"He's reserved "
Ariel's Point of view,
Nagtutulak ako ng cart sa pagitan ng mga produktong nakapaligid sa akin.Nagpasama kasi sa akin si Ysa na mag grocery,medyo nalilito na daw kasi siya sa daan,parang nag-iba na daw kumpara dati.Hindi naman nag-iba may nadagdag lang na abubot kaya sa tingin niya ay may nag-iba.Tulak lang ako ng tulak hanggang sa nabangga ko na ang likuran niya ng hindi napapansin.Kanina pa pala ako tulala ng hindi ko din namamalayan.
Ano ba kasi ang nangyayari sa akin? Dalawang araw mo ng iniisip ko ano ba ang meron sa araw na 'yon. Bukas? Ano ba ang meron bukas? Hindi ko naman birthday,hindi rin naman birthday ni Carlo at mas lalong hindi birthday nina Ysa at kuya Lex. Kung hindi birthday, ano'ng meron bukas?
Kanina pa pala ako kinakausap ni Ysa, tinatanong kung bakit ko siya binangga at bakit ako tulala na parang wala sa sarili habang ako naman ay dini-dilemma ko ang sarili ko sa mga katanungang hindi ko naman alam kung meron ngang kasagutan.
"Baliw ka!". Hinampas na ako ni Ysa sa balikat ng hindi ako sumagot. "Lutang ka ba,ha?!". Pagsinghal niya naman sa akin. "Tulala ka diyan, ano'ng meron sa 'yo?".
"Ha?". Parang hindi nagpa-function ang utak ko ngayon ah.Gutom ba ako o nagugutom na?
"Nag-agahan ka ba? Gusto mong kumain muna tayo?". Bakas ko sa boses niya ang pag-aalala kahit naiinis siya sa akin.
Nabasa niya ba sa isipan ko na nagugutom ako? Galing mo talaga.
"Mukhang nabili ko na naman ang lahat.Bayaran na lang natin 'to tapos kakain tayo." Sabi niya at siya na ang nagtulak ng cart sa counter para mabayaran na ang lahat ng pinamili. Ako ang nagbuhat ng mga pinamili habang siya buhat buhat lamang ang kaniyang bag kasama ang ganda niya.Isinama niya lang siguro ako para may taga buhat siya ng mga pinamili niya e. "Ang bagal maglakad ah." Pag-angal niya ng malapit kami sa sasakyan niya.
Napangibit na lang ako habang binubuksan niya ang likod ng sasakyan para mailagay ko na ang lahat ng pinamili namin.Hindi naman nagtagal ang biyahe namin at nakarating kami sa malapit na kainan.Siya na ang nag-order ng pagkain dahil hindi ko alam ang kakainin ko isa pa siya rin naman ang magbabayad.Kung marami siyang orderin na pagkain,marami din siyang ilalabas na pera.Ilang minuto lang ang hinintay namin at dinala na ng waiter ang pagkain.Nauna siyang kumain habang ako ay hinintay na umalis ang waiter.
Nilulumbay ako ng bwisit na araw na 'yan. Ano ba'ng meron Friday?
"So, ano ba ang meron at mukhang wala ka sa sarili ngayon?". Tanong ni Ysa habang tinitinidor ang inorder niyang baboy na hiniwa sa maliliit,kahit nagtatrabaho ako sa restaurant,hindi ko alam ang mga tawag sa pagkain miski nga sa restaurant nila e.
"Bakit hindi tayo kumain sa restaurant niyo?". Walang gana kong tanong habang tinitinidor ang sarsang nasa isang lalagyan.Hindi ko kasi matinidor ang laman.Lutang na talaga.
"Sawa na ako sa lasa ng pagkain dun." Sagot niya sa akin at nakita kong pinilasan niya ng sobrang laki ang isang manok bago kinagat. "At tsaka,kahit isang oras o magdamag kang magtinidor ng sarsang 'yan wala kang makakain." Sermon pa niya habang nguya-nguya ang karneng kinagat niya.Itiningala ko ang aking ulo at kitang kita ko ang pagkamual niya.
Saan niya inilalagay ang mga kinakain niya? Sobrang liit naman ng tiyan niya ah.
"Kababae mong tao tapos ganiyan kang kumain." Madiri-diri kong sinabi habang siya ay walang pakialam sa mga salita ko at patuloy pa rin sa pagkain. "May drum ba diyan sa tiyan mo?". Hindi ko na siya tiningnan at isinubo ang pagkaing sinandok ko.
"Kumain man ako ng madami sexy pa rin ako.My best asset....my bodyyyyy." Kumindat pa siya sa akin sabay subo ng pagkain niya.
"Oo nga pala." Pang-iistorbo ko sa pagsubo niya ng pagkain. "Yong araw na tinutukoy niyo ni Carlo----". Naputol ako dahil sa pagbagsak niya ng kutsara at tinidor.Hindi naman maiwasan ng mga kumakain na malapit sa amin na mapatingin sa lamesa namin.
YOU ARE READING
Our Home : Reviving Heartstrings
RandomAriel and Carlo were once deeply in love, sharing a passionate and committed relationship. They were a couple since High School days,sharing their goals and dreams. However, their relationship eventually crumbled under the weight of unspoken expecta...