Namuo ang luha sa mata ko. Bahagya siyang natigilan nang makita niya iyon. Hindi ko napigilang humikbi sa harap niya. Muli, hindi ko makontrol ang emosyon ko. Umiwas ako ng tingin at bahagyang yumuko.
Napakagat ako ng labi.
Biglang naging mas seryoso ang mata niya habang nakatitig sa akin. Malalim ang paghinga niya.
"Galit ka sa akin dahil doon, hindi ba?" tanong niya, at umigting ang panga. Bumalik ang tingin niya sa akin, kunot ang noo na para bang nalilito. Bakit nagpapanggap pa siyang hindi niya alam?
"Saan mo nakuha ang impormasyon na 'yan?" mariin niyang tanong, pero hindi ako sumagot. Napalunok ako. Sa tono ng pananalita niya, parang siya pa ang galit. Parang nabaligtad pa ang sitwasyon.
"Umuwi ka na," mahina kong sabi.
Umigting ang panga niya. Bumuga siya ng hangin at tumayo mula sa pagkakaupo. Akala ko ay aalis na siya, pero nagulat ako nang humakbang siya palapit sa akin. Malamig ang tingin niya, halatang may inis.
"Yun lang ba?" tanong niya.
"H-Ha?"
Mas nilapit pa niya ang katawan niya kaya napaatras ako.
"Yun lang ba talaga ang ikinagagalit mo?" matigas niyang tanong habang mariing nakatitig sa akin, para bang may hinahanap sa mga mata ko. Mabilis na nagtambulan ang dibdib ko.
Napaatras ako, pero muli siyang lumapit. Medyo nag-panic ako dahil wala na akong maaatrasan—lamesa na ang nasa likod ko.
"If I tell you she's not, and I think she's not ready yet. Maybe I should convince her more that I'm a good man. And I won't force her if she doesn't like me. But I won't promise that I will let her go once I taste her," mahinang bulong niya. Napalunok ako. May sinseridad sa mga salita niya, pati sa mga mata niya.
Umangat ang kamay niya at dumampi iyon sa labi ko. Marahan niya itong hinaplos. Napalunok siya, kita ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple. Nagtama ang aming mga mata.
"So, don't be jealous of yourself, kitten. I'm all yours," mapang-akit niyang bulong, dahilan upang mamula ang pisngi ko. Gumapang ang kamay niya sa bewang ko at iniangat ako paupo sa lamesa. Napakapit ako sa braso niya.
Nakatayo siya ngayon sa pagitan ng hita ko habang nakaupo ako sa lamesa.
"Do you know what a good man does?" bulong niya sa tainga ko, dahilan para mapalunok ako nang mariin habang ngumisi siya.
"A-Ano?"
"Kung gusto mo malaman, bakit hindi natin subukan ngayon?" bulong niya, puno ng pang-aakit, na nagdulot ng kilabot sa buong katawan ko.
Mariin akong napalunok at bahagya siyang tinulak. Hindi naman malakas. Mahina siyang natawa sa ginawa ko, sabay paradahan ng dila sa mapulang labi niya. Umiwas ako ng tingin.
Halos mapatalon ako nang dumampi ang kamay niya sa pisngi ko. Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko. Tinaas pa niya ang ulo niya at kumunot ang noo. Nagtama ang tingin namin.
"Don't waste your precious tears," mahinang sabi niya. Umayos siya ng tayo at ipinatong ang kamay sa lamesa sa likod ko.
"Tell me, are you jealous?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Natigilan ako. Gusto kong magsalita, pero parang nawalan ako ng boses. Napalunok ako at yuyuko sana nang iangat niya ang baba ko.
"I want to hear your answer. Are you jealous?" ulit niya, malalim ang tingin. Kinagat ko ang labi ko, dahilan upang mapatingin siya roon. May bahagyang ngisi sa labi niya.
Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri ko. Hindi ko maiwasang mapanguso. Jealous? Bumalik ang tingin ko sa kanya, pero tinaasan niya ako ng kilay.
"H-Hindi," sagot ko.
Umigting ang panga niya sa sinabi ko, pero pinisil niya ang hita ko at mas inilapit pa ang katawan niya. Agad kong naramdaman ang init niya.
"Lie," sabi niya.
"Hindi nga," sagot ko, medyo napalakas ang boses. Napayuko ako, hindi makatingin sa kanya.
"S-Sorry, hindi naman ako nagseselos," mahina kong sabi.
Bumuntong-hininga siya.
"Let me take you out on a date..." aniya nang malalim. "We'll make it slow, and you can decide if I'm the right man for you. How does that sound, hmm?"
Date? Nililigawan na ba niya ako? O pareho na rin 'yon?
"Ano ba, Denise! Kanina pa kita kinakausap," ani Ere na nakapamaywang sa harap ko. Nangingiti pa siya habang inaabot ang mukha ko.
"A-Ah, sorry," sabi ko, sabay kuha ng bag ko. Napansin kong nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"May problema ka ba? Sabihin mo na," pagpupumilit niya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Wala naman, Ere."
"Sige na, wag ka nang mahiya," pilit pa niya.
"Fine..." sagot ko nang malalim ang buntong-hininga.
Napahagikhik siya at mabilis na umupo sa tabi ko, nakalumbaba at may ngiti sa labi.
"T-There is a guy—he's a stranger..." panimula ko, pero bigla siyang tumawa nang mahina. Agad niyang tinakpan ang bibig niya.
"A what? Hahaha," tawa niya na nagpagulo sa isip ko. Ano bang nakakatawa? Ang lakas ng trip niya ngayon.
"Gosh! I'm sorry, go on. May naalala lang ako," paliwanag niya habang pinipigilan ang sarili niyang tumawa. Tumango na lang ako kahit na ang weird niya.
Napabuntong-hininga ako.
"My neighbor asked me on a date," direkta kong sabi habang nakatingin sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko. Napatigil sa pagsasalita, pero bigla siyang nabilaukan at napainom ng laway.
"He what?!" sigaw niya, para bang napakalaking balita nito. Agad niyang tinakpan ang bibig niya, pero huli na. Napatingin tuloy ang ibang kaklase namin.
"Lower your voice, Ere," bulong ko, puno ng hiya. Inangat niya ang kamay niya para mag-peace sign. Napailing ako at napabuntong-hininga ulit.
"He asked you? You mean, niyaya ka niya lumabas? Ganon?" tanong niya, may halong pagkasabik.
Tumango ako nang dahan-dahan.
"May gusto lang akong itanong. Kapag niyaya kang lumabas, panliligaw na ba 'yon?" tanong ko, puno ng curiosity. Ngumiti siya nang malawak at tila aliw na aliw.
"Why didn't he say that he's courting you? Of course he won't," sabi niya, pero parang may dinagdag siya na hindi ko narinig.
"Huh?" tanong ko, naguguluhan.
"I mean—baka torpe 'yan. O baka red flag," sabi niya habang natatawa, dahilan para magtaas ako ng kilay.
"Red flag?" ulit kong tanong, nagtataka.
Umawang ang labi niya na parang magpapaliwanag pero umiling lang siya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong.
"Red flag yung ano... mahilig sa kiss, may pagkamanyak, tapos stalker," dagdag niya, sabay tawa.
Kumunot ang noo ko. 'Yon ba talaga ang ibig sabihin ng red flag? Mukha kasing hindi siya nagseseryoso sa sinasabi niya.
"So, what is your answer to his question?" tanong niya bigla.
Napakunot ako ng noo, sinusubukang alalahanin. Wala naman akong natatandaang sinagot ko si Drystan maliban sa...
"You will date me whether you like it or not," bulong niya sa tenga ko.
Bigla siyang natawa nang malakas, hawak ang tiyan niya habang nahihirapan nang huminto.
"I can't... Hahahaha!" tawa niya nang tawa.
Namula ako sa sobrang hiya. Dapat hindi ko na sinabi sa kanya!

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomanceSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...