"Wala naman ang professor natin. Let's go in cafeteria, my treat," masayang sabi ni Diere. Tipid akong ngumiti sa kanya. Slowly, I was starting to feel comfortable with her, and I hoped she's different from the people I met before.
"Okay, liligpitin ko lang ang mga gamit ko, Diere," sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"No, just Ere. My cousin and parents used to call me that," aniya, sabay ngiti at ayos ng salamin niya. Ramdam ko ang pagiging comfortable niya sa'kin.
"Una na ako sa cafeteria nang maka-order na'ko. I will wait for you ha," sabi niya bago kumaway at lumabas ng room. Nagkibit-balikat na lang ako. Sinakbit ko ang bag at paalis na sana nang bigla akong mabangga sa pinto.
Napangiwi ako nang tumama ang balikat ko.
"Oh my! Are you okay, Mitch?!" tanong ng isa sa likod ko. Mabilis na tinulungan ng dalawa niyang kasama ang nakabanggaan ko. Hinilot ko ang balikat ko, ramdam ko ang kirot.
"Masakit ba?" tanong ng kaibigan nito, malumanay ang boses.
"I'm fine, Amara, don't worry," mahinang sagot ni Mitch, kalmado ang tono. Tumitig siya sa akin at ngumiti.
"Say sorry to my bestfriend—" sabat ng babaeng nakatirintas ang buhok.
"No, I'm fine, Cassiel. Look, ayos lang talaga ako," sabi ni Mitch sabay mustra sa kaibigan para ipakita na okay siya.
I sighed. Tumigil ako sandali at tiningnan ang relo ko. Malamang kanina pa naghihintay si Diere.
"I'm really sorry for the trouble, mauna na ako," sabi ko, tipid na ngumiti sa kanila, at mabilis na silang nilampasan. Mukhang may sasabihin pa sila, pero kailangan kong puntahan si Diere.
Pagdating ko sa cafeteria, agad akong kumaway kay Diere na nasa isang mesa sa sulok. Konti lang ang tao sa cafeteria, kaya hindi mahirap hanapin.
Ngumiti ako sa kanya at umupo sa harap niya. Meron na siyang pagkain sa table, isang bucket ng fried chicken at isang slice ng ribbon cake.
My favorite cake!
"Let's eat!" sabi ni Diere, masiglang ngumiti, kaya hindi ko napigilang mapangiti rin.
"Woah!" biglang bulalas ni Diere, kaya napatingin ako sa kanya. Nakanganga siya habang nakatitig sa akin, nilapit ang mukha niya, at inayos ang salamin.
"W-Wait! You have dimples!"
"Huh?" tanong ko, kunot-noo. Tila hindi siya makapaniwala at bahagya pang pinisil ang pisngi ko. Napaurong ako.
"Your skin is so smooth and fluffy. Did you use foundation on your face?" tanong niya, halatang curious.
"Foundation? No, I don't use any product," diretsong sagot ko, sabay subo sa fried chicken.
"Hmmp, I'm jealous. You're so beautiful when you smile. I like your skin and… your dimples," sabi niya, nakalumbaba habang pinagmamasdan akong kumain.
Too much compliment.
Halos mapuno ang bibig namin pareho sa pagkain, kaya natawa kami sa sarili naming kalokohan.
She stopped and looked at me.
"Did I tell you that you're so beautiful?" tanong niya, napanguso.
"You did. Thank you for your treat, by the way," sagot kong nakangiti, bago sinubo ang huling piraso ng cake. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Last bite na lang.
Sumandal ako sa upuan, napatingin sa labas ng cafeteria.
"He's here," bulong ng isang estudyante. Napatingin ako sa entrance.
A tall man entered the cafeteria wearing a student uniform. I froze when I realized who it was—Drystan.
Lahat ng tao ay palihim na nakatingin sa kanya, at isa na ako roon. Blanko ang mukha niya habang dire-diretso siyang naglakad papunta sa counter.
Napansin ko ang kanyang buhok—ang style nito. Bagay na bagay sa kanya ang uniform niya. Agad akong umiwas ng tingin at palihim na napakagat ng labi.
Sa kabilang table, nahagip ng mata ko sina Mitch at mga kaibigan niya. Hindi ko ata napansin kanina. Malungkot ang mata ni Mitch habang nakatingin sa direksyon ni Drystan.
"Base sa tingin na 'yan, may gusto kang malaman. I'm right?" tanong ni Diere, taas ang kilay.
"I'm just curious," tipid kong sagot, at iniwas ang tingin. Baka sabihin niya interesado ako sa buhay ng iba pero natawa siya ng mahina.
"Makinig kang mabuti. May story telling ako," sabi niya, sabay lumbaba at seryosong tumingin.
Napatingin ako sa kanya. Story telling?
"Once upon a time, there was a girl who transferred to a not-so-well-known university. She lived in a simple apartment by herself. One day, she met a prince."
"And that prince had a playful personality, everyone adored him. But the prince suddenly fell in love with the transferred girl. Everyone knew about it. But the girl made a biggest mistake," seryoso siyang tumingin sa akin pero gumuhit ang ngisi sa kanyang labi.
"At simula ng araw na 'yon, no one saw him again. Hindi ko sinasabing nawala ang prince, pero ang kanyang pagkatao ay nagbago. He's not a prince anymore, Denise," bulong niya sa akin. Making me confused.
Ngumiti siya at nagtanong, "Do you believe in the devil?"
I don't understand her. What is she trying to point out?
"The devil exists, but not in the way people expect. He doesn’t wear horns or have a tail. Sometimes, he’s disguised as someone you’d never suspect, waiting for the perfect moment to reveal himself." makahulugan niyang sabi.
"Pero isa lang ang alam ko. He finally found his hell," sabi niya, diretso ang tingin sa mga mata ko.

BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomanceSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...