"Kami ni Carlo......"
Ariel's Point of view,
Dumapo ang mga mata ko sa orasang nakadikit sa dingding.Pasado alas-nuwebe na ng umaga,pangatlong araw ko na dito sa gusaling ito,sa wakas makakauwi na din,hindi na ganoon kasakit ang baywang ko pero kailangan ko pa ring ubusin ang gamot na inireseta sa akin.Si Carlo ang gumastos sa akin.Kapag nakuha ko na ang suweldo ko at nakapagtrabaho na ako babayaran ko sa kaniya,ultimo sentimo.
Kakalabas lang doktor kanina at sinabing puwede na akong umuwi bukas.Salamat naman,nakakasakal na din kasi ang apat na sulok ng kuwartong ito.Hindi naman ako makalabas kahit gustuhin ko,hindi ko maintindihan kung bakit ayaw akong payagan ng nurse na nagdadala ng gamot ko.
Inilibot ko ang mga mata kong muli at hindi ko mapigilang mapatingin sa orasan at sa pintuan. Mag-aalas-diyes na ng umaga pero wala pa rin 'yung presensyang lagi kong nakikita at nararamdaman.Na-late ba siya ng klase kaya hindi siya nakadaan dito? May nangyari ba? Iniiwasan niya ba ako?
'Yong nangyari kahapon ba ang dahilan? Pagkatapos niya kasing sabihin na inumin ko 'yung gamot ay bigla na lang siyang umalis.Which is I understand,even me, that's the first thing i would do.After the embarrassing moment that night.Narinig ko ang pagbukas ng pintuan,gumuhit sa labi ko ang isang ngiti sa pag-aakalang siya ang iluluwal ng pintuan pero hindi naman natanggal ang ngiti sa labi ko ng nakita ng dalawang mata ko kung sino ang pumasok.
Ysa? Kailan pa?
"Oh My God With My Eternal Beauty!". Mukhang maiiyak pa siya habang binibigkas ang bawat salitang iyan.Dali-dali siyang lumakad palapit sa akin at naupo sa kama sabay hawak ng kamay. "Dear......What happened?".
As usual,ito na naman siya OA acting niya.Hindi pa rin siya nagbabago.Mas gumanda siya.Bakit ko nga ba siya ni-reject dati......Kung nagkataon na pinagbigyan ko siya edi sana may babae akong ibabalandra at ipagmamayabang sa ibang tao.
Iba na ang ganda niya ngayon kaysa noon.Maganda na siya dati pero lumevel-up na ang tinataglay niyang ganda ngayon,idagdag mo pa ang paraan niya ng pananamit.Simple ang pananamit niya pero malakas ang dating.Paano pa kaya kapag nagpaka-fashonista siya? Edi taob lahat nga mga models pati mga sikat na fashion models.
"OA ka pa rin." Biro ko.Napahawak ako sa balikat ko ng bigla niya akong hinampas.Mabigat pa rin ang kamay niya. "Aray ko naman... Nasa hospital kaya ako,nakaupo pa ako sa hospital bed." Nakanguso ko namang tugon habang hinihimas ang balikat ko.
"Ano ba'ng nangyari sa'yo ? May nanakit ba sa'yo?".
"Wala."
"Eh bakit ka nandito sa hospital?".
"Napasobra kaya ayun sumobra din ang pagsakit ng baywang ko."
Hinawakan ko ang baywang ko pagkasagot.Gumuhit naman pagtataka sa mukha ko ng binigyan niya ako ng pilyang ngiti habang hinahaplos pa ang braso niya.Anong problema nito? Naguguluhan man ako ay hinayaan ko siya pero bigla na lamang itong kinisay dahil sa nararamdaman,tatawag na sana ako ng nurse ng bigla siyang nahiga sa kama at mabilis na tumayo.
"Hoy,ano ang nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba?". Medyo nag-aalala ko ng tanong dahil sa ikinikilos niya.Alam kong OA siya pero parang sobra-sobra pa ito sa pagiging OA.
"So, what's the tea? Friend." Tanong niya pagka-upong muli.Kumunot ang noo ko dahil dito. "So,nasobrahan?". Kinikilig niya pang tanong sa akin.Ano na naman kaya ang nasa isip ng baliw na babaeng ito?
"Naguguluhan na ako sa tinuturan mo ah." Taas kilay ko namang sinambit habang siya ay hindi maalis sa mukha ang nakakalokong emosyon.
"Inabot ba ng ilang oras?". Tanong niya sabay hampas ng binti ko ng bahagya. "Magdamag ba? Kaya ba nasobrahan, sobrang sakit to the point that you NEEDED to admit to the hospital?". Halos mangisay na ito sa kama pagbitaw ng tanong na mismong galing sa kaniya at sa marumi niyang isipan.
YOU ARE READING
Our Home : Reviving Heartstrings
RandomAriel and Carlo were once deeply in love, sharing a passionate and committed relationship. They were a couple since High School days,sharing their goals and dreams. However, their relationship eventually crumbled under the weight of unspoken expecta...