Chapter 7

1 0 0
                                    

"I won't bite you"

Ariel's Point of view,

Nakikita ko na ang sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ko.Hindi.Ayoko pang bumangon,ayoko pang lumabas,ayoko pang makita ang bukas......

"Ayoko pa...." Napahalumbaba ako sa sarili kong tuhod habang nakaupo.Kung may kasama ako sa loob ng kuwarto malamang ay sasawayin niya ako sa posisyon ko ngayon dahil sa igsi ng suot kong salawal.Komportable ako sa suot na ito tuwing gabi lalo na kapag pinapatay ko ang aircon,idagdag mo pa ang suot kong sando na kitang-kita ang buong braso ko.

Hindi pa ako nakuntento at iginulong ko ang sarili sa kumot na parang lumpiang ibinabalot sa malapad na plato.Hindi ako makahinga dahil sa pagkakabalot sa sarili.Gusto kong bumalikwas ngunit nakapiit ako sa sarili kong katangahan ng marinig ko ang isang pagkabasag ng baso,marahil ay nahulog,nasagi o natabig ito. Iginulong ko pabalik ang sarili ko para makawala sa lumpia wrapper,Ibig kong sabihin sa kumot.

"Si Carlo?". Nagmadali akong lumabas at naabutan siyang winawalis ang basong nabasag.Umagang-umaga nagbabasag ka na.Nagligpit naman ako kagabi ah.

Umagang-umaga din pero mukhang nakaligo ka na kahit hindi pa.Gulo gulo ang buhok ni Carlo habang suot-suot niya ang itim na pajama at puting t-shirt,bumabakat ang katawan niya dito dahil sa nipis sa tuwing kikilos siya.Hindi naman hapit ang damit niya pero mahahalata mo pa din kapag napasobra siya ng galaw.Kahit sa pag-upo niya ay mistulang nang-aakit pa siya.Bakit kailangan mong umarte ng ganiyan?

Ako lang ba ang nag-iisip na umaarte siya ng ganoon? Pero bakit parang slow-mo ang lahat,kahit pa sa pag -abot niya ng bubog na medyo malapit sa kaniya.

Ano ba ang nasa isip mo,Ariel?! Gising!

Parang nadikit ang mga paa ko sa kinakatayuan ko ng tumama sa akin ang kaniyang mata.Slow motion pa rin ba ang nangyayari kasi nakatitig lang siya sa akin? Kita ko ang paggalaw ng bilog ng mata niya habang tumitingin sa akin,pababa at pataas.Nakakahiya kanina pa pala niya ako kinakausap at kanina pa siyang nakatayo pero ito ako hanggang ngayon tulala lang sa kaniya.

"Ariel?!". Hindi ko sigurado kung ilang tawag na ang nagawa niya pero sa pagkakataong ito ay makasalubong na ang kilay niya at halos makuyumos na ang kaniyang mukha dahil sa pagiging tulala ko.

"Ha?!".

"Init na init ka ba?". Diretso niyang tanong sabay tingin sa katawan ko.

Pinagpapawisan ba ako?

"Oo." Walang wisyo kong sagot.Tinaasan niya lang ako ng kilay na halos kainin na ang buong pagkatao ko.Labis akong nagtataka ng biglang sumilay sa labi niya ang isang pilyang ngiti ngunit sandali lamang ito.Halos kainin na ako tiles at simento ng bahay na kinakatayuan ko ngayon ng mapagtanto ko ang dahilan ng pagngising iyon.

"Looks great." Napapailing niya pang binanggit sa akin habang inilalagay sa trash can ang nabasag na piraso ng baso.Unti unti kong tiningnan ang sarili ko.Ganito pa pala ang suot ko,hindi ako lumalabas ng kuwarto ng hindi ako nagpapalit o hindi naman kaya ay binabalutan ko ang sarili.Tatakbo na sana ako sa sobrang hiya nang lingonin niya ako.

'yong titig mo Carlo.

"Mamaya na lang." Mabilis kong sinabi at akmang hahakbang patalikod pero ibinato sa akin ni Carlo ang nahagilap niyang tuwalya.Halos masurot pa nga ang mata ko dahil sa biglaan niyang paghagis.

"Kung merong taong papasok sa loob ng bahay natin at makita ka na ganiyan ang suot mo,iisipin nila na inaakit mo ako". Walang emosyon niyang sinabi sa akin at sumandal sa lababo habang binibigyan niya ako ng titig na sa palagay ko ay nadidismaya siya at nahihiya sa nagawa ko. Wala pa naman akong ginagawa ah.

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now