"Sleeping Together"
Carlo's Point of view,
Alas-otso na ng gabi natapos ang klase ko.Tatlong taon na din ako simula ng tinaggap ko ang pagiging instructor ko at sub-teacher sa isang university,medyo nakakapagod din ang araw na ito,ngayon lang ako inabot ng alas-otso sa school na ito,hindi pa ako umuwi at may dinaanan pa akong mga documents na gagamitin sa susunod kong klase sa isang araw.Pagtingin ko sa relo na suot ko ay malapit na palang mag-09:00. Habang nagmamaneho ako ay may nakaharang na kotse sa dadaanan ko,huminto ako at tinitigang mabuti kung ano ang nangyayari.
"Ano'ng ginagawa niya dito?". Tanong ko ng makita ko si Ariel habang pumapagitna sa dalawang lalaki na mukhang nag-aaway,medyo nagulat ako ng makita kong sinapak ng lalaki sa mukha si Ariel.Nagmadali akong lumapit para awatin sila,mabuti na lang at sakto ang dating ko at napigilan ko ang lalaki,nawalan siguro siya ng malay dahil sa pagkakasipa ko.
"Makakatayo ka ba?".
Anong klasing reaksyon ang ipinapakita niya saakin ngayon? Nagpapasalamat ba siya? O kinukwestyun ang pagtulong na ginawa ko? Ngayon niya lang ako tiningnan ulit ng ganito.Nasaktan ba siya? Inilahad ko na lang ang kamay ko para tulungan siyang makatayo na tinanggap niya naman kaagad.
"Umalis na tayo habang hindi pa siya nakakatayo." Sabi ko pa at hindi na sila hinintay na sumagot at tinungo ko na ang motorsiklo ko.Bago pa sumunod sa sinabi ko Ariel ay nilapitan niya muna ang isang lalaki,hindi ko alam ang pinag-uusapan nila dahil sa layo ko,hindi naman nagtagal ay sumakay na sila sa sasakyan at umalis na.Hindi ko pa man naisusuot ang helmet ko at nagkamalay na ang lalaking sinipa ko. "Ang bilis mo namang mauliratan." Sabi ko at tiningnan niya ako.
Hindi naman ako nagtagal at umalis na ako.Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay nadatnan ko na si Ariel na ginagamot ang sarili niya,kung nahihirapan siya,Bakit hindi siya humingi ng tulong? Hindi naman mahirap 'yun.
"Aray ko!.......Ah! Ah!". Hinaing naman niya habang ginagamot ang sarili.Para siyang bata dahil sa asal niya."Ah!".
"Gusto mo ng tulong?" Sabi ko at mukhang nagulat pa siya dahil sa akin. Nakakagulat ba ang ginawa kong pagtatanong?
"Hindi na.Ah!". Medyo naiirita ako sa tunog na ginagawa niya kaya naupo ako sa tabi niya at inagaw ang hawak niyang bulak para tulungan siyang gamutin pero umiwas siya sa akin. "Ano'ng gagawin mo? Ako na." Aagawin niya sana sa akin pero hindi ko ibinigay,wala pa din siyang pinagbago,maarte pa rin siya.
"Ah! Dahan-dahan.......""Huwag kang malikot para hindi masakit." Walang emosyon kong sinabi sa kaniya.
"Kanina, ano'ng nangyari kay Spencer pagkaalis namin ?". Mabilis niyang tanong sa akin. "Mukhang nag-aalala din si Dave noong iniwan namin siya."
Spencer pala ang pangalan ng lalaking 'yun. Wala namang nangyari kanina pagkaalis nilang dalawa.Ang akala ko nga susugurin ako ng lalaking 'yun at gaganti pagkatapos ng ginawa ko sa kaniya.
" Who the hell are you? How dare you to------". Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya dahil nakakairita siya.Masyado kang madaldal,hindi bagay sa itsura mo pero,bagay sa ugali mo.
"Stopping and kicking your ass!". Ignorante kong sinabi. Mukhang dinamdam niya ang sinabi ko at nag-usok ang ilong nito.
"Ano'ng sinabi mo?".
"Let's finish it. I don't wanna waste my time with this senseless and useless drama of yours. Kailangan nating mag-usap ng matino at maayos." Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin pero tinitigan niya lang ako. "Ang ayoko sa lahat,maraming salita ang lumalabas sa bibig ko. It's about your man."
YOU ARE READING
Our Home : Reviving Heartstrings
RandomAriel and Carlo were once deeply in love, sharing a passionate and committed relationship. They were a couple since High School days,sharing their goals and dreams. However, their relationship eventually crumbled under the weight of unspoken expecta...