"Old Time."Malawak na espasyo ang tinatahak ng mga paa ni Carlo.Sa bawat paghakbang na ginagawa niya ay ganoon din naman ang pagkikos ng mga batong naaapakan nito patungo sa isang malaking pintuan.Maberdeng mga damo ang nakapaligid sa mabatong daan,may mga iilang kalakihang halaman at mayroon din namang katamtaman lamang sapat na manerdeng paligid para mapagaan ang pakiramdam mo.Kung lilingonin mo naman sa ibang parte ng lugar ay may mga sasakyang nasa garahe,sa gitna ng espasyo ay may fountain na ang akala mo ay isang chandelier na hindi naikabit sa kisami dahil sa porma ng paglabas ng tubig dito.May magarang lamesa at upuan rin na pahingahan kung sakaling kapagod ka kalalakad sa buong paligid,kung titingalain naman naman ang pinakasentro ng atraksyon —Ang napakalaking bahay,aakalain mong palasyo dahil sa laki, ilang kuwarto kaya meron ang bahay na ito? Ilang tao kaya ang nakatira dito? Ilang kasambahay kaya ang nagtatrabaho dito? Ilang oras kaya ang ginugugol nila sa paglilinis sa buong palasyo na ito?
Nang makarating si Carlo sa mismong harapan ng pintuan ay ipinako niya ang sarili na parang nagdadalawang isip na kung tutuloy ba siya sa loob o muling ipipihit ang mga paa pabalik.Tiningnan ni Carlo ang dala niyang envelope at tsaka itinulak ang pintuan.Sumambulat sa mga mata niya ang iilang pagbabago sa loob ng bahay ngunit ang bungad pa rin dito ang napakalaking family picture,kung saan nasa kaliwang bahagi si Carlo na nakasuot pa ng pang-formal na kasuotan,para siyang young CEO dahil sa tayo at tindig nito habang nasa tabi ng isang magandang babae,sa kanan naman ng babae ay isang magandang lalaki din naman,kagaya ni Carlo ay napakaformal nito at sa likuran naman ay isang matikas na lalaki na nakahawak pa sa Isang balikat ng babae.
May mga painting na nawala ngunit may nadagdag,ang dating puting hawakan ng hagdan ngayon na may medyo mapusyaw na kulay kayumanggi para siyang kape na hinaluan ng dalawang kutsara ng gatas at ibig ng mawala ang pagka-kayumanggi nito.Kung titingalain at ilalapat mo ang iyong mga paa,tiyak na mahihiya ka dahil sa kintab ng bawat tapakan nito,Isang maling hakbang mo lang maaari kang mahulog sa palapag na kasing kintab naman ng mamahaling kubyertos.
Ang mga bulaklak na kulay puti ay nakapaligid sa bawat mamahaling lamesa ng bahay,kaagaw-agaw pansin din naman ang mga mabeberdeng dahon at tangkay nito.
May mga yabag ng sapatos na tumatama sa hagdan dahilan iyon para iangat ni Carlo ang sariling ulo para masilayan kung kanino ba nanggagaling ang mga yabag na iyo.Ngumiti si Carlo sandali ng makita ang lalaking bumababa sa hagdan at naka-wardrobe pang suot.Kulay asul bagay na bagay sa maputi nitong balat at malinis na gupit.Ang mga mata nitong kumikislap at ang kaniyang ngiting nakakasilaw.
Nang makababa ang lalaki ay nagtungo kaagad ito sa kinakatayuan ni Carlo.Ngumisi pa ito kasabay ng paglahad ng kamay nito.
"How's my little brother? I thought you're dead...or just...playing dead? ". Ngumisi pa ito bago inilahad ang kamay kay Carlo.
Si Mark Zander Sagayan ang kaisa-isang kapatid ni Carlo.Kagaya ni Carlo,taliwas din ang tinahak ng kapatid na karera sa buhay imbis na pagbigyan ang kagustuhan ng ama na mag-aral ng business abroad.Limang taong ng manunulat si Zander at nakapagpublish na ito ng iba't -ibang genre ng libro sa ilalim ng kaniyang pangalan na PrinceSwordOfLife (PSOL) Isang taon lamang ang pagitan ng dalawa kaya hindi nakakapagtataka na magkasundong magkasundo ang dalawa.Medyo mataas ng kaunti si Zander sa kapatid at medyo may kalakihan naman ang katawan ni Carlo kaysa kay Xander—P.E instructor nga pala.
"Kuya!". Nakangiting tinanggap ni Carlo ang kamay ng kapatid at sandali silang nagyakap.
"How's my brother? Still better?".
"Malamang napintasan na naman niya ako." Umiwas siya ng tingin ng sandaling segundo bago ibalik sa kapatid ang atensyon nito. "Buti na kakayanan mong manatili dito,hindi ka ba niya pinapatay sa mga salita niya?".
YOU ARE READING
Our Home : Reviving Heartstrings
RandomAriel and Carlo were once deeply in love, sharing a passionate and committed relationship. They were a couple since High School days,sharing their goals and dreams. However, their relationship eventually crumbled under the weight of unspoken expecta...