Chapter 19

2 0 0
                                    

"Protective kuya"


Ariel's Point of view,

Hindi muna ako umuwi ng bahay para samahan si Ysa,Isa pa,hindi ko pa alam kung paano haharapin si Carlo,baka kahit paghinga ko ayaw niyang madinig sa totoo lang.Wala din naman akong balita kung ano na ang nangyari.

Pagkagising ko ng umaga ay naglinis-linis muna ako sa condo ni Ysa habang natutulog siya.Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ang inihanda kong pagkain knowing na hindi ako marunong magluto pero sinubukan ko naman at ibinigay ko ang best ko.Tinikman ko naman at edible to eat naman.Inihain ko ang scramble egg na may halong giniling sa lamesa,kasama ang sinangang na kanin,sandwich sa kabilang gilid,magkatabing tubig at juice sa isang kabila naman. Saktong natapos ko ay lumabas na din si Ysa at halatang kagigising lang.

"Morning." Bati ko naman habang bumababa siya ng hagdan.Wearing her red thin strips dress,the length of night wear dress is above her knee.If ever I changed my mind and heart I would definitely hit her and fall for her.

"What's with that stare? Staring me with malice?". Tanong pa niya habang pinapasada ang palad niya sa handle ng hagdan.

"Hmm..." Naupo ako. "Kain na tayo tapos sabay na tayo pumuntang restaurant." Pag-aaya ko naman.

"There's no baby?". Tanong niya at kaagad na lumapit sa upuan para maupo. "You hugged me yesterday and called me baby, was that an act to calm me down?".

"Kain na tayo." Hindi ko siya sinagot at itinuro ang pagkain na hinanda ko.

"Is it edible to eat?". Maarteng tanong naman niya.

Tumaas ng bahagya ang kilay ko at tumayo ako para ligpitin ang inihanda ko. "Okay,huwag mong kainin."

"Joke lang. Hehehe." Pagpigil naman niya at agad na sinubo ng niluto ko.

"Dami mong arte parang hindi umatungal magdamag." Bulong ko pa at nagsimulang kumain.

"Ano?". Tanong niya habang ngumunguya pa.

"Wala. Sabi ko pakabusog ka..." Uminom ako ng tubig. "Tsaka,next time 'wag kang bababa ng ganiyan ang suot mo."

"You're not my boyfriend,you don't have the right to be possessive." Maarte niyang sinabi at inirapan ko.

"I'm your boy...friend." Ganti ko pa.Susubo na sana ulit ako ng may magdoorbell. "Ako na." Paalam ko at nagpuntang pintuan.

Binuksan ko ito at babae ang sumambulat sa akin.Maganda siya,straight ang buhok,matangkad pero mas matangkad ako,singkit ang mga mata niya,matangos ang ilong at maputi but not enough to wake up my masculinity.

"Bakit ang tagal mo?". Dinig kong boses ni Ysa na papalapit sa aming dalawa. "Si kuya na ba ---". Naputol siya ng makita ang babae. "Samira?".

"Let's talk." Sabi ng babae,base sa pagkakadinig ko Samira ang pangalan nito.

"Nakapag-usap na tayo." Sabi ni Ysa at balak isara ang pintuan pero hinarang siya nitong si Samira.

"Please, let's make up."

"No! I may look vulnerable but I'm stronger than you think. I don't want to associate with someone...like you. Stop this nonsense..." Ngumiti si Ysa. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng saya dahil sa sinabi niya.Okay din pala na umiyak siya magdamag e.

"Associate with someone like you? We'd slept that---". Lalo akong ngumiti ng pinutol niya ang balak sabihin ni Samira.

"Yes we had. And..." Binuksan ni Ysa ang pintuan at hinarap si Samira. "I'm better than you.Being on top. " Ngumiti siya at tinalikuran si Samira. "Let's go,finish your food baby." Kinindatan ako ni Ysa at naunang umalis.

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now