Chapter 4

1 0 0
                                    

"Pag-aari ko"

Author's Point Of View,

Isang yabag ng heels na kulay itim ang patuloy na gumagawa ng ingay sa bawat pagpatak nito sa sahig ng airport,hila-hila ang isang puting na bagahe. Hinahangin din ang buhok nitong hanggang balikat.Lahat ng nadadaanan niyang tao ay napapatingin sa kaniya dahil sa ngiting sumisilay sa labi nito,idagdag mo pa ang matang naniningkit dahil sa pag-ngiti na ginagawa niya.

Hindi naman sa kalayuan,ay isang yabag din ang gumagawa ng ingay,suot-suot ang mala-CEO na sapatos na may maliit na takong pa,na talaga namang Isa sa dahilan ng pag-iingay nito.Siguro ay galing pa ang lalaking ito sa bansang bumubuga ng niyebe dahil sa suot nitong coat na kulay kayumanggi,para siyang Isang karakter sa korean drama dahil sa pag-iitsura nito at pagtindig.

Tumigil ito sa paglalakad at kinuha ang cellphone sa bulsa nito.Itinapat nito ang cellphone sa tainga niya bago gumuhit ang nakakamatay na ngiti sa labi nito.

"Hey,sissy. Did you just left me?". Tanong nito gamit ang nakakatunaw na boses nito. Ang gwapo ng boses,tiyak na kagaya din ng mukha nito. Ibinaba na nito ang cellphone at patuloy na naglakad papalayo.

Ariel's Point of View,

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko.Medyo kumirot ang baywang ko.Dahan-dahan akong naupo sa kama at napalingon sa gilid ko. May brown paper bag?

Inabot ko ito at nakita ang lagayang may laman ng pagkain.Iginala ko ang mga mata ko pero bigo akong makita ang taong nagdala nito.Alam ko naman kung sino pero gusto kong makita mula sa mata ko ang taong ito.

Napabuntong hininga ako dahil sa kabiguang naramdaman ko.Inabot ko na lamang ang table bed na nasa ibabaw ng maliit na lamesa,alam niya siguro na sa oras na nakita ko ang laman ng paper bag ay hahanapin ko ang table bed.Inayos ko ito para makakain na ako.Malamig na lahat ng pagkain na nasa lagayan,siguro nga'y kanina pa ito. Magtatanghali na din,kumbaga umagahan at tanghalian ko na din ito.Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil gustong-gusto ko ang pagkaing nasa lalagayan.

Sinangang na kanin na may halong gulay.Maliit ang gayat nito samahan mo pa ng giniling na baboy na talaga namang nagpapadagdag ng linamnam ng kanin. Sa kabilang lagayan,meron itong ginisang gulay na repolyo at ang panghuling lagayan ay may laman ginayat na mansanas,ilang piraso na orange at apat na patong na hiniwang tinapay sa ligid.

Hindi ko itatanggi na namiss ko din ang ganitong pag-aalaga sa akin.Makalipas ng dalawang taon,ngayon lang muli ako napagsilbihan ng ganito.Natigil ang ngipin ko sa pagluba at pag nguya ng pagkain ng maalala ko ang ginawa ni Carlo kagabi at kanina lang.

Naramdaman ko kagabi ang pag-ayos niya ng kumot ko habang natutulog ako.Narinig ko din ang sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagbabago,matigas pa din ang ulo. Ramdam ko sa boses niya na ngumingiti siya kahit na hindi ko siya nakikita. Bakit ko ba hindi malalaman? Naging kalahati din si Carlo sa buhay ko.

Ang kaibahan lang ngayon,ang pag-aalagang ipinapakita niya sa akin ay walang kahit anong intensyon,marahil nga nasa isip niya na kapag may nangyari sa aking masama ay kasalanan pa niya dahil siya lang naman ang kasama ko sa bahay.

Susubo na sana ulit ako ng biglang magbukas ang pintuan ng kuwarto ko.Hinintay kong magpakita ang taong nagtangka na gumambala ng agahan ko at iniluwal nito ang isang dambuhalang......ibig kong sabihin,malaking tao. Ngumiti ako ng makita ko ang pag-aalaga sa mukha nito at mangiyak-ngiyak nitong mata.

"Anak ko......."Dahang-dahang tumakbo papalapit sa akin si Manager Bebe habang nakaawang ang dalawang braso nito para yakapin ako. "Ano'ng nangyari sa 'yo?". Tanong niya ng mayakap na ako.

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now