Chapter 15

1 0 0
                                    

"Tinatablan ako"

Ariel's Point of view,

Bago kami magsimula ay nagtipon-tipon muna ang magkakapangkat.Sa pagpatak ng ala-sais ng gabi ay magsisimula na kami.Ang natitirang laro na lamang ay patintero,batuhang bola at agawang buko.Masyadong seryoso ang magkapatid dahil nakikita ko sa mga mata at irapan nila ang tensyon.Kahit mukhang cold si kuya Lex sa ibang tao ay nailalabas nito ang kulit sa mga empleyado at sa mga taong malalapit sa kaniya.Asahan niyo kapag nasa labas na siya,parang isang bato na walang pakialam sa paligid,sobrang tahimik —the nonchalant type of green flag boyfriend.

"Guys." Nakuha ni Ysa ang atensyon namin. "Girls,Kilala ko kayo,I know you,you,you,and you have a huge crush on my brother pero huwag na huwag kayong magpapadala sa charm ng kuya ko.Knowing him,kahit hindi siya nagpapakyut ay tatablan kayo.Why my kuya has that charm? Envious." Banta pa niya ng sandali. "And that guy!". Sabay turo niya kay Carlo.Bumaling naman si Ysa sa akin. "I know the new comer is handsome as AI,look at his biceps,a real P.E. instructor don't let that guy use his seductive ability."

"Seductive ability? Pogi naman niya." Sambit pa ng isang empleyado.

"Bawal ka magka-crush sa kaniya.May nauna na sa 'yo." Nginitian ako ni Ysa at napailing na lang. "He's dangerous especially in be----". Pinutol ko siya.

Tanging sina Ysa at kuya Lex ang nakakaalam kung ano mang meron sa amin ni Carlo and especially the couple—Spencer and Dave.Oo nga pala,ang tagal ko na silang hindi nakikita,Kumusta na kaya sila? Naayos na kaya ng dalawa ang isyu nila sa parents ni Dave?

"Ysa,okay na.....too much information.I am sure kuya Lex have tactics to make our team off." Pagpigil ko pa sa kaniya baka kung ano pa ang masabi niya.

"I know." Nakangising sambit nito. "Okay,guys. Formation." Tumiwalag na si Ysa at lumapit sa akin. "Psst."

"Hmm."

"Use your charisma."

"Ha?".

"Tanggalin mo sa sarili si Carlo.Make him thirsty and hungry."

Biglang sumilay ang matalim na ngisi ni Ysa sa kaniyang labi.Tinanggal naman niya ang balabal na suot niya sa bahaging itaas.

"Look." Napatingin ako sa direksyong itinuturo niya. "Kuya's starting to use his charms."

Nagsimula na ngang hinubad ni kuya Lex ang white shirt niya at nagsimulang mag-inat inat.Wala naman akong nakikitang mali sa ginawa niya,natural lang na maghubad siya at mag-inat dahil na sa dagat kami,isa pa,maglalaro kami.Mas presko kung habang gumagalaw kami ay diretso ang pagtama ng hangin sa aming balat.Masyado lang ginagawang big deal ni Ysa ang lahat.

"And....." Naagaw niya uli ang atensyon ko na kanina pa na kay kuya Lex.Sino ba namang babae ang  hindi mapapatingin sa kaniya,laki ng katawan niya eh. "Your damn seductive husband."

Kumunot pa ang kilay ko ng sinabi niya iyon pero tumama ang mga mata ko sa tinutukoy niya.Nakita kong nag-iinat ng kaniyang mga buto si Carlo habang kinakausap siya ni kuya Lex.Pagkatapos niyang mag-inat ay hinawakan niya na ang laylayan ng damit niya at nagsimulang hubarin ito.Hindi ko maintindihan kung mabagal ba siyang maghubad o talagang bumagal ang takbo ng oras?

Mula sa pag-angat ng damit niya ay nakita ko ang boxer na suot-suot niya,sumunod ang puson nito,ang tiyan nito na ang sa tingin ko ay kapag naumpog ka ay talaga namang magkakabukol ka,ang maumbok na dibdib nito.Ang huling parteng daanan ng pagkahubad ng damit ay ang leeg nito,sumilay sa mga mata ko ang umbok sa leeg nito—ang kaniyang adams apple.Pagkahubad ay itinupi niya ang kaniyang t-shirt at naglabasan naman mula sa kaniyang mga braso ay siksik ngunit matigas na kalamnan nito.Hindi naman maitatanggi na P.E instructor talaga siya dahil sa disiplina na nakikita sa katawan nito.Napansin ko rin na maraming kababaihan ang nagtitinginan kina kuya Lex at kay Carlo.

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now