Chapter 2

3 0 0
                                    

"Accident"

Ariel's Point of view,

Ang sakit pa rin ng baywang ko,hindi ko maintindihan kung bakit ba napakalampa ko ngayong araw.Dalawang beses na akong nadapa,ang masama pa nito sa harapan pa ni Carlo,nakakahiya talaga.

T'saka kanina,hindi ko maiwasang maisip ang nangyari.Bakit ba kasi itinanong ko pa 'yun? Naibalik niya tuloy sa akin ang tanong,hindi ka talaga nag-iisip Ariel. Sa lahat ng p'wede mong itanong bakit 'yun pa. Sana hindi na lang nangyari ang lahat 'yun.

Pero kanina,'ramdam ko ang lagabog ng puso ko.......sana hindi niya nadinig o naramdaman man lang.Gusto ko na lang kalimutan ang nangyari pero pabalik-balik siya sa utak ko.

"Baka gusto mong tumayo?" Naiilang kong sinabi kay Carlo habang nakapatong siya sa ibabaw ko.Sa lahat ba naman ng p'wedeng posisyong mangyari,bakit ganoon pa?

"Bakit ako tatayo? Kuwarto ko 'to!". Seryoso niyang sinabi sa akin.Ngayon ko lang nakita ang mukha niya na ganito,ngayon niya lang sinabi sa akin 'to.

"Tsk!". Napangisi ako dahil sa sinabi niya. "Oo,kuwarto mo at hindi ako kabilang dun." Maarte kong sinabi. "Isa pa,mukha ba akong kama para diyan ka mahiga sa ibabaw ko,ha?!". Hindi ko alam kung bakit ko siya natanong ng ganito,at t'saka bakit naman ganitong tanong ang lumabas sa bibig ko? Nanahimik siya sandali bago niya ako binigyan ng sagot.

"Okay." Maikli niyang sagot.

Nagsimula ng ipaling ang ulo niya para tumayo,ako naman ay naghanda na ring tumayo,sa paghahanda kong tumayo hindi ko akalain na babalik siya sa puwesto niya habang ako naman ay akmang itatayo ang sarili. "Pero san---------". Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil humarang ang labi ko sa labi niya.

Hindi ko na maintindihan ang posibleng mangyayari sa aming dalawa ngayon,parehas kaming gulat at hindi makakilos.Sa lahat ng p'wedeng aksidenteng mangyayari sa aming dalawa,bakit kailangan pang magdikit ang labi naming pareho?! Respeto naman,Wala na kaming relasyong kahit ano.

Nakakahiya.............

Nakakailang...........

Bakit ayaw niya pang humiwalay?

Kumilos ka na Carlo!..........

Bakit ayaw mong kumilos?!...........

Mukhang wala siyang balak na kumilos kaya ako na lang ang humiwalay.Parehas kaming hindi makatingin sa isa't-isa,grabing sobrang pagkailang naman nito.

Natutulala na lang ako habang naaalala ko ang nangyari,hindi ko na namalayan na nakatingin na pala sa akin si Dave habang nakahawak ako sa labi ko.Masyado ka ng nag-iisip Ariel.Nakakahiya ka.

"May nangyari ba?". Bungad naman na tanong sa akin ni Dave.Nakita niya ba na nakahawak ako sa labi ko?

"Ah wala naman.Maupo ka." Pag-aaya ko at naupo nga naman siya. "Ah kung hindi ka pa handang harapin siya, puwede ka namang mag-stay pa dito. Wala namang problema sa akin."

"Hindi ba ako nakakaistorbo sa oras niyong dalawa?". Tanong niya sa akin na nagpakunot naman ng noo ko bahagya. Anong ibig niyang sabihin? Oras naming dalawa?

"Ha? Anong ibig mong sabihin?". Kami ba ni Carlo ang tinutukoy niya?

"Kayo ni Carlo.".

"Ha?!". Medyo napalakas pa ang boses ko. "Sorry........kami ni Carlo.Wala kaming relasyon na kahit ano."

"Totoo ba?! Akala ko kasi may relasyon kayo,the way he looked at you,stares at you. There's a spark." Mangiti-ngiting ibinahagi ni Dave ang naging obserbasyon niya.

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now