"Friday"
Carlo's Point of view,
Hindi ako umuwi sa bahay kagabi.Hindi ko alam kung nandoon ba si Ariel o kay Ysa siya natulog.Basta ang naaalala ko lang sinabi ni Lex na nandoon si Ariel kasama ni Ysa.Ano kayang ginawa nila? Kagigising ko lang pero hindi ako mapakali.Wala naman akong iniisip pero lakad na lang ng lakad ang mga paa ko.Kalalakad ko ay dinala ako ng mga paa ko sa kusina.Kailangan ko sigurong magkape.Isinaksak ko ang heater na may mix black coffee powder na sa loob,ilang minuto lang ang itatagal nito at makakapagkape na rin ako.Nag-toast din ako ng apat na pirasong tinapay para isabay sa mainit kong kape.
Hindi pa naman kumukulo ang kape kaya nagpunta muna akong kuwarto ko sa taas para magsuot ng bathrobe.Pagkatapos kong inumin ang kape at kainin ang tinapay ay isusunod ko na ang paliligo tapos noon ay papasok na ako sa trabaho.Sakto sa aking pagbaba tumigil na din ang pagkulo ng kape ko.Nagsalin ako ng kalahating baso ng kape at ipinatong sa lamesa,isinabay ko na din ang tinapay.
Kape talaga ang gumigising sa akin sa umaga.Habang humihigop ako ng kape paunti-unti ay may tumawag sa cellphone ko.Si Ysa. Hindi ko maintindihan pero ang bilis ng pagkilos ng hinlalaki ko at napindot kaagad ang answer button.
"Hey,Carlo!". Sigaw niya sa akin.Halos mabingi ako dahil sa sigaw niya.Ang aga aga Ysa. "Naririnig mo ba ako?".
"Of course." Tipid kong sagot. Sapat na para mabasag mo ang buong tainga ko.
"Kuya's told me that you're working today."
"Hmm. Then what?".
"Are you crazy,ha?! You really want to work today?! Are you forgetting something? Did you forget? Akala ko si Ariel lang? Kailangan ko bang iumpog ang ulo niyong pareho para maalala niyo ang lahat? Paano kayo tumagal ng ganito kung ganiyan kayo pareho sa isa't-isa? Are you even love each other?!". Sunod-sunod niyang tanong,singhal at pagrereklamo sa akin.Hindi ba nakapagkape ang babaeng 'to?! Hindi ba siya natulog dahil lang nag-isip at nag-ipon siya ng mga tanong? "Hey,are you even listening to me?!".
"Of course. Sa dami ng tanong mo wala akong naintindihan. Aling tanong ba ang gusto mong malaman ang sagot?". Walang gana kong tanong habang siya ay napabuntong hininga.
"Kung kaya ko lang dukutin ang dila mo dito sa expensive screen ng cellphone ko ginawa ko na!". Pagbabanta naman niya sa akin na ang palagay ko nga kung nagkataon na maaari niyang gawin 'yon ay matagal niya ng nagawa.
"My age is same as your brother age." Paalala ko naman sa kaniya.
"Well I don't care,kahit kasing edad ka pa ng daddy at grandpops ko wala akong pakialam!". Pagdidiinan niya pa sa akin. "So,are you reaaaally serious na wala kang plan for today's date?".
"What for? Siya nga kinalimutan na e. So why would I waste my time to prepare something?". Kahit hindi niya ako nakikita ay malamang alam niya na nakataas ang kilay ko. "Kung ayan lang ang pakay mo.May trabaho pa ako." Magsasalita pa sana siya pero ibinaba ko na ang tawag niya.
Ang aga aga kung ano-ano na namang intriga ang sumambulat sa pagmumukha ko at sa tainga ko.Hihigop pa sana ako ng mainit kong kape nang isang boses ang naglabas-masok sa aking tainga.Walang emosyon kong siyang nilingon at dahan-dahan pa siyang humahakbang pababa ng hagdanan. Pagkarating niya sa puwesto ko ay ginawaran niya ako ng isang ngiti.
"Good morning Bar Instructor." Bati sa akin ni Claire habang suot-suot ang bathrobe.Mukhang kaliligo niya lang ngayon.Dapat lang siyang maligo,dapat kagabi pa noong magkasama kami. "So how about last night? Lasing na lasing ako,wala akong maalala e."
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-inom ng kape kasabay ang pagkagat ko ng tinapay.Hindi lang pala si Ysa ang sisira ng umaga ko,kasama din pala ang babaeng 'to.Umangat ang tingin ko kay Claire ng bigla itong naupo sa lamesa ko.Kung makikita lang ng mga lalaki at estudyanteng naghahabol sa kaniya kung anong pag-aasta ng babaeng 'to malamang magdadalawang-isip na sila tulad ko pero aaminin ko kahit ganoon I find her hot and exciting.Yes exciting like what she was done last night.
YOU ARE READING
Our Home : Reviving Heartstrings
RandomAriel and Carlo were once deeply in love, sharing a passionate and committed relationship. They were a couple since High School days,sharing their goals and dreams. However, their relationship eventually crumbled under the weight of unspoken expecta...