" Tinapay at palaman "
Ariel's Point of view,
Nilapitan ako ni Carlo ng dire-diretso ang mga mata niya patungo sa akin.Hindi ako makagalaw dahil wala akong aatrasan na kahit ano.Sobrang nakakahiya kung basta-basta na lang ako aahon sa bathtub at sasambulat sa buong pagkatao niya ang hubo't hubad kong katawan.Hindi na ako tuluyang nakakilos ng nasa unahan ko na siya,naramdaman kong pumagitna na din ang isang hita niya sa pagitan naman ng akin habang nakatikom ito.
Ano ba ang gagawin niya? Wala naman sina Ysa at kuya Lex para magpakita kami ng kahit anong affection sa isa't-isa ah.
Halos manayo at tumuwid ang mga balahibo ko sa buong katawan ng maramdaman kong may kamay na dumudulas sa binti ko patungong hita ko hanggang umabot na ito sa balikat ko.Hindi maalis ang mga mata ko kay Carlo na nakatingin din naman sa akin dahil baka malingat lang ako kung ano na ang mahawakan niya at ayoko ring makita kung paano ang gumalaw ang kamay niya.Hindi ko alam kung kilala ko pa ba siya o hindi na,grabi siyang kumatitig sa akin,para niya akong lulunukin ng buo at sisimutin ang pagkatao ko kasama na ang kaluluwa.
Napahawak ako sa gilid ng bathtub ng inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko,halos magdikit na ang dibdib namin dahil sa lapit niya.Nakikiliti ang katawan ko dahil sa kung anong pumasok sa katawan ko,kuryente ba 'to? Kung kuryente nga,ayoko ng maramdaman ulit dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung nagkataon.Ang daming naglalaro sa isipan ko ngayon na pilit kong binubura pero patuloy lang silang nagiging malinaw.
Ramdam ko ang paghinga ni Carlo na dumudulas naman sa tainga ko papuntang leeg ko.Pinaglalaruan niya ba ako? Inaasar niya ba ako?
"Let's do the mild one then the wild one after that."
Gusto kong tumalon sa bathtub ng maalala ko ang sinabi niya. Ito na 'yong mild one? Kung mild ito,ano na 'yong wild one? Narinig kong ngumisi muna siya bago magsalita.Pumasok sa tainga ko ang talim ng pagngisi niya na humiwa naman sa kuryenteng nararamdaman ko sa maliliit na piraso at tuluyang lumakas ang epekto.
"Tapos na tayo sa pinakamadaling session. Let's skip the mild session and do the wild session instead." Iniangat niya ang ulo nito at sumilay sa akin ng may halong nakakatakot na tingin,dudukutin ko 'yang mga mata mo,Isa pang tingin na ganiyan! "It will be intense but I will try to be gentle." Dagdag pa niya.
Naramdaman kong pumagitna na ang isang braso niya sa gitna ng braso ko at baywang habang nakahawak ang isang kamay niya sa gilid ng bathtub.Wala pang ilang saglit ay dumudulas na ang buo kong katawan sa ilalim ng tubig hanggang sa wala na akong makita kung hindi ang kadiliman habang may kung anong malambot na balat na......
Bigla na lamang kumirot ang ulo ko na mabilis na dumaloy sa ugat ng mga mata ko.Parang kung may anong dumudukot sa mga mata ko na sa sobrang sakit napabalikwas ako sa higaan. Pagkaupo ko ramdam na ramdam ko ang hapdi ng aking ulo at sakit ng katawan ko.Bigla na lang akong napa-ubo ng tatlong beses na magkakasunod.Hinawakan ko ang ulo ko dahil para na din akong nalulula.
"Ang init ng pakiramdam ko." Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at sumagi sa akin ang nangyari. "Hi-hinalik---". Napatakip ako ng bibig ng maalala ko ang mga larawang nasa isipan ko.Mabilis kong inilibot ang mga mata ko at napagtantong nasa kuwarto ko na ako.
Ha?! Akala ko nasa bathtub pa ako? Nasa bathtub talaga ako kasama si Carlo tapos lumapit siya sa akin,bumulong sa tainga ko,inilubog niya ako sa tubig pagkatapos ng paglubog ko may kung ano na lang na malambot na balat ang lumapat sa bibig ko kasabay ng para bang hinihigop niya ang labi patungo sa sarili niyang labi.
Mas lalong napatakip ako ng bibig ng biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at iniluwal ang seryosong mukha ni Carlo na may dala-dalang tray.Sa tray na iyon ay may isang tasa at may baso ng tubig.Sandali siyang tumigil sa pintuan para tingnan ako.Bigla-bigla namang pumasok sa isipan ko kung paano niya damhin ang labi ko sa labi niya.Umiling-iling ako at sinampal ang ulo ko natigil lang ako ng may dalawang kamay na humawak sa dalawa kong pulsuhan. Si Carlo, nakatingin siya sa akin ng masama,halos magbungguan na nga ang kilay niya at magkawasak-wasak dahil sa talim ng mga mata niya.
YOU ARE READING
Our Home : Reviving Heartstrings
RandomAriel and Carlo were once deeply in love, sharing a passionate and committed relationship. They were a couple since High School days,sharing their goals and dreams. However, their relationship eventually crumbled under the weight of unspoken expecta...