit na nararamdaman niya. Ang takasan ang lahat. But the most painful is that he was a child that time.
Hiningal ako sa pag-iyak. Pinunasan ko ang aking luha. Nag-angat ako ng tingin kay Daemon para tanungin ito, ngunit tila nabasa nito ang nasa isip ko. At hindi ko inasahan ang sasabihin niya.
"And the reason he killed people... is because of how many times he remembered the abuse and pain in his head. He can't control himself. He's still living in a hell in his head. That's why he makes victims and kills people. A criminal himself."
Naghalo ang nararamdaman ko at hindi ko ito maipaliwanag.
"But one thing I know... you're his next victim on that day or maybe I'm wrong." Mahina siyang natawa. He clicked his tongue and smirked at me.
Napalunok ako at ginapangan ng kaba sa dibdib. S-Should I be afraid?
"Because that psychopath is already obsessed."

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomansaSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...