Prolonge

11 0 0
                                    

"Our Home"

Lahat ng karakter,pangyayari at ibang-ibang dayalogo sa istoryang ito ay gawa-gawa lamang. Wala itong ibig sabihin o pinapatungkulang kahit sino. Kung may pagkakataon mang may kapareho at kagaya na nangyayari sa Isa o higit pang tao,ito ay aking hindi sinasadya.

Maraming Salamat po. Inyong lingkod WeakSoulPrince.

Pambungad ng manunulat :

Ang daming naglalaro sa isipan ko na kaganapan at Isa na itong kwentong ito, sana mabigyan ko ng hustisya.



Ariel's Point of view,

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa lugar na ito? Bakit ba ako nagtitiis sa apat sulok na kuwartong ito kung puwede naman akong umalis at mamuhay ng sarili ko?

Bakit nga ba hindi ko magawang umalis kung gayong ilang taon na rin naman ang nakalipas?

Hindi ba dapat nagsisimula na din ako ng sarili kong buhay tulad niya?

Bakit ba ikinukulong ko ang sarili ko dito?

Bakit nga ba nandito pa ako?

Matindi na rin ang sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko, ramdam ko ito dahil nakapaling ang aking ulo diretso sa may bintanang hindi naman ganoon kalaki pero sakop mula ulo hanggang tiyan ko sa tuwing ako ay nakatitig sa madilim na kalangitan na punong-puno ng nagsisikatang bituwin na animo ay nagsisilbing ilaw sa gabing madilim kasama ang maliwanag na buwan bilang ang kanilang pangunahing liwanag.Ramdam ko ang kirot ng mga mata ko kaya sinimulan ko ng imulat ng dahan dahan, sa pagmulat ko ay nabigla ako dahil nakalimutan kong umiwas sa sinag ng araw, bukod sa hapdi kanina noong ako ay nakapikit pa, nadagdag ito ng binuksan ko ang aking mga mata. Naupo ako sa aking higaan upang maiwasan ang sinag ng araw.

"Ang sakit ng mata ko!". Sabi ko pa habang kinukusot ito na parang nagkukusot ng damit, kaunti na nga lang at magugusot na ang balat ko dahil sa ginagawa ko. Itinigil ko ang pagkukusot sa mga mata ko at inilipat ito sa aking ulo. "Ano'ng oras na ba?". Tanong ko sa antok kong sarili.

Tumayo ako at tiningnan ang orasang nakadikit sa dingding, nambilog ang aking mga mata ng makita kong pasado alas-nuwebe na pala ng umaga.

Nagmadali akong pumunta sa CR, napabalik ako dahil nakalimutan ko pa ang tuwalya ko, hindi naman ako puwedeng bumalandra ng walang suot o kahit anong saplot pagkatapos kong maligo dito sa kuwarto , kahit pa sabihin nating sarili ko 'tong kuwarto, sa pagmamadali ko, nauntog pa ako at natapilok —mukhang napakamalas ko naman ngayong araw.

Nagmadali akong maligo dahil eksantong alas-diyes ng umaga ang simula ng trabaho ko bilang waiter sa restaurant ng kaibigan ko noong highschool. Mabuti na nga lang at inalok niya ako ng trabaho kung hindi wala ng nangyari sa buhay ko sa loob ng dalawang taon. Wala akong planong mag-almusal dahil nga huling huli na ako sa trabaho ko, kailangan ko pang mag-commute ng bente minuto at apat-na-pung dalawang segundo para lang marating ang restaurant.Kalalabas ko pa lang ng kuwarto ko at nadinig ko na ang isang tinig na hindi na bago saakin.

"Mag-aalmusal ka ba?". Tanong niya saakin habang nagsasapatos ako.

"Hindi." Malamig kong sagot habang isinisintas ang sapatos ko.

"Hmm." Malamig din naman niyang sagot. Nadidinig ko ang kiskis ng plato at napatingin ako sa kaniya. Walang nagbago ganoon pa rin siya.

Walang nagbago ganoon pa rin siya. Ang tanging nagbago lang ang tono ng pananalita niya, lahat pa rin ng nakasanayan niyang gawain ay hanggang ngayon iyun pa rin ang ginagawa niya, ultimo pagtatanong niya kung mag-aalmusal pa ba ako.

Hindi na rin ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay marami pa ring nagkakagusto sa kaniya,ultimo estudyante at katrabaho niya ay hindi maiwasan ang charm na dala niya. High School palang pambato na siya sa mga contest sa school,lagi siyang representative ng section niya,walang makatalo sa kaniya, palagi siyang winner at hindi man lang naranasang maging 2nd runner up.

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now