Chapter 12

0 0 0
                                    

"Soft and smooth"

Carlo's Point of view,

Nakasipit lang ang mga bisig ko sa sarili kong bisig katapat ng dibdib ko habang pinapanood ang isang personalidad ni Claire na ipinapakita niya kay Ariel.Hindi kapani-paniwala, you're not like that when I'm with you.The way you talk and laugh like an angel makes me want to vomit and spill the coffee in my stomach.Umirap na lang ako ng makitang sumasabay si Ariel sa pagtawang ginagawa ni Claire.Bakit ba sumama pa ako dito? Para din namang wala ako sa tabi nila.

"Sorry, Ariel.Malakas ba akong tumawa?". Nahihiyang tanong nito sabay takip ng bibig niya.Umiling naman si Ariel.I can't with his pathetic confirmation.Uminom na lang ako ng kape. "By the way Ariel,until now...."

Kinuha niya muna ang cellphone niya bago magsalita ulit.

"You're not accepting me as your friend." Medyo nakanguso niya pang sinabi sabay pakita ng cellphone niya kay Ariel.

"Ah...." Hindi komportable si Ariel.Alam ko,kahit na sumasabay siya kay Claire alam kong hindi niya gusto 'yon.

"And why---". Napatingin sa akin ni Claire nang sumingit ako at pinutol ang sasabihin niya.Masyado kang maingay!

"You're being loud Ms.Claire." Walang emosyon ko pang sinabi at uminom ulit ng kape.

Hindi naman kami nagtagal sa cafe na 'yon.Kahit gusto kong umalis ay hindi ko nagawa,ayokong iwanan si Ariel sa kamay ng babaeng 'to.Who knows magising na lang si Ariel na nasa kuwarto na siya,hindi ko naman ganoong kakilala si Calire at hindi ko alam kung anong klaseng babae siya pero hindi ako panatag na kasama niya si Ariel.Ganoon pa rin ang set-up naming tatlo nagmumukhang driver na naman ako dahil kung kanina kami ang magkatabi ni Ariel ay silang dalawa naman na nasa likuran ko.

"Ahm, Carlo stop tayo sa gasolinahan." Utos naman niya sa akin at tumingin na kay Ariel.Nakikita ko sa unahang salamin ng sasakyan niya na nasa itaas.

"Bastard." Bulong ko pa binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.Kita ko naman sa mata nila ang gulat dahil sa ginawa ko.Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa gasolinahan.

"CR lang ako." Paalam naman ni Claire at lumabas na.

Tiningnan ko si Ariel mula sa salamin na nasa unahan ng kotse.Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya dahilan iyon para mapaiwas siya.Why do you always insisting acting like that? How frustrating!

"Kung ayaw mong sumama sa isang tao,matuto kang humindi." Sabi ko pa habang diretso ang tingin.

"Hindi naman sa ayaw ko pero si Ms.Claire 'yon,nakakahiya naman." Sagot niya sa akin pero hindi niya ako tinitingnan.

"Is it because she's a professor that is why you can't reject her?". Tanong ko sa kaniya at tumingin ako sa salamin.Why do you always like that? Keep your eye contact.

"Parang ganoon na nga." Simple niyang sagot na nagpainit bahagya ng ulo ko.

"Sumama ka sa kaniya kasi professor siya.Paano 'pag inaya kitang mag-kape o kumain sa labas,sasamahan mo ba ako?". Bato ko naman ng tanong habang nakatingin pa rin sa salamin ng sasakyan,nahuli ko siyang tumingin din sa akin.

Hindi niya na naalis ang tingin niya sa mga mata ko.Tinitigan ko pa siya mariin para umiwas siya pero hindi niya ginawa.Ako na ang nag-alis ng pagkakadikit ng mga mata ko sa mata niya at lumabas ng sasakyan.Lumipat ako sa katabi niya,nagulat naman siya dahilan 'yon para mapaisod siya ng sobra.

"Hindi kita kakagatin." Sabi ko pa pagkatapos siyang tapunan ng sandaling tingin at ibinalik ang tingin ko sa unahan. "So,why do you think of her?".

"Ha?". Hindi kapani-paniwala niyang tanong sa akin.

Our Home : Reviving Heartstrings Where stories live. Discover now