Chapter 17

1 0 0
                                    

"Our class and instructions"

Ariel's Point of view,

Ang sakit ng ulo pagkagising ko kani-kanina lang.Nagising ako sa kalabog ni Ysa dahil ibinalita niya sa akin na mauuna na daw siyang umalis bago ang napag-usapan namin.May kailangan daw siyang aasikasuhin,si kuya Lex muna na lang ang bahala sa aming lahat 'pag pauwi na kami.

Katatapos ko lang maligo at napahawak ako sa baywang ko.Sobra ba akong nalasing kagabi? Nadapa ba ako? Medyo nanlaki ng bahagya ko ng makita ko si Carlo na sobrang himbing pa ng tulog habang nakatalikod ito.Hindi ko siya napansin noong nagising ako,siguro kasi antok at may hangover pa rin ako.Nagpunta ako sa may salamin para ayusin ang sarili ko,inabot ko ang bag ko at kinuha ang lip balm na dala ko.Ibang lip balm pala ang nadampot ko,Yung binili pa ni Carlo.Hindi na ako nag-inarte at inilapit ko na ang mukha ko sa salamin para makita ang labi ko.Papasadahan ko na sana ang labi ko ng may mapansin akong kung anong gahat o sugat sa labi ko.

"Huh? Ano'ng nangyari sa labi ko?". Tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang labi ko. "Nadapa nga siguro ako."

"Tabi!". Malamig niyang bungad sa akin.Gising na si Carlo at mukhang pati siya ay may hangover din. "Nasa daan ka. Tumabi ka." Paulit naman niya at halatang medyo iritable na ito.

Tumabi ako para makadaan siya. "Mag-aayos na daw tayo ng gamit kasi mayamaya lang daw ay paalis na tayo." Pahabol ko pa pero huminto lang siya saglit at nagpatuloy na sa pag-alis. "Problema nun."

Hindi ko na lang siya pinansin at dahan dahan kong pinasadahan ang labi ko ng lip balm.Pagkatapos noon ay inayos ko na ang mga gamit ko para 'pag paalis na ay maayos na ang lahat.Sinigurado ko munang wala akong naiwan na kahit ano bago ipatong sa upuan ang bag ko.Mayamaya pa ay bumalik na si Carlo at nakaayos na ito.Kinuha niya ang bag niya at inayos din.Pagkatapos noon ay nilagpasan na lamang niya ako na para akong Isang hangin sa pakiramdam.

Nandito kami ngayon sa pinakalabas ng beach hotel dahil nagpapaalamanan pa si na kuya Lex,Ysa at sa may ari ng beach hotel na si Dustin.Hindi na ako nakipag-isyoso dahil nagtatawanan pa sila.Gusto ko ng umuwi dahil pagod n pagod at antok na antok ako.

"Well,I hope your two days fullfil your tiredness." Hayag niya naman sa amin pagkatapos nilang mag usap.Nagsitanguan naman ang lahat syempre kasama ako. "So,Paano na? Kita-kits na lang some other time?". Natatawang tanong nito.

"You're always welcome to our restaurant.Bisita ka din." Pag-aaya naman ni kuya Lex sa kaibigan.

"Sure." Nakangiting sagot nito. "Ingat sa biyahe." Pahuli niyang sinabi.

Ngumiti naman ang lahat at nagsisakayan na sa sasakyan.Nahagip ng mga mata ko na tinapik ni kuya Lex
sa balikat si Dustin bago sumakay sa unang sasakyan.Pasakay na sana ako ng may tumapik sa likuran ko.Sumambulat sa harapan ko si Dustin na ngiting-ngiti.

"Oh,Sir Dustin. May kailangan ka ba?". Taka ko namang tanong sa kaniya dahil hindi naman siya lumalapit kung wala siyang kailangan na kung ano.

What I mean is,not that kind of person na lalapit lang sa'yo kapag may kailangan pero hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't-isa,baka may itatanong lang siya siguro kaya nilapitan niya ako.

"Sir Dustin?". Napangibit pa siya ng bahagya. "That's too formal. Just call me Dustin or kuya Dustin. Anything you want." Suggestions niya pa sa akin.Para ano pa? Paalis na din naman kami.

Napatango na lamang ako.

"By the way,can I get your number?". Natahimik ako saglit dahil sa hinihingi niya. "You're not comfortable? Just Incase lang na hindi ko ma-contact sina Lex if ever na bumisita nga ako ". Paliwanag naman niya.Siguro nga 'yon lang 'yon.

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now