"Hallucinations"
Ariel's Point of view,
Nandito ako ngayon sa kusina.Hindi ako nagse-serve ngayon ng pagkain bagkus ay mas pinili ko na lang maging dishwasher ngayon,medyo masama ang pakiramdam ko,inaantok,mas maganda na din na nababasa ang kamay ko para hindi ako antokin,malamig pa sa kamay.Sunod-sunod ang paglabas at pagpasok ng mga pinggan,mangkok,kutsara,tinidor,kutsilyo at kung ano-ano pa ang mga ginagamit sa pagkain maliban sa mga ginagamit sa pagluluto,nakabukod ang naglilinis noon.
Itiningala ko ang aking ulo at pinadapo ang aking mga mata sa wall clock.Matatapos na pala pananghalian,kaya pala napakaraming customer,siguro mayamaya din ay uunti o huhupa ang mga kumakain dito.Nangangawit na din ang mga kamay ko kakakuskus at pangtatanggal ng mga sebo sa plato,mangkok,kutsara,tinidor at kutsilyo,matalas din ang kutsilyo baka maling hagod ko lang nito panigurado hahalo ang dugo ko sa tubig na tumatagas dito sa gripo.
Tiisin ko na lang 'to,matatapos na din naman ang shift ko dito.Kung noon ay umaga hanggang alas-nuwebe ang pasok ko,ngayon naman 10:00 A.M hanggang 6:00 P.M na ako.Binago ni kuya Lex ang mga schedule namin sa tulong ni Manager Bebe dahil may mga ilang working student na narecruit dito ayon kay Manager Bebe.Nagtataka nga ako kung bakit pati oras ng trabaho kailangan mabago mabuti na lang pinaliwanag nila sa akin.
Sa sobrang abala ko ay hindi ko na napansin na alas-kwatro na pala ng hapon.Hindi lang pagliligpit ang ginagawa ako ngayon araw,nakitulong na din ako sa pagpupunas ng kitchen,pagsasalansan ng mga sangkap na nagamit at kailangan ng itapon,ngayon lang naman ako naka-assign sa kusina,bukas babalik na ako sa pagse-serve at kung ano-ano pa.Ilang minuto lang ang itinagal ko at nailagay ko na sa garbage ang mga basura.Bago ako lumabas ay sinilip ko ang kusina,malinis na naman kaso hindi pa napupunasan ang sahig.Ibababa ko na sana ang dalawang garbage bag na hawak ko ng magsalita ang Isa sa kasamahan kong bumalik sa kusina.Siya palang nakakabalik siguro ang iba ay kinailangan pang mag-CR.
"Kuya ako na ang bahala sa sahig." Nakangiting winika nito.Marahil Isa siya sa estudyanteng nagtatrabaho dito.Hindi ako pamilyar sa kaniya.
"Sigurado ka ba?". Tanong ko at hindi ibinaba ang basurang hawak-hawak ko.
"Sigurado." Nag-thumbs up pa siya sa akin.Tumango na lamang ako at lumabas na.
Nasa likuran ng restaurant ang tapunan namin ng basura.Nadadaanan din ito ng track ng basura kaya hindi na namin siya kailangang buhatin pa ng sobrang layo para makuha nila.May daan naman papunta dito.
Pagkababa ko ng basura ay naupo ako para huminga.Nakakapagod,mas gusto ko pang magserve ng pagkain,magpunas ng lamesa at mag-lampaso ng sahig.Iniunat ko ang mga binti ko at itinukod ang mga kamay ko sa inuupuan ko.
"Hay........" Paghinga ko pa ng maramdaman ko ang ginawa pagkatapos kong mag-inat. "Nanibago ata ako sa kusina....." Dagdag po.
Nag-inat akong muli sa pangalawang pagkakataon,bigla na lang akong natigilan ng nagpabalik-balik sa tainga ko ang sinabi ni Carlo kahapon noong nasa mall.Hanggang dito ba naman Carlo pati boses mo naririnig ko pa rin.Kahit kailan talaga......
"Bagay sa labi mo ang napili ko.It looks so soft and smooth.I'm wondering what it tastes like."
"Bagay sa labi mo ang napili ko.It looks so soft and smooth.I'm wondering what it tastes like."
"Bagay sa labi mo ang napili ko.It looks so soft and smooth.I'm wondering what it tastes like."
"Bagay sa labi mo ang napili ko.It looks so soft and smooth.I'm wondering what it tastes like."
"Bagay sa labi mo ang napili ko.It looks so soft and smooth.I'm wondering what it tastes like."
Napahawak ang dalawang mga palad ko sa buhok at ito ay aking sinabutan ngunit hindi naman ganoon kalakas upang hindi ako masaktan.Gusto ko lang magising at maalog ang aking utak para makalimutan ang mga katagang iyon.
YOU ARE READING
Our Home : Reviving Heartstrings
RandomAriel and Carlo were once deeply in love, sharing a passionate and committed relationship. They were a couple since High School days,sharing their goals and dreams. However, their relationship eventually crumbled under the weight of unspoken expecta...