Chapter 10

1 0 0
                                    

"Enough size"



Author's Point of view,

Exactly 6:30 P.M. ay dumating si Carlo at si Lex ang naabutan niya.Kilala ni Ysa si Carlo,na hindi sumusunod sa oras ng tagpuan ngunit noong nakilala ni Carlo si Ariel ay natuto itong mag-adjust pero ngayon pakiramdam ni Ysa ay bumalik ito sa dati lalo na nung sinabi sa kaniya ng kuya niya na ngayon lang dumating si Carlo taliwas sa eksaktong oras na sinabi niya.

"Saan si Ysa?". Walang ganang tanong ni Carlo kay Lex na nasa pinakalikod na table ng restaurant.Bago sagutin ni Lex ang tanong ni Carlo ay sandali pa itong nagpindot ng laptop niya. "Lex?".

"Hindi ba magkikita kayo?". Walang kaalam-alam na tanong ni Lex .

"Kaya nga nandito ako kasi dito ako pinapunta ng magaling mong kapatid. So where is she?".

"Hindi ko pa siya nakikita,baka---". Naputol ang sasabihin ni Lex ng iharang ni Carlo ang buong palad niya sa ere senyas na itikom nito ang sariling bibig.Lalong kumunot ang kilay ni Lex ng biglang ngumisi si Carlo sabay tag ng cellphone nito sa bulsa.

"You're sister is really into something. Did you tell her to see a doctor,ha?!". Maasim na tanong ni Carlo at hindi na hinintay na sumagot pa si Lex na sinabayan niya ng paglayas.

"What's wrong with you? What about your anniversary? Did you prepare something?". Tanong pa ni Lex kung saan at ipinagpatuloy na ang kaniyang ginagawa.

Habang nasa taxi ay sinagot ni Carlo ang tawag mula kay Ysa.Halata sa boses nito ang pagkayamot at kagustuhang manapak.

"Ano ba'ng trip mo,Ysa?". Walang ganang tanong ni Carlo sa kabilang linya.

"Chill.I need to do something. Basta pumunta ka na lang bago ko pa baguhin ang location."

"Siguraduhin mo lang na may kwenta ang pag-uusapan natin."

"Of course, it's about your anniversary with my beloved best friend. Ayoko siyang ma-dissapoint. Babush." Masayang sinabi nito at ibinaba na ang tawag.

Samantala,sa condo naman ni Ysa.Nakahilata si Ysa habang nanonood ng Netflix,nakataas pa nga ang paa nito sa sofa.Nakalatag ang isang box ng pizza,may isang box ng lasagna,may isang bote ng coke.Ngumunguya pa ito ng pizza ng tumunog ang cellphone nito.Uminom siya ng soft drink bago sagutin ang tawag ni Ariel.

"Ysa! Sumagot ka!". Halos mabinggi si Ysa nang ilapat niya sa kaniyang isang tainga ang speaker ng cellphone niya ng nagsimulang magsisisigaw si Ariel. "Ysa Ysa,nasaan ka?!". Karalgal pa ang boses ni Ariel na halatang hingal na hingal din. "Ysa sumagot ka." Suminghot pa kunwari si Ysa para effective ang plano niya."Ysa!".

"Nandito pa din siya hotel.... Please tulungan mo ako." Paawang sinabi ni Ysa habang sumisinghot pa kunwari.Animo ay isang hostage at victim of something dahil sa pag-arteng ginagawa nito.

"Diyan ka lang,'wag kang gagawa ng kahit anong ingay." Halos matawa si Ysa dahil sa nadidinig niya sa kabilang linya.Hindi na siya sumagot at ibinaba niya na ang tawag.Ipinagoatuloy niya na ang pagkain habang nanonood ng TV.

"Oh my gggggggggg". She giggled to death.She sat down again and played her hair using her long fingers. "Ano kayang mangyayari ngayong gabi? How many rounds? What position? Whose the top and bottom? Do Carlo use contraceptive?". Halos magtatalon siya sa sofa habang iniisip ang puwedeng mangyari.

"Oh my goodness!". Napatayo pa ito sa sofa. "I forgot to prepare a protection! The bathtub?! Shitttt nakalimutan kong maglagay ng hot water......without hot water how could they make love? Paano sila mas lalong mag-iinit?Hindi sapat ang init ng ilaw na ginamit ko para sa kanila. I even paid the staff to not disturb them kahit na tumawag sila. I even used my effective technique to pursue them.Pinag-isipan ko pa 'yon ng mabuti for them." Naupo ulit ito at kinilig. "Oh my ggggggg!".

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now